“Sure! Madali naman akong kausap kahit yung buong allowance pa nya”
“Talaga?! “
“In one condition”
“Tss.. sige, ano yun?!”
“Be my girlfriend for 1 month”
Nanlaki ang mata ni Amber sa narinig.
“Ate pumayag ka na 1 month lang naman”
“Hell no!”
“Okay! Ayaw naman ata ng kapatid mo..Bye! Bye! Allowance..”
“Sige, pumapayag na ako pero 1 day lang”
“Okay! Matinong usapan, 1 week”
“Bingi ka ba?! Sabi ko 1 day”
“Ako pa rin ang masusunod”
“Waah! Huling hirit, 5 days!”
“Okay! Deal”
“Hmm.Deal!”
“Oo nga pala baka hindi mo tapusin yung deal, ganito na lang saka ko ibibigay yung kalahati ng allowance after 5 days”
Umalis na lugmok na lugmok si Amber at si Andrei sa Computer Shop. Sa isip nya, dapat hindi na lang sya pumayag. Certified NBSB kasi ang dalaga at ang gusto talaga nyang ma-achieve ay isang first and last boyfriend, ngunit mababali na ang dream nyang yun. Kahit pa sabihin na isang biro lang para kay Drew ang lahat mahalaga pa rin sa kanya ang pagkakaroon ng boyfriend.
“Hmm.5 days lang lang naman..iisipin ko na lang na nagka-nightmare ako sa loob ng 5 days”
(Sa School)
First Day
Nag-umpisa na nga ang deal nila Amber at ni Drew. Syempre maraming nagulat dahil kilala sila na mortal na magkaaway sa school. Marami rin namang natuwa kasi marami ring nagsasabi na may chemistry daw ang dalawa, gwapo kasi si Drew at maganda naman si Amber. Ngunit may mga nainis rin lalo na yung may HD kay Drew, ika nila hindi tulad ni Amber ang bagay na maging girlfriend ng binata.
“Hon, san mo gustong pumunta after class”
“Eww! Pumayag ako sa deal natin pero tigilan mo nga ako sa pagtawag ng Hon!”
“Sige, ano bang gusto mong itawag ko sayo?”
“WALA!”
“Wala kang maisip, edi Hon na nga lang”
Pikon na pikon na si Amber sa lalaki. Sa totoo lang may alam din naman syang endearment pero ang gusto nya, sa totoong boyfriend nya ito gagamitin..
“Tss..instead of Hon, is it okay if I call you Mine?”
“Huh?!”
“Mine, yan na lang endearment natin”
Namula naman si Amber kasi yung endearment na yun ang gusto nya talagang gamitin if ever na magkakaboyfriend sya.
“Ow! You’re blushing..”
Pang-aasar sa kanya ng binata, agad naman nya itong iniwan.
Makalipas ang ilang oras at natapos na nga ang klase. Balak na sanang takasan ni Amber si Drew pero naabutan sya nito..
“At san ka pupunta Mine”
Malakas ang pagkakasabi ni Drew kaya naman naghiyawan yung mga kaklase nya. Panay naman ang asar sa kanilang dalawa, kesho ang sweet at nakakakilig daw ang tawagan nilang dalawa.
YOU ARE READING
It all started with a stupid Game: A Short Story (Completed)
RomanceIsang maikli pero nakakakilig na story :)
It all started with a stupid Game: A Short Story (Completed)
Start from the beginning
