Chapter One

21 1 0
                                        

Start of classes.

Nakakatawang isipin na fourth year college na pala ako.
Nakakatawang isipin na, ang bilis ng panahon, dati first year college lang ako. Mukha pa akong tanga dahil bagong lipat lang kami at hindi ko pa kabisado ang mga daan. Kahit walking distance mula bahay hanggang school, sumasakay pa ako.

Hindi pa pala ako nagpapakilala.

Ako nga pala si Kristine Anne Bay. Fourth year college. BS in Fine Arts kinukuha ko sa isang sikat na unibersidad sa Pilipinas.
Bakit nga ba fine arts kinuha ko? Dahil walang tao na pumipila doon. Ang gusto ko talaga ay BA Journalism kaso maraming nakapila. Para akong sira. Hahahaha. Pinakatalento ko talaga ay pagguhit. Naging hobby ko lang talaga ang pagsusulat. Mas madali kasing ipahayag ang damdamin sa pagsusulat. Alam mo sa sarili mo kung ano ang isinusulat mo.

Pero atleast, nakasurvive ako sa fine arts.

Going one year na akong NBSB. No Boyfriend Since Breakup. Yeah. Tama pagkakabasa niyo. Lalaki ang nakipaghiwalay sa akin...

Flashback...

Pagkauwi ko galing Animation Fair, ay tinext ko agad ang boyfriend ko.

"Mahal? Pasensya na kung ngayon lang ako nakapagtext sayo. Bawal kasi ang cellphone doon. At tsaka, walang signal doon. Kailangan pang lumabas para makapagsend ako ng message. Sorry talaga. Babawi ako ngayon. Nakauwi na rin ako. Love you, Mahal!" - Sabay send sa kanya

Pagkatapos ng ilang minuto...

"..." - reply niya

"Uy, sorry na. Mahirap talaga ang sitwasyon ko doon. Hindi ko nga rin matext ang nanay ko. Mahina ang signal." Reply ko

"May nakilala ka dun nuh?"

"Honestly, meron. Ako lang magisa nun. At magisa rin siya. Parehas kaming third year college. At tsaka, kailangan din yun. School namin ang organizer ng fair na yun. At tsaka, more on, highschool students kasama ko. Kailangan din namin yun. Dapat socialble kami."

"Buti pa siya nakausap mo. Ako? Kamusta?"

"Sorry na nga e. Ang hirap kaya dun. Oras-oras kitang iniisip. Iniisip ko kung paano ako makakalusot para lang matext kita.." Hindi ko namamalayan na may luha ng tumutulo sa mga mata ko.

"Wag ka nang magdahilan! May mga nilalandi ka dun. Maharot ka talaga!"

"Kung ako nga, nasa fair noong oras na yun e. Ikaw kaya? Diba nasa PRIVATE RESORT ka? Sabi mo pa nga sa akin, may mga nakakasama kang babae. Pero nagselos ako? Hindi diba? Kaya wala kang karapatan na sumbatan ako! At tsaka, WALA KANG KARAPATAN NA SABIHAN AKONG MAHAROT. KUNG NANAY KO NGA, HINDI AKO SINASABIHAN NUN, IKAW PA KAYA? KAPAL MO NAMAN!"

"Sawang-sawa na ako. Ayaw ko na. Gusto ko nang tapusin itong relasyon."

Ang sakit. Ang sakit sakit. Siya ba talaga yun? Masakit ang mga nasabi niya sa akin. Ginawa ko naman lahat-lahat para lang makapagtext sa kanya. Tapos ano ang isusumbat niya sa akin. Na may nilalandi ako. Nagseselos siya. Tapos ang mas masaklap, nakipaghiwalay na siya sa akin. Ang sakit talaga. Ngayon, alam ko na!

Present...

