Chapter 01

35.6K 190 2
                                    

A/N: Hi, this is unedited. Bear with those typos and grammatical errors... 

Dedicated to her- salamat sa reply mo sa post ko... Ikaw ang dahilan kaya naglakas loob akong ipost ang istoryang to... :-D

Warning: Do not read unless you are open-minded. Enjoy reading...

CHAPTER 01

Ako si Eira Lopez- Ramirez. Twenty four years old. Naikasal ako noong nineteen ako kay Lloyd Ramirez. Mas matanda sya sakin ng pitong taon.

Kinasal lang kami sa huwes at biglaan dahil na-love-at-first-sight kami sa isa't isa kaya hindi ko nakilala ang pamilya nya.

Wala na din akong pamilya maliban sa malalayo kong kamag-anak na hindi ata alam na may nag-e-exist pa palang Eira Lopez sa mundo kaya hindi na ko nag-aksaya ng panahon na ipaalam sakanila na ikakasal na ko.

Noong kinasal kami ay yung mga panahon na gustong-gusto ko ng makaranas ng pagmamahal kaya pumayag ako kaagad magpakasal sakanya kahit na hindi ko pa sya gaanong kakilala.

Ilang buwan palang na naging kami noon ay may nanyari na samin. Oo, sya ang nakauna sakin at dahil likas sakanya ang pagiging gentleman, niyaya nya agad akong magpakasal at sa pag-aakalang buntis ako noon, ay pumayag agad ako.

Nalungkot ako ng malaman ko na hindi pala ako buntis pagkatapos ng ilang buwan na pagsasama namin.

Mabait na asawa si Lloyd at hindi nagkulang sa pagbibigay ng mga material na bagay sakin. I'm a pampered wife. Madami sa kaibigan ko ang nagsasabing ang swerte ko dahil si Lloyd ang napangasawa ko pero ng malaman kong hindi nya ko mabibigyan ng anak, nanghinayang ako...

Kaya ako pumayag na magpakasal sakanya sa pag-aakalang maibibigay nya sakin ang matagal ko nang hinihiling na pamilya.

Masaya naman kami. Kaso dumating ang araw na hinangad ko ang mas makakapagpasaya sakin.

Isang umaga habang kumakain kami ng almusal sa malamansion namin bahay na may apat na katulong na nagsisilbi sa amin ng kinausap ako ng sobrang abala kong asawa. "Hon... pwede ba kong humingi ng pabor sayo..." masuyong tanong sakin ng asawa ko.

At dahil miminsan lang humingi sakin ng pabor ang asawa ko. masaya akong tumango. "Darating kasi ang kapatid kong si Leo mamayang alas dies dito sa bahay..." Leo is his younger brother. Tatlong taon ang tanda nito sa kapatid nitong nabanggit. Pahapyaw nitong kinukwento ang kapatid nitong sampong taon nang nakatira sa America at ngayon lang naisipang bumalik dito sa Pilipinas.

"You want me to accommodate him, hon?" I asked Lloyd sweetly.

"Uh-uh... pakiasikaso nalang sya dahil gagabihin ako ng uwi. Madami kasing nakatambak na trabaho sa opisina kaya gagabihin ako..." paalam nya sakin.

I nodded. "Okay, hon... don't worry, aasikasuhin ko ang kapatid mo..." nagthumbs-up pa ko as a sign of approving.

"At hon..." "Hmm.." "Iba ang ugali ng kapatid ko... pagpasensyahan mo nalang kapag gumawa sya ng kapilyuhan..."

"Hindi yun uubra sakin hon..." natapos ang almusal namin na napagkasunduhan ang bagay nay un.

Umalis na din si Lloyd papuntang trabaho kaya ako at ang mga kasambahay dito sa mansion lang ang natira sa bahay. Pinagbilin ko na din sa mga katulong na darating ang kapatid ng Sir nila. Ipinahanda ko ang dating inookupa ng kapatid ni Lloyd ng nakatira pa sya dito sa Pilipinas.

Pinapalit ko ang kobre kama at mga kurtina at pinalinis ang mga alikabok. Ilang oras din bago natapos ang paghahanda para sa bayaw ko.

Nagpahanda na din ako ng pananghalian dahil alas onse daw makakarating si Leo.

An Affair With My Brother In Law [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon