Aish, ano pa nga bang magagawa ko? Nakitext ako kay Tita, wala kasi akong load eh kaya ayan makikitext para sabihin kay Syril na lilipat na ako ng school, ang loka tumawag kaagad!

Bakit daw biglaan, pano na daw siya.. Sabi ko naman sakanya bibisitahin ko nalang siya pag may time ako o kaya siya ang pumunta sa Oecil University.. Pumayag naman siya, sayang hindi ko na siya classmate, Papa naman eh! Buti sana kung may mga makikipag kaibigan saakin sa school na yun..

________________________

Monday na! At nandito na ako ngayon sa bagong school ko! Maganda naman, kaya lang ang daming nakatingin saakin kasi nga bagong mukha ako sakanila.. Hindi kagaya sa school ko dati 20 sections per year ang meron, dito naman sa Oecil University 5 sections lang bawat year level.. Kaunti lang ang mga studyante, talagang bilang na bilang lang.. Bawat section 30 lang daw ang estudyante..

“Abhie!” – tawag saakin ni Tita A, ang ganda talaga ni Tita kahit may anak na siya mukha pa rin siyang dalaga..

“Hi Ma’am!” – bati ko.

“Ma’am?? Kahit nasa school tayo tawagin mo akong Tita, okay lang yan..” – sabi ni Tita A, nakakahiya naman kung ganun.. Guidance Councelor na ngayon si Tita A dito, nakakahiya baka isipin nung mga estudyante may kapit ako kaya nakapasok ako kahit super duper late na ako..

“Halika na ihahatid na kita sa section mo, kaya lang iha Section 2-B ka puno na kasi sa section 2-A..” – sabi ni Tita..

“Okay lang po yun Tita, kung pwede nga lang kahit section 2-E eh!” – sabi ko, wala naman kasi akong pakialam sa mga section section na yan ang mahalaga nag aaral ako.. Narinig ko namang tumawa si Tita..

Naglakad na kami, sa 2nd floor ang mga 2nd year.. Napatigil ako ng may mapansin ako sa bulletin board dito sa may hagdan na paakyat sa 2nd floor.. 12 na estudyante sila, ang gaganda at gwapo nila..  Pitong lalaki at limang babae, ang aastig nila at bagay sakanila ang uniform ng Oecil Univesity..

“Sila ang Student Terror Abhie..” – masayang sabi ni Tita!

“Student Terror?!” – anong klaseng pangalan ng grupo yun bakit parang nakakatakot?!

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon