Naririnig ko ang mga bus, tricycle at jeep sa daanan ung sa armito
Sa armito sa maliit na daanan na toh maririnig mo ang away ng mag asawa, pamilya at mga bata na nagsasabi ng " hindi na tayo bati" Siempre ang boses ni Boss Artien; siya ung barangay chairperson. Masasabi mo na parang gangster ang gago. Sa gabi ang kalsada ng aking bahay ay nagiging hook up ng mga prosti, drugs at ang mga drug raid at mga magnanakaw. Noong elementary ang nickname ko " Ben Ben Supot" ang panget di ba? Grade 5 na kasi ako nag patuli sabi kasi ng nanay ko na pag nasa tamang edad ka lalaki ang iyong height siempre ang alam niyo na. napaheadscratch nga ako eh. Ano sense ba un? Ako pala si Benoit Sapin at ito ang kwento na walang silbi sa akin kundi basahin niyo na lang.
Alala niyo ba noong kinder kayo hindi mawawala ang introduce yourself sa bawat grade year level. Nagsimula ang pagkakilala sa akin na ang pag sabi ko na " Ako po si Benoit Sapin ng Kinder 1 ng Courteous" wala ako sinabi un lng kundi naihi ako sa pantalon ko. Naawa sa akin ung titser ko si ma'am cruz. Kaya pinauwi ako. Sa araw na un nakilala ko si Meghan Bautista o "Meg Meg" at si David Lee Bog, literal un ung ang huli pangalan niya natawa ako sa last name niya nalaman ko na lang noong grade 6. Sama sama kaming tatlo hanggang magkaroon kami ng trabaho. Hindi mawawala ang mga loves ko. Masasabi mo na hokage o breezy pero totoo naka 17 or 19 na ako o 23 ata hindi ko na mabilang. Basta't Armito kid ka alam mo na ang pasikot sikot sa kanto, saan dadaan ang pulis ang mga banding, at mga katropang batang paslit para makakuha ng pera. Mawawala din ang armito street dahil sa pag ayos ng daan nawalan kami ng tahanan at nawalang ng kaibigan si mama at ako. Hay Armito Street sana malala mo ang aking diaper na tinatapin lang ni mama saan saan sa daanan. ang boses at tono ng mumurahing gitara at siempre ang mga tao na mukhang dugyot pero masaya kasama
VOUS LISEZ
Starteng Point Ng Aking Buhay
Roman pour AdolescentsPara sa mga throwbacks ng mga tropa, mga alala
