Crazy for you

13 1 3
                                        


  Ako si Denz, 18 taong gulang. Nakipag sapalaran lumuwas ng Maynila mula sa aming probinsiya para lang makahanap ng trabaho. Sa awa ng Diyos ay nakahanap ako ng trabaho. Gasoline boy mula Lunes hangang Biyernes. Utility Staff naman kapag Sabado at Linggo sa isang Hotel. 'Yan ang buhay ko. Ang mag trabaho para sa aking pamilya. Hirap kami sa buhay. Ang tatay ko hindi na kayang magsaka sa bukid. Kaya tumutulong na lang siya kay nanay sa pagbebenta ng sampaguita sa tabi ng simbahan. Nag-iisa lang akong anak. High School lang ang natapos ko. Kaya heto ako ngayon kumakayod para guminhawa man lang ang buhay ng magulang ko. Nagtitiis sa hirap at pagod sa trabaho. Paulit-ulit lang araw-araw ang ginagawa ko sa maghapon. Sa madaling salita, walang bago. 

PERO nagbago ang lahat nang makilala ko ang isang misteryosong babae. Babaeng nagpabago sa ikot ng buhay ko. Babaeng nagparamdam sa akin kung ano ang kahulugan ng tunay na pagmamahal. 

Naalala ko pa noon no'ng unang araw na nakilala ko siya. Maaga akong umalis sa apartment na tinitirahan ko. Day off 'ko no'n kaya naisip ko na mamasyal sa isang park. Habang naglalakad, pinagmamasdan ko ang langit. Napaka-aliwalas sa paningin at nakapapawi ng pagod. Naupo muna ako sa isang mahabang silya sa gilid ng malaking puno. Nakakaantok ang mga huni ng ibon, sinabayan pa ng kalmadong hangin na dumadampi sa aking balat. 

Mayamaya may natanaw ako. Isang babaeng tumatakbo palapit sa aking kinaroroonan. Ilang saglit lang ay nagulat ako nang bigla itong nadapa. Agad ko naman itong pinuntahan para tungan. 

"Miss, okay ka lang?" 

Dali ko itong tinulungan. Ngunit napansin ko na hindi ito gumagalaw. Muli ko siyang tinanong, "miss, ayos ka lang ba?" 

Tinatapik ko na ito sa kanyang likod, ngunit hindi pa rin ito gumagalaw. Kinutuban ako bigla. Naisip ko na baka napasama ang kanyang pagkakadapa. 

Kaya naman bubuhatin ko na sana ito para dalhin sa malapit na hospital. Nang biglang... 

"O-ok lang ako." 

Isang malumanay na boses na nanggaling sa nakadapang babae. Nagulat ako dahil bigla na lang itong nagsalita. 

Hindi nagtagal tumayo ito. Hawak n'ya ang kanyang batok habang ang kaliwang kamay n'ya ay ginamit niya para pagpagin ang nadumihang damit. Hindi ko gaano makita ang kanyang mukha dahil nakayuko ito. 

"Ahhh, Miss, ano'ng pangalan mo? At bakit ka nga pala tumatakbo kanina?" sunod-sunod kong tanong sa kanya, ngunit hindi siya sumagot. 

Tumalikod s'ya sa akin at napahinto nang bahagya. 

"Pauline... Pauline ang pangalan ko," 'yan ang sabi niya sa akin at bigla muli siyang tumakbo palayo. 

Nagtaka ako kung bakit ganoon ang kinikilos n'ya. Ni hindi ko man lang nakita ang kanyang mukha. Pero isa lang ang naalala ko sa kanya. At 'yon ang kanyang galos at sugat sa kaliwang braso. 

KINABUKASAN, maaga akong umuwi mula sa aking trabaho sa Hotel. Ang sama kasi ng pakiramdam ko. Para akong lalagnatin. Kaya sabi ng boss ko, wag na raw akong pumasok bukas at magpahinga na lang daw. Naglalagad na ako pauwi. Mayamaya may narinig akong sitsit mula sa aking likuran. 

Napahinto ako at tiningnan ang pinanggalingan ng sitsit. Ngunit wala naman akong nakitang tao. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Ilang saglit lang, may narinig muli akong sitsit. Kahit sinubukan ko muling tumingin ay wala naman akong nakikitang tao. Medyo kinabahan na ako kaya binilisan ko na ang lakad ko. 

"Lakad, lakad, lakad lang Denz," 'yan lang ang binubuo ko sa aking isipan. Pero patuloy pa rin ang nakakakilabot na sitsit mula sa aking likod. Hindi ko mawari kung sino iyon. Ang lakas na ng kabog ng aking dibdib. Ramdam ko ang kaba at takot sa mga oras na iyon. Lalo na, wala akong makita ni-isang tao sa paligid. Mayamaya nag-iba ang tono ng sitsit nito at unti-unting humina. 

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Mar 10, 2016 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Crazy for youWo Geschichten leben. Entdecke jetzt