One shot

20 1 1
                                        

Unang araw nanaman ng pasukan, panibagong tsismis nanaman. Nagbihis na ako ng aking uniporme, inayos ko ang aking buhok at nagtungo sa baba.

"Una na po ako lola. Kayo na po bahala kay boston." Ani ko sabay turo saaking alagang aso.

"Oh siya, sige na pumasok ka na mady." Tugon ni lola.

Tuluyan na akong lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ay natagpuan ko ang isang binatang nakasandal sa isang kotse. Mala adonis ang kagwapuhan at halatang mayaman.

"Ano naman kaya ang ginagawa ng isang binata dito?" Tanong ko sa aking sarili.

Pero parang biglang nasagot ang aking kasagutan nung bigla niyang binuksan ang pintuan ng kaniyang kotse. Nagtama ang aming paningin at nagulat ako nang bigla siyang nagsalita.

"Tutunganga ka nalang ba diyan?" Sabi niya na nagpatindig ng aking balahibo.

"S-sino ka?" Sabi ko habang nakatitig sakaniyang asul na mga mata.

"Hunter." Ani niya. Napaka-misteryosong pangalan. Nagdadalawang isip ako kung sasakay ako. Napasulyap ako sa sa aking relo na galing pa kay papa.

"Nako! Malalate nako." Ani ko sa aking sarili.

Tumingin ako ng bahagya kay Hunter at nakita ko siyang nakangisi. Nagtungo na ako sa loob ng sasakyan. Maingat kong sinara ang pintuan ng kotse at baka masira ko pa, mahirap na.

Pinaandar na ni Hunter ang kotse. Di ko alam pero komportable ako kasama siya na parang matagal ko na siyang kilala. Habang nagmamaneho siya, nakatitig lang ako saniya. Napaka talim ng kaniyang panga na para bang nakalunok ng dustpan.

Napahagikgik ako sa aking naisip. Napatingin ako sakaniya at napatigil ako sa paghahagikgik noong nakita kong nakangisi siya saakin.

"What's so funny, Mady?" Ani niya na ikinagulat ko. Tinawag niya akong Mady. Malalapit lang na tao ang tumatawag sakin nun.

Para bang natauhan siya sa kaniyang sinabi at bigla niyang binaling ang kaniyang ulo sa kalsada. At mag mula noon iniisip ko parin kung bakit niya akong tinawag na Mady.

Nakarating na kami sa paaralan. Nakaramdam ako ng hiya nung nakita kong maraming mga mata ang nakatitig sakin. Naramdaman ko nalang na nasa tabi ko si Hunter. Inakbayan niya ako na para bang kilala ko siya. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa pagkaka-akbay.
Kaso ayaw niya magpapilit.

"Madison, sabay tayong uuwi mamaya. Hintayin mo ako." Ani niya sabay kindat sakin. At naramdaman ko nalang na dumampi ang kaniyang malalambot na labi sa aking sentido.
Di ko namalayan na naka-alis na pala yung lalaking yun. Naiwan lang akong nakanga-nga dito sa hallway ng paaralan.

"Bakit may pag ganun? Kanina ko nga lang nakilala yung tulok na yun."

Napatigil lang ako sa pag-iisip nang  marinig ko ang tinig ng aking malapit na kaibigan.

"Bes! Ano yun? Kilala mo siya? Ba't di mo ako pinakilala? Bes naman eh!" Nagaalburoto niyang sabi sakin.

"Tumigil ka nga kenny!" Sabi ko sabay yakap sakaniya. Namiss ko tong kaibigang kong to.

"Kakabalik mo lang dito tas yan ang pambungad mo sakin?" Nagtatampo kong pahayag sakaniya.

"Bes di ka mabiro ano? At ano bang meron sainyo ni Hunter?! " Sabi nya na nagpangiti sakin.

"Di ko rin alam. Nagulat nalang ako na sinundo niya ako." Sabi ko sakaniya.

Nilagay ko na ang mga gamit ko sa aking locker. Nang tulyan ng tumunog ang hudyat na mag-sisimula na ang klase. Habang nag lalakad ako, naglalaro nanaman ang kaniyang mga pangalan sa aking isip.

Hunter's GameWhere stories live. Discover now