Page 1

8 0 0
                                        

Hindi ko alam kung ang kwento ko na ang pinakamalungkot na kwento o ito na siguro ang pinakabalewalang kwento. Alam ko nang   balewala ako pero masakit pa rin. Kahit gaano na katagal ang pangbabalewala sa akin, hindi pa rin ako nasasanay. Sana nga maging manhid na lang ako para wala ng sakit, para hindi na ako mag aaksaya ng luha. Sa kaiiyak ko kailangan ko uminom ng maraming tubig. Nakakauhaw umiyak, alam ko na yun bata pa lang ako. Nakakasama ng loob yun ang totoo. Masama ang loob ko sa Diyos kasi yun ang binigay nyang purpose ko sa buhay. Ang maging balewala para makaramdam ang iba na may halaga sila. Parang "someone has to do the job" and the sad part, it has to be me. Ganun talaga ang buhay, may mga pinagpala at may mga hindi nakakatanggap ng pagpapala, kinalimutan na ng panahon. Masakit pa rin, hindi siguro ako magiging manhid. Yun na nga lang sana ang hinihiling ko, ang hindi na makaramdam ng kahit ano. Pero sino ba ako para pakinggan at pagbigyan, isa lang naman akong balewalang nilalang. Masyadong madrama? Kapag naranasan nyo ang mga naranasan ko,malalaman nyo kung bakit ako ganito.

Hindi ko na matandaan nung elementary ako kung ilan ang uniform ko kasi hindi pa ako marunong maglaba at wala pa rin naman akong pakialam kahit ano isuot ko kasi sa public school ako noon. May mga kaklase nga ako na nakatsinelas kapag pumapasok. First time ko makakita ng lunch box noon dun sa kaklase naming medyo nakakaangat sa buhay. Wala akong lunch box, sa bag lang nakalagay baon ko at yung softdrinks ko sa bote ng mayonnaise ba yun o peanut butter? Nilalagyan ng plastic ng nanay ko bago takpan para hindi mag leak. Dala dala ko yun kc hindi pwede ilagay sa bag baka nga tumapon. Hindi rin ako pinapayagan sa mga field trip, kahit tutorial bawal din. After class kasi noon may mga taga Ateneo na may kasamang pari na nagtututor sa mga grade six students tapos kukuha sila ng scholars. Sayang yun, ayaw ako payagang mag attend. Bawala maglaro sa labas kaya sa loob lang ako ng bahay. Nakakalaro lang ako ng agawan base, patintero, habulan taya at habulan statue sa school.