"Uy, bes, tulala ka diyan! Sino iniisip mo? Yung ex mo?" Tanong ni Michelle

Siya nga pala si Michelle Celeza, fourth year college rin, BS Fine Arts. Siyempre kaklase ko yan. BS Business Management yung kinukuha niya noong first year college. Kaso nagshift siya dahil hindi niya kaya at choice yun ng mga magulang niya. Nung nalaman yun ng mga magulang niya. Hindi nila natanggap. Muntikan na yan palayasin. Pero nung kinausap niya, kahit ayaw nila, tinanggap nalang nila. Ang gusto kasi ng mga magulang niya ay pagkatapos niya ng pag-aaral, siya ang magmamay-ari ng Celeza Group of Companies (CGC). Mayaman sila Michelle. Pero hindi halata sa kaniya kasi sobrang simple lang niya. Hindi siya katulad ng iba na maarte, mahilig magmake-up. Down-to-earth siya. Kahit pinagbabawalan siyang kumain ng streetfoods, eto, ang kulit. Sige parin. Nakakagastos siya ng 50 pesos para lang sa kwek-kwek. At hindi pa yan titigil. Bibili pa yan ng fishball, squidball, at kung ano-ano pa. Pero hindi naman tumataba. Alien kasi yun. Joke lang!

Second year college ko siya nakilala. Sa pagguhit talaga siya magaling. Kaya kami naging magkaibigan nun. Tatlong taon na kami naglolokohan. Joke lang!

"Hindi na ako makikipagbalikan sa kaniya. At tsaka, nakamove on na ako. Hindi naman ako tanga para bumalik pa sa kanya!" Sagot ko

"Very good girl! Kaibigan talaga kita! Dahil diyan, after class, kain ulit tayo ng kwek-kwek." Sabi niya

"Umaandar na naman ang pagiging matakaw mo."

"Lilibre naman kita."

"Wag mo na ako ilibre. Ayos lang! Alam kong kulang pa yun sayo!" Sabay tawa ko.

"I hate yoooou! Ang sama mo. Ikaw na nga ililibre dyan e. Ayaw mo pa!" Sabay pout.

Ang cute niya talaga. Haha. Mas maganda siya kaysa sa akin.

"Joke lang yun. Di naman kita tinatake for granted e. Alam kong kapos ako. Umaasa lang ako sa scholarship. Tapos ikaw, mayaman. Di ako ganun." Paliwanag ko

"Wala naman kaso sa akin yun. Hindi naman hadlang ang estado sa buhay sa pagkakaibigan. Ang mahalaga ay magkaibigan tayo. Ano pa ang mangyari." Sagot nito.

She smiled. She is really a goddess. Ang ganda niya talaga. Marami ng nagtatangkang manligaw sa kanya kaso ayaw niya talaga.

Hay, salamaaaaat! Tapos na rin ang klase. Nagpaalam muna ako kay Michelle dahil magluluto pa ako ng ulam namin sa bahay.

Habang pauwi ako, may sumusutsot sa akin. Leshe. Hindi na naman ako aso para sutsutan.

"Hi Miss. Ang ganda mo naman!" - sabi ng mekaniko sa kanto

Tinarayan ko siya. Tapos bigla sumimangot. Nakakainis kaya.

Maraming nagsasabi na hindi ako anak ng nanay ko. Sobrang puti ko raw at matangkad pa. Maganda raw hubog ng katawan ko. Bakit di raw ako magmodel. Pangarap ko talaga yun. Kaso kapos si Mama. Kaya hindi nalang. Makakamit ko rin yan sa tamang panahon. Dadating din ako diyan. At tsaka, kamukha ko si Papa. Para nga raw, xerox copy. Natatawa nalang ako kapag sinasabi nila yun.

Ano ba yan? Naiisip ko yung project ko. Hindi ko pa tapos. Buti nalang, may nagawa na ako noong bakasyon. Napagtripan ko lang gawin. At buti nalang din, nagkataon na yun ang project ko. Kaya konting adjustments nalang siya.

Kaya ko 'to. Matatapos ko rin 'to. Kailangan kong mag-aral ng mabuti para kay Mama.

Living ThornsWhere stories live. Discover now