His Perfect Plan (A Testimony)

251 8 3
                                    

His Perfect Plan (A Testimony)

By Hapcher

Sobrang bilis lang talaga ng mga araw.  Parang kailan lang nang mapadpad ako sa website na ‘to at hindi sinasadyang makagawa ng account through Facebook.  Ang simpleng click na ‘yun ang naging simula ng isang TAON na puno ng mga MAGAGANDA at MASASAKIT na karanasan subalit, ang masasabi ko lang ay, “God is good all the time.”

There were times when I’ve thought that everything was just random subalit sa mismong araw ding ‘to, LORD GOD has showed me that everything was just a part of HIS PERFECT PLAN.

Bago ko makilala ang Wattpad, isa akong klase ng estudyante na devoted sa pag-aaral.  I’ve lived a very simple life.  Bahay, school, simbahan, gala minsan at iba pa na Gawain ng isang tipikal na estudyante.  Isa akong scholar na may kailangang i-maintain na mataas na grades kapalit ng sapat na allowance at free tuition.  Isa akong estudyante na nabubuhay sa pressure ng course na mayroon kami sapagkat kinakailangang i-maintain o pataasin pa ang ranking ng school sa CPA board exam.  Isa akong estudyante na driven ng expectation ng iba.  In short, isa ako noong estudyante na nasa estado pa ng paghanap sa sarili niya.

Sa mga unang buwan ng taong ‘to, I’ve found pleasure in reading wattpad stories and within these first few months, napukaw ulit sa puso ko ang pangarap  na maging isang “Influential writer”.  So yeah, I’m a FRUSTRATED writer.

Bago pa man ako magkolehiyo, ang maging isang MANUNULAT talaga ay isa sa mga pinapangarap ko.  I’ve dreamed to be a great PUBLIC SPEAKER and to be an Influential writer.  Dati, iniisip ko na, Accountancy is not my line.  Free-spirited person kasi ako and I usually think beyond the limits.  Hindi rin naman ako sobrang pala-aral, subalit, dahil nga sa expectation ng iba at sa iniisip ko talaga ang kinabukasan ng pamilya, kinuha ko ang kursong ‘to.  Sa una, okay pa naman siya ngunit, may mga paraan talaga ang buhay sa pagpaparealize sa atin ng mga bagay-bagay.

Mula nang makapagshare ako ng stories at articles dito sa wattpad, minahal ko na siyang gawin, to the point na kung pwede nga lang sana noon, sa kasagsagan ng second sem last school year, magshift na ako ng course para magkaroon ng mas maraming oras sa pagsusulat.  Kaso, hindi pwede.  Hinding-hindi.

Sa taong ‘to, naranasan ko ang pagdoubt sa sarili kong kakayahan at sa mga plano ng Diyos sa buhay ko.  Naging negative ako kaya nakagawa ako ng mga maling desisyon.  May mga napabayaan ako at imbes nang harapin ang mga ‘yun, inasa ko kay wattpad ang kaligayahan ko at bilang resulta, nagpatong-patong ang mga problema ko.  Hindi pa man nangyayari ang mga bagay-bagay, iniisip ko na noon ang worst scenarios kaya, nangyari ang ilan sa mga ‘yun.  Ang pangyayaring ‘yun ay isang patunay lamang na, “what your mind can conceive, is what you can achieve..”

Kaya, be careful of what you think, ‘coz MIND is very powerful.

Sa taong ‘to, naranasan ko ang mga heart-breaking moments ng buhay ko at mga maituturing na BIG failures na din sa buong buhay ko bilang isang estudyante.  Bakit?  Kasi, alam ko sa sarili ko na dahil din naman ‘yun sa mga naging maling desisyon ko.

“God is good all the time” sapagkat, dahil sa mga pangyayaring ‘yun ng buhay ko, napagtanto ko ang maraming bagay-bagay at nahanap ko ang sarili ko at ang “ONE” na maituturing kong pinakamagandang natanggap ko sa buong buhay ko.

First sem ng school year na ‘to, 2012-2013, unti-unti kong ibinalik ang motivation ko sa pag-aaral sapagkat napagtanto ko na rin na ang maging isang CPA talaga ang pinapangarap ko.  “Everyone can be a writer but not everyone can be a CPA.”

