Masama

61 3 1
                                        

Naglalakad ako sa isang madilim at nakakatakot na kalsada. Hindi iniisip ang mga mangyayari. Namamawis at nanlalamig ang buong katawan ko. Nandito ako sa madilim at nakakatakot na kalsada dahil inutusan ako ng aking Tatay na bumili ng alak na iinumin nila ng mga kainuman niya sa may bahay namin. Ngayon kasi ang kaarawan ng aking Tatay.

Habang naglalakad ako papunta sa tindahan na pagbibilhan ko ng alak, may nakita akong matandang lalaki na nagwawalis. Nagtaka ako dahil gabi ng mga oras na yun ngunit may nagwawalis. Sobrang tanda na ito at uugod-ugod na. Ngayon ko lang din siya nakita dito sa lugar namin, di ko alam kung bago lang siya o bumisita lang siya dito. Dahil sa takot, lalong lumabas ang malimig na pawis sa buong katawan ko. Binilisan ko ang paglalakad ko para di ko na masilayaan yung matandang lalaki na nagwawalis sa kalagitnaan ng gabi.

Pagkarating ko sa tindahan ng alak, nagmadali akong tawagin ang tindera, "Pabili po! Pabili po!" sabi ko. Ngunit wala man lang lumabas na tindera para pag bentahan ako. May narinig akong pagsara ng pinto. Hindi ko na lang ito pinansin at kumatok na lang uli sa tindahan, "Pabili po! Pabili p-" hindi ko na natapos ang pagsasalita ko ng biglang sumulpot sa loob ng tindahan ang matandang babae.

"Anong kailangan mo ijoh?" tanong nito sakin.

"Bibili po ko ng alak! Isa lang po" inabot ko rito ang bayad ko at kinuha na ang alak. Ang tagal niya. Halos sampung minuto bago siya makabalik.

"Ito na Ijoh!" sabay abot ng alak. Paalis na sana ako ng biglang "Ijoh! Kapag may nakita kang matandang lalaki, tawagin mo siya, sabihin mo hanap ko na siya!" sabi nito sakin. Agad akong umalis.

Nang makadaan ako sa kaninang may matandang nagwawalis, wala na ito dito. Aso na lamang ang nakita ko na tumatahol mag isa sa may puno ng mangga. Dahil sa takot ko, napatakbo ako, patuloy parin ang pagtulo ng malamig kong pawis.

Tumakbo lang ako, nararamdaman ko na para bang may humahabol sakin. Narating ko ang pwesto nila Tatay kasama ang kainuman niya. Ibinigay ko ang alak na binili ko. "Bakit pawis na pawis ka?" tanong sakin ni Tatay. Hindi ko na ito sinagot at napatakbo na lang ako sa CR. Kanina pa kasi ako taeng-tae. Dinagdagan pa ng takot ko kaya hindi ko na matiis. Malalabas ko na rin ang sama ng loob ko.

Ang Sama sa Loob (Short Horror Story)Stories to obsess over. Discover now