Nagsimula ang lahat sa, Hi. Nagkamabutihan, at nagka-ibigan. Pero hanggang saan hahantong ang kanilang pag-iibigan kong may mga hamon naman silang dapat harapin.
Facebook...
Caesar: Hi :)
"Sino na naman kaya ito" -Ako
Mae: Hello ;)
...typing
Caesar: Uy, hehe taga saan ka?
Mae: Amlan, ikaw?
Caesar: Actually taga Pamplona ako, pero nandito ako sa cebu, nag-aaral.
Mae: Ah, saan ka nag-aaral?
Caesar: UC. BSME course ko.
Mae: Hala, mag pinsan akong nag-aaral jan baka kilala mo, Edward John pangalan nya.
C: Oo, ka tropa ko yon, kami lage ang kasama dito. Magpinsan pala kayo? Ang liit talaga ng mundo. Nakilala ko pa ang pinsan ng kaibigan ko.
M: Haha, oo eh. Baka pag nalaman nya na nagchat ka sakin magagalit yun.
C: Hindi yun, bakit naman sya magagalit? haha akong bahala sa mokong na yun.
M: Sige, hehe uy. tulog na ako ha, may klase pa ako bukas :) Goodnight.
C: Uy teka, pwede mahingi ang # mo?
M: hmm okay, 0936*******. Pakilala ka ha.
C: Salamat :) Good night.
Kinabukasan...
Habang papunta ako sa school, may natanggap akong text. Unkown number
0905*******: Hi Mae :)
"Sino po ito?" -reply ko
0905*******: Uy si Caesar po ito. Haha ang galang mo po naman :D
"Haha uy, akala ko kong sino na. Teka papunta na akong school. Text2 lang tayo mamaya ah." -reply ko sa kanya
Caesar: Sige ingat ka :)
3 years later...
Nagkamabutihan ang dalawa, araw-araw na nagtetext, hanggang sa chat din sa facebook. Pero lumipas ang mga buwan na nawalan ng komunikasyon si Mae sa lalake. Sa kanyang pagtataka, hindi na ito nagparamdam. Naging malungkot ang nagdaang buwan ni Mae. 3 taon din silang naging mag-nobyo.
April 22... Araw ng pag-uwi ni Caesar at nasasabik si Mae sa araw na yung. Pagkauwi ni Caesar sa bansa ay parang wala na itong gana sa babae, parang hindi na nag-eexist si mae sa kanyang buhay. nanlumo ang babae halos hindi niya matanggap ang katutuhanang hindi na muling babalik ang pagmamahal sa kanya. tanging pagmamahal lang ang inaasahang niya, yung mamahalin siya ng buo.
"Caes, buntis ako"
Tila nabingi ang lalake, hindi paman din sya handa sa ganitong responsibilidad pero naisipan nya parang ayaw naman din niyang mawala ang babae sa buhay kaya't naisipan din ni Caesar na mag pakasal kay Mae. Hindi nagdalawang isip si Mae na pakasalan si Caesar sa kadahilanang mahal na mahal niya ang lalake, naging mahirap ang kanilang komunikasyon noong mag-nobyo palang sila dahil seaman ang trabaho ng lalake. Hindi naging madali ang kanilang pagsasama noon kaya hindi na rin niya inaksayahan ang pagkakataon. Noong panahon na MU pa lang sila ni Caesar ay nagkaroon sila ng isyu ng third party, si Kinon na nooy naging chatmate din ni Mae na isang seaman din. Hanggang sa lumipas din ito at natahimik ang nasabing third party. Lumipas ang 3 buwan, naging masaya ang pagsasama ng dalawa, unti-unting naibibigay ni Caesar ang kanyang pagmamahal at oras sa asawa hanggang sa dumating ang hindi inaasahang pangyayari.Nang dahil sa pagbabalik ng nakaraan ay nakunan si Mae. Nakipagkita si Kinon noong nakabalik ito galing ibang bansa, bilang kaibigang ay nakipagkita siya na syang ipinaghihigpit ni Caesar pero gustong mabigyang linaw ni Mae ang kanilang katahimikan, ninais laman nyang tuluyang mamuhay ng masaya kasama ang asawa.
