“Nag-iinarte talaga?”

“Oo. Takot lang n’yan na ligawan kita. Ang tinik ko pa naman ako sa babae!” Sinagot ng halakhak ni Jam ang birong ‘yon ni Franz.

Gumagaan ang pakiramdam ko sa tawang naririnig ko mula kay Jam. Mula nang mapunta ako rito ay puro paghikbi nalamang n’ya ang lagi kong naririnig. Araw-araw.

“Joke lang. Pinapatawa lang kita para ma-inspire si Migs. Yihi! Migs, ano okay ba? Sigurado ako, mula nang mahiga yan d’yan, hindi ka na tumawa e. Tama ba?”

“E kasi…”

“Gigising din ‘yan. Don’t worry, chicken curry!”

Naghahalo na naman ang mga tawa nila sa kwarto. Na-miss kong marinig na tumatawa si Jam.

“Things would be better, peanut butter.” Nagpahabol pa. Mabuti na lamang at dumating si Franz. Naiimagine ko pa ‘yong posibleng itsura ni n’ya habang dini-deliver ang corny n’yang punchline.

Napakabilis pa namang patawanin ni Jam.

Ah! Gusto ko na ulit s’yang makita.

 

11:11pm

Kanina, tulog sila Dad, Mama and Papa, pero ako, nasa tabi lang ni Migs. Dinadaldal ko s’ya ng dinadaldal kahit hindi ko alam kung tulog ba s’ya o gising at nakikinig.

Hawak ko ang kanang kamay n’ya. Pinapakiramdaman ko kasi.

At halos makatulog na rin ako ng mga oras na ‘yon, konti na lang siguro ay tuluyan nang pipikit ang mata ko nang bigla kong naramdaman na gumalaw ang index finger ni Migs! Dagli akong napatingin sa mga mata n’ya.

“Migs?” Naiiyak na agad ako. Gumalaw ulit ang daliri n’ya. “Migs!” ‘Lord, thank You!’ naiisip-isip ko. “Ma, Pa. Dad! Gising kayo dali!” Inaabangan ko pa rin talaga ang pagmulat ng mga mata n’ya.

“Gising na ba s’ya?” asked Mama.

“Gising na, baby?” sabi naman ni Daddy.

“Miguel, anak?” bulalas naman ni Papa.

 

Sabay-sabay silang lumapit sa kama ni Migs. Unti-unti nang gumagalaw ang mga mga mata n’ya. Parang dinadahan-dahan pa ang pagsilip sa mundong panandalian n’yang iniwan para matulog ng matagal.

 

“J-Jam?”

“MIGS!” niyakap ko s’ya. God answers prayers, that’s always for sure. Sobrang saya ko talaga! “I’ll call a nurse.” Umalis ako sa side n’ya at narinig kong kinakausap s’ya ng mga magulang namin. Hindi talaga ko makapaniwala pero nagising na nga s’ya! Walang tigil ang pagluha ko mula nang makabalik na muli ako sa kwarto.

“Migs, thank you! Thank you.” Sa wakas kasi ay nagawa n’ya ng tuluyan ng magising. Napaka-pinagpala ng araw na ito.

LORD! Salamat po talaga! Sabi ko na e, when one believes in You, everything would be possible. Sabi ko na e! Sabi ko na nga po ba talaga hindi N’yo kami bibiguin sa panalangin naming para kay Migs! Thank You po talaga. First, You kept Him alive after the accident. Then THIS. THIS LORD! Thank you!!! :))))

Totoo po ‘yon, Lord. Salamat po talaga ng marami.

IcarusWhere stories live. Discover now