2017 (7)

9.7K 330 8
                                    

7th -

(Year 2017)

His:

"Dad" I called my him. And now what? He's still doing perverted things over the net. Di pa rin nagbabago! "What is it son?" tanong n'ya na hindi man lang pina-pause yung pinapanuod n'ya. "Do you know Mr. Vier?" I asked. Tumingin naman s'ya sa'kin, "Why?"

Her:

"You okay? Dahan dahan lang sa pagkain" pag aalala n'ya. Nasa 7eleven kami at nakaupo dun sa pa-linyang table. "Di ako kumain no! Para lang magtrabaho tapos masesesante lang ako?! Bwisit!" sabi ko at dumiretso sa paglamon. "Bakit ka ba nasesante? Sinong may dahil?" tanong n'ya. "Dahil nung!" napatigil ako at napatingin sa kanya. "Nevermind" sabi ko na lang.

His:

"Why not?!" tanong ko. "Son. I told you. We cannot always use our connections, ok? You should also learn how to stand by your own. Be independent" sabi n'ya kaya napahawak ako sa ulo ko. "But?! Isang damit lang yon!" sabi ko pa pero sinaksak n'ya yung headphones sa laptop at isinuot ito. "Dad?!" inis kong tawag. "Don't disturb me" sabi n'ya kaya galit akong lumabas ng office n'ya.

Her:

"Hey! Sino? Anong nangyari?" pagpupumilit n'ya na naman. "Just... A bastard" pasimple kong sagot. "A bastard? Bakit? Anong ginawa?!" tanong na naman n'ya. "Ssh! Wag kang maingay ha! Nakain ako!" sabi ko na lang sa kanya para tumigil na s'ya sa pagtatanong. "How can I stay calm? My girlfriend got fired because of a bastard?! Tell me. How can I? Let me punch that bastard first" sabi pa n'ya kaya tinigil ko pagkain ko.

His:

"Hello Sir" mga bati nung iba habang naglalakad ako. "Nasa'n si Mom?" tanong ko dun sa secretary ni Ma. "She's in a business trip, Sir" sagot naman n'ya. "What?!" nakakunot na noo kong sabi. "Yes sir. Bukas pa po yung uwi n'ya" tuloy pa n'ya. Lalo tuloy sumakit yung ulo ko. Makalabas nga muna't makapaglakad lakad!

Her:

"Listen Jake. I lied. It's not that bastard's fault. It's my colleague. Si Jecil. Pinilit n'yang kunin yung damit na dapat suotin nung modelo namin mula sakin eh kaya napunit" sabi ko sa kanya. "Who's this bastard then?" seryoso n'yang tanong. "Is it... Him? Your past?" tuloy pa n'ya kaya umarte ako, "Huh? Him? I told you Jake, hindi ko na s'ya nakikita" sagot ko sa kanya kaya napabuntong hininga na lang s'ya. "That's good then. I'm relieved." sabi n'ya saka nilagay yung mga braso n'ya sa balikat ko para akbayan ako.

His:

Natigilan ako sa nakita ko. Nasa tapat ako ng 7eleven. Nakita ko si Layzzah at may nakaakbay sa kanya nang may bumisinang malakas na sasakyan sa likod ko kaya nakita ko s'yang natingin sa'kin. Nanlaki yung mata n'yo pero agad naman n'yang inalis yung pagkabigla n'ya. Huli na ba ang lahat? Naka-move on na ba s'ya sa'kin? Wala na ba talaga ako para sa kanya?

Her:

"Uh Jake, may bibilhin pa ko ha. Gutom pa ko e" pamamaalam ko sa kanya at dali-daling tumayo para magtago doon sa may mga pagkain. Nakita n'ya kaya yun? Pero bakit andun s'ya? Hindi ba dapat ay nasa photoshoot s'ya? Na-postpone ba yung photoshoot? "Wow" napalingon agad ako sa nagsalita. "Lakas maka-PDA ah!" dagdag pa n'ya kaya tiningnan ko s'ya ng masama.

His:

"What now? Jealous?!" galit na sabi n'ya sa'kin. Nanlumo ako pero di ko pinahalata. "Why would I?" tanong ko sa kanya. "Aren't we over? A very very long time ago?" dagdag ko pa. Nakakainis lang at nasasabi ko ito sa kanya. Bakit ganun? Hindi ko masabi yung mga gusto kong sabihin talaga sa kanya? Na, oo, nagseselos ako dahil mahal ko 'pa' rin s'ya!

Her:

He's still the same. What a jerk! "I know. So stop minding other people's busi----" Natigilan ako sa ginawa n'ya. Why did he?! "I hate you!" sabi ko sa kanya at akma a sanang tatakbo papalayo nang makita ko si... Jake... na nakatingin sa'min. Agad naman n'yang sinuntok si Jaeki na ikinabigla ko. Tumakbo na lang ako papalayo dahil hindi ko alam ang sasabihin ko kay Jake sa nakita n'ya.

His:

"Who the hell are you huh?! Why did you kiss her?! She's my girlfriend alright?! You motherf*****!" sabi n'ya. Hinayaan ko lang s'yang suntukin ako ng suntukin habang pinipigilan s'ya nung mga employado na nasa 7eleven. I know, I deserve this. Nung napagod s'ya at nalaman n'yang hindi ako lalaban, tinigil n'ya yung pagsuntok sa'kin kaya lumabas na rin s'ya. Inalalayan naman ako nung mga employado na makatayo. Kung alam ko lang na magkakaganito... Sana... Pinigilan ko s'ya noon.

IP Side Story: Hate StoryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora