Chapter 2

39 0 0
                                    


January 29, 2014 dumating na nga si ate Kate ng Pilipinas. Sa  Februaury 8, 2014 naman ang kasal nila ni kuya Jeremy. Sampung araw nalang bago ang kasal.

Sa Pampanga gaganapin ang pagkakaisang dibdib ni kuya Jeremy at ate Kate. Dahil ayaw ma-istress ng nanay ko, nagcheck-in kami sa hotel dalawang araw bago ang kasal. Sa unang gabi ay nakatakdang magkaroon ng dinner para sa pamilya ng bride at groom. 

At doon na nagumpisa lahat.....

Dumating kami sa lugar alas-siete ng gabi. Wala pa masyadong tao. Kami kami palang pamilya ni kuya Jeremy. Alas otso ng gabi dumating si ate Kate at mga magulang niya. Alas-diyes pa daw ng gabi makakarating ang mga kapatid niya sa dinner dahil sa nadelay daw ang flight nila galing Switzerland. Nauna na kami kumain, uminom ng onteng wine, kwentuhan, tawanan at sayawan. 

10:30 p.m. dumating na ang mga kapatid ni ate Kate. Isa-isa na silang pumasok sa pintuan. Nauna ang panganay na kapatid ni ate Kate na si Ate Karen kasama pamilya niya, sumunod si kuya Miguel kasama ang asawa't anak niya, si kuya Larry kasama ang girlfriend niya at ang huling pumasok ay si Martin -- OO SI MARTIN!!! mag-isa siyang pumasok ng pinto

TAKE NOTE: Mag-isa. "Haaaaay!"

Nakatitig ako ng matagal kay Martin hangga't sa bigla akong binatukan ng ate ko. "Aray naman ate!", "Hoy Nikka! ang OA naman ng reaksyon mo, talo mo pa nanalo ng golden globe awards", "Ate naman hindi naman! tignan mo naman kasi si Martin! Ang pogi". "Magtigil ka diyan Nikka, may girlfriend yan". 

At dun.. dun na rin na sira ang gabi ko.. SALAMAT SA NAPAKAGALING KONG ATE!!!

Buong gabi na ko nakatingin kay Martin, Hindi ko talaga mapigilan tignan siya para siyang si James Franco na may halong si Zayn Malik ng One Direction. Alam mo yung badboy look? Ang lakas ng dating niya, ang ganda ng gupit ng buhok niya, ang ganda ng porma niya, ang ganda ng ngiti niya, ang ganda ganda ganda ganda KO. ay este' Basta!!! ang sarap niyang tignan. 

Lumipas na ang oras nagpasama ang ate ko kumuha ng wine sa bar sakto nauuhaw na rin ako gusto ko ng tubig, pag-abot ng waiter ng wine sa ate ko ay umalis na rin siya. Ayun, Iniwan niya ako. Nang bigla akong tinawag ni ate Kate.

 "Nikka, may papakilala ako sayo", "Sino naman ate?" "Ayan na, Martin! si Nikka, Nikka si Martin." 

Pag-ikot ko ay nandoon nga si Martin sa likod ko. Sabay kuha ng kanang kamay ko hinalikan niya ito. 

at sinabing "Hi Nikka, ako nga pala si Martin." tsaka siya ngumiti. 

(Hindi marunong magenglish masyado ang pamilya ni ate Kate dahil sa Switzerland tagalog at German lang ang language nila doon)

Hindi ko alam ang sasabihin ko!!! natulala ako mga 3 seconds, bigla akong siniko ni Ate Kate. 

Nagulat ako at biglang ngiti, hinila ko kanang kamay ko sabay sabi ng "naks! gentleman! Hi nice to meet you Martin."  

Sa isip-isip ko, "UY! RELAX NIKKA! RELAX YOUR UPPER BODY! KALMA KA LANG! TAO RIN YAN, GAYA MO!". 

Ang saya saya ng lahat hangga't  sa unti unti ng naguuwian ang mga tao. Dahil maguumaga na!

3 a.m. na naiwan kaming magkakapatid, si Kuya Larry, Kuya Jeremy, Ate Kate at si MARTIN. Nagkekwentuhan, nagtatawanan. Kinekwento kasi ni kuya Jeremy KUNG PAANO RAW SIYA NILIGAWAN ni Ate Kate. hahaha!

 Ayoko pa sana umuwi, Pero kailangan na naming umuwi dahil maaga pa kami mamaya para sa kasal.

Ang importante.... 

Natapos ang gabi ng magkaibigan na kami. :)




10,664 kilomentroOn viuen les histories. Descobreix ara