Chapter 1

111 1 0
                                    


Chapter 1


Hi! Ako nga pala si Nikka, mahaba ang buhok, morena, bilugan ang mata, hugis puso ang mukha, 110 pounds, 5'4'' ft. ang height, 22 years old, 3rd year college, nagaaral ng Broadcasting sa isang unibersidad sa Manila. Ang nanay ko ay isang businesswoman may sarili siyang canteen na pinapatakbo. Ang tatay ko naman ay isang businessman na nagtatrabaho sa isang kilalang kompanya. Meron akong 4 na kapatid at pangalawa ako sa bunso. Mahilig ako sumayaw, marunong ako kumanta habang naggigitara, nagpapiano, nagbebeat-box, name it all kaya ko Haha! Joke lang! Actually, Isa lang hindi ko kayang gawin sa buhay at yan ang magluto. Hindi lang naman siguro ako nagiisa diba? hehe. Pero seryoso na nga! Kami ay simpleng mamayanan lamang. 

Um, Nagmahal na rin ako, nasaktan, naiwan, niloko, napaikot, nabola, nauto, lahat lahat na. o diba? Sobra-sobra na sa talented? Haha ayun na nga! May gusto talaga akong ikwento tungkol sa isang taong hindi ko inakalang magiging malaking parte ng buhay ko. 

Siya si Martin

Si Martin ay kapatid ng napangasawa ng kuya-kuyahan kong si kuya Jeremy na siyang tumayong kuya na samin ng mga kapatid ko simula nung bata pa lang kami. Taga- Pampanga talaga sina kuya Jeremy at ang napangasawa nitong si ate Kate. Nagkakilala sila dahil sa iisa lang ang barkada nila noong college bago lumipad ang pamilya ni ate Kate sa Switzerland at doon na nanirahan. Pinay ang  nanay nila at Swiss naman ang tatay nila. 

Dalawang taon na  mahigit  ang huling kita ni Kuya Jeremy at ate Kate bago sila nag desisyon na magpakasal. Nabuhay silang araw araw magka-skype. Pag-gising sa umaga, sa pag-tulog sa gabi, sa pagkain ng umagahan, tanghalian at hapunan, habang nagtoothbrush, nagbibihis, naghihilamos, may family gathering, may birthdays, nagdadrive, at kung ano ano pa. Pitong oras advance kasi ang oras ng Pilipinas kesa sa Switzerland. Isa sa kanila nagsasakripisyo sa pagpuyat depende pagwalang pasok si kuya Jeremy na nagaaral ng culinary sa Pampanga at  depende rin naman pagwalang trabaho si ate Kate bilang manager ng isang restaurant sa Switzerland. 

Abalang abala si Kuya Jeremy sa kasal nila ni ate Kate. Siya kasi ang nandito sa Pilipinas kaya siya ang nagaasikaso lahat mula invitation, flower arrangements, videographer, photographer,  garden kung saan sila ikakasal, kung saan gaganapin ang reception, pagkain na kakain ng mga bisita, gown ng mga bridesmaids, ng mga ninang at ng matron of honor,  barong ng mga groomsmen, mga ninong at ng best man at syempre ang pastor na magkakasal sakanila.

"Dalawang buwan nalang uuwi na ang ate Kate niyo", sabi ni Kuya Jeremy hanggang sa naging isang buwan, tatlong linggo, dalawang linggo, isang linggo at dumating na ang araw na pinakaantay ni kuya Jeremy. 

Andito na si Ate Kate sa Pilipinas.






10,664 kilomentroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon