Babysitter To A Lover (a RanzKyle Fanfic) (editingggggg)

0 0 0
                                        


~
I'll make you smile...
Whenever you're sad
Carry you around
when your arthritis is bad..
All I wanna do...

is to GROW OLD WITH YOU...

~~

Hay nako! Ito na naman ako! Wala nang ginawa kundi ang mag-emote! Tsk! Asan na kasi si Mr.Right Guy? *_*

"Hoy Janella! Maghugas ka nga ng plato! Tutunga-tunganga ka lang jan! Kilos! Sayang ang pinapasweldo ko sayo!" yan na naman si Boss Jim! Reklamo na naman! Di porket isang hamak na

kinse-anyos na dishwasher lang ako sa karinderya nila eh may karapatan na siyang sigaw-sigawan ako.. =.=

Ako si Janella Mae Canlas.. 15 years old at oo.. Isang DISHWASHER LANG.. Wala na kayong maasahan sakin.. Di ako mayaman.. Ako na lang mag-isa sa buhay dahil wala na akong mga magulang.. Wala akong kapatid.. Itinaboy na ako ng mga kamag anak ko.. Buti nga may isa akong kakilala na nag magandang loob na patirahin ako sa garahe nila ng walang bayad.. Pinagsisilbihan ko na lang sila sa paraan na makakaya ko para makabawi naman ako.. Si Aling Nena.. Ang life saver ko.. May sarili siyang pamilya pero pinag bigyan niya parin ako..

"Ano ba Janella! Kumilos ka nga! Pag di na ako makatiis, sisisantihin kita!" sigaw sakin ni Boss Jim na gumising sakin mula sa imahinasyon ng kuwento ng buhay ko..

"Sorry po Boss Jim! Mag aayos na ako!"

"Dahil may awa PA ako sayo.. Pag papahingahin muna kita ngayon.. Umuwi ka na muna nang maaga para maging maayos yang utak mo para bukas ha?" sabi ni Boss Jim.. Teka.. Anyare dito kay Boss? May sapi? Bat tila ang bait niya ngayon? Ah! Baka busog na!

"Huh? Ah-- Eh-- S-sige po Boss Jim!" sabi ko tapos umalis.. Wala nang bihis bihis! Bigat na ng katawan ko ng dahil sa pagod.. Gutom na ako! Uy! 7-eleven! Bili muna ako pampalipas gutom!

Binuksan ko yung pinto ng store.. Wooh! Lamig! haha! Aircon!

Kumuha ako ng Noodles.. Binuksan ko iyon at nilagyan ng mainit na tubig.. At binayaran iyon..Dalawang table lang yung may nakaupo kaya madami pang extra... Umupo ako dun sa isang table for two... Ilalapag ko na sana yung cup noodles ko nang may nakita akong papel sa lamesa ko..

WANTED BABYSITTER

Requirements:
Female
Must be 15-35 years old
Knows different kinds of household chores
~~

Call 0909-8765432 for more info

Hm? Babysitter? Pwede din siguro ito.. Teka.. Anong oras na ba? 10 o'clock? Baka tulog na toh? Bukas ko na lang siguro ito tawagan..

Hinigop ko na yung natitirang sabaw dun sa cup at umalis na.. Nag lakad na lang ako pauwi para tipid.. Malapit lang naman eh.. Mga limang daang tambling lang andun na ako! XD

\\FastForward//

Hay!! Home Sweet Home! Inayos ko yung mga gagamitin ko sa school bukas at naligo na ako.. Nakikigamit lang ako ng CR sa bahay nila... Kahit naman wala akong kayamanan ay inaalagaan ko parin sarili ko noh! Alagang alaga ko kaya toh! Pero hindi ako maputi.. Hindi din maitim.. Katamtaman lang.. Basta! Yun na yun!

"Janella.. Ikaw ba yan??" Nag bihis na ako at lumabas..

"Ate Mara.. Ikaw pala.. May maitutulong ba ako sa inyo??" Si Ate Mara nga pala.. Anak ni Aling Nena.. 22 years old na siya pero parang ka edad ko lang.. Ang bait niya talaga sakin!

"Wala naman Jaja.. Di na kita nakakakwentuhan eh.. Musta naman school?"

"Ate Mara naman eh.. First week of May palang.. Excited ka ata eh.." haha!! Baliw talaga toh!

"Alam ko! What I mean is.. Nakapag enroll ka na ba??"

"Hala!! Oo nga pala! Bukas na lang siguro.."

"School na lang din naman ang pinag uusapan natin.. Sasabihin ko na talaga pakay ko.."

Huh? Pakay? lalim nun ah?

"Anong pakay Ateng?! Gimik aberr?!"

"Baliw!! Haha!! Ako na bahala sa School Supplies, Uniform, Shoes pati Underwear mo pa kung gusto mo! Yun ang pakay ko!!"

WHUAAT! SIYA NA BAHALA??

"Hahaha!! Geh! Libre mangarap!!"

"Ano ka ba Jaja! Totoo sinasabi ko! Nalipat na kasi si Hubby sa matinong hotel kung saan nagustuhan nung Manager yung luto niya.. Mas mataas sweldo niya doon.. Okay lang naman daw sa kanya kasi ikaw naman ang tumulong sa amin nung bata pa si Mica eh.. Utang na loob namin ito sayo! Kaso may kundisyon..."

Okay na eh! May kundisyon pa?! "Kelangan mo mag aral sa SkaiLoop Academy"

"Hala! Mahal dun at wala akong pera! Baliw ka na ba o baliw ka na?"

"Alam mo yung word na Scholarship?"

"Ah.. Okay.. Pero pano ako makakakuha?"

"Ako bahala jan! Matalino ka naman at worth it kang pagkagastusan!"

"Pano nga! I mean san kukuha?!"

"Tsk! Kay Mayor! Namimigay siya ngayong summer diba? Kulit  din ng bituka mo no?" hiyaw nung babae.. Napangiti ako sa ginagawa ni Ate Mara para sakin.. Di ko na napigilan ang sarili ko... Tumakbo ako papunta sa kanya..

"Uwaaaahhhh!! Ate Mara! Aylabyuuuu!!!~~~" niyakap ko pa siya ng mahigpit.. Sa dinami dami ng taong nangangailangan ngayon.. Maswerte ako dahil alam kong may nagmamahal sa akin..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 09, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Babysitter To A Lover (a RanzKyle Fanfic) (editingggggg)Stories to obsess over. Discover now