“Ah..eh..uuwi na ako..Mi…ne”
“Hindi ka pa pwedeng umuwi”
“Aba! Bakit naman?”
“May date pa tayo”
Wala nang nagawa ang dalaga kundi ang sumama sa binata. Buti na lang at may kotse si Drew, sa isip nya hindi mababawasan ang allowance nya pag nagkataon.
(Sa Mall)
“Ano namang naisipan mo at dito mo ako dinala?”
“Gusto ko manuod ng movie”
“Wala akong pera”
“Sinabi ko bang ikaw ang magbabayad”
Dumeretso na sila sa sinehan. Bumili na rin si Drew ng 2 tickets at pagkain.
Sakto lang naman ang dating nila kasi konting minuto na lang ay mag-uumpisa na ang movie.
“Eh?! Bakit parang tayo lang ang ata ang manunuod?”
“Dapat lang, nirentahan ko to eh”
Nanlaki naman ang mata ni Amber sa sagot ni Drew.Kilala nga pala ang pamilya ni Drew na isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa pero hindi naman nya akalain na rerentahan nya ang buong sinehan makapanuod lang ng movie.
“Eh? Bakit bumili ka pa ng ticket kung nirentahan mo to?”
“Drama lang yung kanina, alam ko kasing hindi ka sasama pag nalaman mo na tayong dalawa ang manunuod”
“Grabe! Ikaw na ang mayaman!”
“Hahaha.. wag ka nang maingay kasi magstart na yung movie”
Habang nanunuod sila ng movie, walang imikang naganap pero napapansin rin naman ni Amber mula sa kanyang peripheral view na panay ang tingin ng binata sa kanya. Matapos nga nilang manuod, nagyaya namang kumain si Drew, ayaw pa ngang pumayag ni Amber kasi medyo gabi na rin at natatakot sya na baka hinahanap na sya sa kanila.
“Don’t worry, nagpaalam na ako kay tita”
“Tita?! Sinong tita?”
“Your mom”
“WTH! At kelan pa naging tita ang tawag mo sa nanay ko!”
“Kanina lang, nung malaman nya kasi na boyfriend mo ako, sinabi nya na tita na lang daw itawag ko sa kanya”
“OM! End of the world na ba?!”
And for the second time, wala na namang nagawa si Amber sa kakulitan ni Drew. Sa isang sikat na restaurant sya dinala ng binata at nagulat na naman sya na may reservation na pala si Drew dito..
“Ganito ka ba sa lahat ng nagiging girlfriend mo?”
“Wala pa akong nagiging girlfriend”
“Sinong niloko mo eh kilala kang playboy sa campus”
“Being friendly is different from being playboy”
“Seryoso?! NGSB ka”
“Oo nga”
“Baka naman paminta ka!”
“What?!”
“Sabi ko baka naman paminta ka, beki, bakla,gay”
“Is that a joke?”
“Eh?! Di ko maiwasang isipin eh”
“Hindi ako bakla o kung ano pa man, may hinihintay kasi ako”
Natahimik naman si Amber sa sinabi ni Drew. Hindi pa nga nyang lubusang kilala ang binata. Ang tanging alam lang kasi nya eh may pagkapresko at playboy ito pero marunong din naman pala itong magmahal.
STAI LEGGENDO
It all started with a stupid Game: A Short Story (Completed)
Storie d'amoreIsang maikli pero nakakakilig na story :)
It all started with a stupid Game: A Short Story (Completed)
Comincia dall'inizio