Noon, takot ako sa judgment at takot akong mag-fail at driven rin ako ng expectation ng iba kaya pakiramdam ko, nag-aaral lang ako para sa kanila kasi at the first place, sila ang dahilan kung bakit kinuha ko siya.

Subalit, mali ako.  May reason si God kung bakit dinala ako sa lugar kung nasaan ako.  There were times then, na pakiramdam ko, hindi ko deserve ang mga bagay ngunit, napagtanto ko rin na, “hindi naman ‘to ibibigay sa akin ng nagbigay kung iniisip niyang hindi ako karapat-dapat eh.  I‘ve realized that I’m deserving of everything that is given to me.  I just have to prove it.” 

Unti-unti kong inalis ang Wattpad addiction ko at itinuon ulit ang sarili ko sa pagtupad ng mga pangarap ko at ng mga mahal ko.  Last sem, may mga oras na bigla na lang akong tinatamaan ng sobrang lungkot dahil sa pagsisisi at panghihinayang dahil last sem, mas napagtanto ko at mas na-appreciate ang mga bagay na nawala sa akin.  May mga oras na gusto ko nang sumuko to the point na pumasok din sa isip ko ang thought na, “siguro kung wala na ako, hindi ko na mararanasan ang mga paghihirap kong ito..”.  But then, God is really good and all this time, all that He’s been thinking is the BEST for me.  During my darkest times, Lord God has showed me the light.  I called for HIM and HE approached me.  Lord God has saved me.

Last sem, kahit hindi ko naman super nai-devote ang time at sarili ko sa studies, nakapasa pa rin ako and it was as if, GOD was telling me, “See?  What more can you achieve if you give your BEST effort?”  From that Day on, I’ve already claimed the title, CPA and this time, I already have this clear REASON why.

This is what Lord God wants for me and I believe that at the end of this journey, something good awaits me.

Sa ngayon, nakalipas na ang unang buwan ng second semester at naniniwala ako na mapagtatagumpayan ko ang mga bagay na hinahangad ko lalo pa ngayon na alam na alam ko na hinding-hindi ako mag-iisa.  Dahil this time, I’m walking with GOD.

Si Wattpad ay naging malaking parte ng buhay ko sa nakalipas na isang buong taon at sa maraming taon pang naghihintay.  Dahil kay Wattpad, nakilala ko ang maraming tao na totoong napalapit na sa puso ko, mga taong  nagparamdam sa akin na sa kabila ng lahat, naging kapaki-pakinabang ang mga oras na inilaan ko sa Wattpad, at sila ang mga taong nagsisilbing INSPIRASYON ko sa maraming bagay.

Kay Wattpad at sa lahat ng mga sumusuporta at nagmamahal kay Hapcher:  Taos puso akong nagpapasalamat sainyo.  Malaking parte kayo ng future achievements ko.

Shiela has been a searCHER of HAPpiness and through Wattpad, through my love ones, through YOU at higit sa lahat, through GOD, she has found it.

December 1, 2012 is my First Year Anniversary here in Wattpad.

December 1, 2012 is the start of my Lifetime walk with Christ because on this very day, I publicly ACCEPTED JESUS as my Lord and SAVIOR. (Hope that you got what I mean.)

Everything was just a part of God’s Perfect plan.

Now, I understand all the reasons WHY.

When we say FAITH, it’s not “to see is to BELIEVE”.  Rather, it’s “BELIEVE, then you will SEE.”

During the times of trials, wag niyong iisipin na nag-iisa kayo.  Have FAITH and call to HIM at tulad ng ginawa niya para sa akin, tutulungan ka din niyang Makita ang LIGHT sa DARKNESS at SALVATION during the Sufferings.

Salamat sa lahat ng PAGSUBOK at PAGHIHIRAP sa pagtulong sa aking ILAPIT ng tuluyan ang sarili ko kay CHRIST.

“Indeed, everything was part of God’s Perfect Plan.”

“Everything got started in Him and finds its purpose in Him.”

-          Colossians 1:16

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

I recommend to all of YOU the following:

Try to Watch the Movie, “Soul surfer”.. 

Try to Read these also:

-          Purpose-Driven Life by Rick Warren

-          The Alchemist by Paulo Coelho

-          Above all, the “Scriptures”, The Holy Bible

To GOD be the Glory!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Perfect Plan (A Testimony)Where stories live. Discover now