Wherever you will go

32 0 0
                                        

So lately, been wondering

Who will be there to take my place…

Araw-araw ka nalang sinusundan.

Napapagod na ako, nagmumukha na akong stalker nito, kawawa naman ako.

Pero anong magagawa ko? Mahal ko talaga tong babaeng to!

Hindi na to basta crush nalang, tingnan mo nga, nagagawa ko pang ihatid at sunduin siya kahit hindi niya alam. Binabantayan kahit saan magpunta, hai.Pagmamahal nga naman.

Pero napapagod na ako, kasi hindi niya siguro alam na nag-e-exist ako? Kasi nga ni hindi niya man lang nahalata na palagi ko siya sinusundan! Minsan gustong-gusto ko ng itigil ito at lumayo nalang, kalimutan nalang tong pag-ibig na to, pero ano pa nga ba! Lahat nalang ako PLANO!

Kasi, natatakot ako, sino ang taong papalit saakin sa paghatid at pagsundo sa kanya kapag itinigil ko?

When I'm gone, you'll need love

To light the shadows on your face

Minsan sa pag-sunod-sunod ko sayo, nakita kitang pumunta sa isang park.

Umupo ka sa swing, nakita kong malungkot ka at may tumulong mga luha sa iyong mga mata.

Hindi mo alam kung gaanong pagpipigil ang ginawa ko para wag kang lapitan at yakapin.

Pero hindi ko kaya!

Kaya ginawa ko? Nagmadali akong bumili ng balloons, ice cream at isang cute na teddy bear. 

Pinakiusapan ko yung mga bata na ibigay sayo yung mga binili ko, tapos nagtago ako kaagad, dahil paniguradong hahanapin mo ako.

Pakakuha mo nung mga pinabibigay ko, nakita ko ulit yung magaganda mong ngiti. Kahit hindi mo ako kilala, lagi mong tatandaan nandito ako para pangitiin ka kapag nalulungkot ka. Promise yan!

If a great wave shall fall

It would fall upon us all

And between the sand and stone

Could you make it on your own?

Lahat tayo may pinagdadaanang problema.

Lahat tayo nagkakamali.

Ako? Isa sa pinakamalaking pagkakamali ko yata yung hindi ko agad sinabi sakanya na gusto ko siya, di sana hindi ganto.

Pero naisip ko, pano ba kung wala ako sa likod niya para pangitiin siya kapag nalulungkot siya, kakayanin niya ba? Mayroon bang gagawa nun para sakanya?

If I could, then I would

I'll go wherever you will go

Kahit saan, kahit kailan. Basta kaya ko, susundan kita, para lang matiyak na safe ka.

Kahit na date mo pa yun kasama yung manliligaw mo, kahit na sobrang nasasaktan na ako na makita kang ngumingiti habang kasama siya, okay lang, basta pupunta parin ako kung asan ka. Martyr na ba tawag dito? Siguro! Pero wala na akong pakialam, mahal kita eh.

Way up high or down low

I'll go wherever you will go

Kahit na may magmukha akong tanga kasusunod sayo.

Pinagtatawanan na nga ako ng mga kaibigan ko kasi para mo daw akong buntot na walang pagod na kasusunod, pero ipinangako ko na sa sarili ko na “I’ll go wherever you will go” pwera sa ladies room, ano ba naman yan!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wherever you will goWhere stories live. Discover now