High school ang pinaka ayaw ko. Sana kasi sa public school na lang ako. Ang hirap kasi sumabay sa mga kaklase ko na may mga pera. Kaya ang ginawa ko wala akong pakialam sa kanila, kung ano lang yung kaya ko. Eksakto lang ang baon ko sa pangmeryenda at pamasahe. Nung minsan may dinistribute na cathleya na kailangang bayaran agad. Patay eksaktong pamasahe lang pera ko, pero walang magagawa kailangan bayaran. Sige uwian na, sakay ako ng jeep, dun ako sa pinakadulo sa may estribo naupo para hindi ako mapansin ng driver. Malapit na samin, may pumara. Ang ginawa ko sumabay na ako pagbaba baka kasi kapag pumara pa ako mahalatang hindi pa ako bayad. Hay...buti na lang hindi ako hinabol nung driver. Ang hirap din kapag nasa private school. Isa na lang uniform ko at nung 4th year na ako ko pati medyas ko isa na lang. Yung sapatos ko nuon biyak na,naghiwalay na nga. Pilit pa rin pinapa repair. Medyo nakakahiya kasi sabi nung sapatero bumili la lang ng bago kasi di na kaya ayusin. Ayun napilitang bumili, yung pinakamura. Ang hirap din mag aral nun kasi minsan hindi ako nagrerecess kasi nag iipon ako kaya pagdating ko ng bahay gutom na gutom ako. Pahinga sandali bago gumawa ng homework kaso lang kailangan ko na pala magluto ng hapunan. Pagkatapos magluto magbabantay pa ako sa tindahan para makakain nanay at tatay ko, pagkatapos nila kumain kung ano matira yun ang kakainin ko. Hindi pa tapos dun, magliligpit pa ako,maghuhugas ng mga pinagkainan, maglilinis sa kusina, kailanga ko pa punasan yung mga plato bago ilagay sa cabinet. Pagkatapos ng lahat ng gawain, kailangan ko na mag aral kaya lang pagod na ako, wala ng gana mag-aral, ayaw din pumasok sa utak ko. Papasok na lang ako ng maaga kinabukasan kahit tanghali pa ang klase ko para makapag-aral. Mas mabuti pa siguro kung working student na lang ako kasi kahit paano may kikitain ako, may bayad lahat ng pagod ko. Hindi katulad sa amin, iiwanan kong malinis ang bahay,pag uwi ko puro putik na. May basahan naman sa may pinto, ano ba yun display lang na ayaw nila madumihan kaya sige lang ipasok ang mga putikang tsinelas at sapatos! Nakaka stress. Kasama namin noon sa bahay yung dalawa kong kapatid na may asawa at hindi man lang nila disiplinahin ang mga anak nila na wag naman magdumi sa bahay dahil hindi naman sila ang naglilinis. Pero kung sabagay, paano naman nila didisiplinahin ang mga anak nila eh sila nga mismo walang disiplina. Kaya ang hirap ng buhay noon, magulang ko pa rin ang nagbabayad ng kuryente at tubig, pati nga pagkain namin natitipid. Tapos sasabihan ako nung mga kaibigan ko na ang payat payat ko, eh paano naman ako tataba eh hindi naman ako nakakakain ng madami. Syempre hindi ko naman masabi yun. Ang dami kong galit sa puso ko. Galit sa mga kapatid ko dahil kung naging responsable sana sila hindi kami naghihirap. Sama ng loob sa mga magulang ko na kung sana hinayaan nila ang mga kapatid ko at tinuruang maging responsable naging maganda sana ang buhay namin, ang buhay ko. Ang pinakamalaking sama ko ng loob ay yung sa diyos, sana kung ginawa lang nyang maganda ang purpose ko sa buhay, hindi sana ako ganito. Madaming sana pero wala ng magagawa tapos na ang lahat. Madaming pwedeng sisihin pero ano pa ba ang magagawa nun, wala rin namang mababago. Pero ko namang baguhin ang buhay ko pero sa tingin ko huli na ang lahat at kahit naman gusto kong baguhin kung ayaw naman ng nasa itaas, kahit ano pa ang gawin ko wala rin namang magbabago.

Kadalasan iniisip ko kung may power of invisibility ba ako? Madalas kasi para ako invisible, parang i don't exist. Sana nga hindi na lang ako nag exist. Pero kung bibigyan ako ng power ang gusto ko yung pwede ko i- freeze ang lahat, then gagawin ko kung ano yung gusto ko. Nung mag aasawa na ako, masaya ako kasi sabi ko sa sarili ko may magmamahal na sakin, may magbibigay na ng importance. Mapi- feel ko na rin yung importance ko. Ngek! Wow mali! Ganun din naman, balewala pa rin ako, tatawag lang kung may iuutos, mahalaga lang ako kapag may iuuutos. Mabuti pa talaga nagkasambahay na lang ako, may sweldo pa. Pero mas masakit ngayon, hindi maubos ang luha ko. Gusto kong umalis pero hindi ko magawa dahil sa mga anak ko. Gusto ko na lang mawala na parang ula, sana hindi na lang ako nag exist. Naiisip ko nga kapag namatay ako baka walang pumunta, wala naman kasi akong halaga. Kung may pupunta man hindi naman ako ang pupuntahan kundi yung mga naiwan na mga pinagsisilbihan ko. Sila ang kakaawaan, hindi naman ako. Parang isa lang bagay na walang halaga, parang alahas pero yung fancy jewelry na tag bebente pesos. Kahit mawala ok lang bente

BalewalaWhere stories live. Discover now