Moving Past 'JUST FRIENDS' : chap1

19 0 0
                                    

"Umasa asa ka pa kasi, tagal ko na ngang sinasabing ang pangit pangit mo pinilit pilit mo pang magkakagusto sayo yung may ulong mukhang nahanginan! talaga ikaw, di ka nag iisip" naiinis na tono, ganyan nya sinabi sakin yan.

Pero totoo naman ang sinabi ni Steph.

Hinding hindi magkakagusto yung mahangin na Gabby na yun.

"Oh Ano!? Magtatanda ka na?" taas kilay na tanong ni Steph sakin.

" Huk- " wala akong reaksyon at tumango lang ako.

"Wala ka bang balak huminto kakaiyak jan GF?! Kanina pa ako nabibingi sayo ha!!!! Lahat ng words na pwede magcomfort sayo sinabi ko naman na ah!! Tss..." naiinis ulit sya.

"Pano ako makocomfort kung hindi mo naman pala waaaaaaaaaaaaaaaaah " sigaw ko at patuloy ang pag-iyak.

Nakatalikod si Steph habang umiiyak ako.

Ganyan lagi..

Hindi sya umaalis..

Kapag may problema ako, pera, bahay, puso man..

Andyan lang sya lagi...

Huminto muna ako sa pag iyak sandali habang nakatingin sa likod ni Steph.

Humihikbi..

Parang batang may hiccup..

Si Steph?

Maganda ang body structure nya.

Nagpupunta sya sa gym ng saturday at sunday.

Actually, nasa likod kami ng gym.

Sunday ngayon.

I think he really is pissed off right now.

Pang ilang beses ko na kasi syang naiistorbo dito dahil sa walang katapusang drama ng buhay ko.

Nabusted lang naman ako ng limang guy ngayong week lang na 'to.

Nakakainis man pero hindi nagkukulang ng paalala tong gwapo kong BF.

He can play piano.

He can make songs.

*TSOOK

This month 1st anniversary nila ni Lenne.

Girlfriend nya.

Ako kaya ang reason kung bakit naging sila.

Nilalapit lapitan kasi ako ni Lenne non, si Steph pala ang target.

Ok lang mukhang matino naman ang lenne na 'yon.

Para makabawi din sa kanya.

Last gf nya ako din ang reason kung bakit naging sila ni bf kaso agad din silang naghiwalay..

salawahan pala yun..

Nahihiya na tuloy ako dito sa gwapo na to.

Narinig ko syang nag-sigh.

Puro problema nalang ang dala ko sa kanya. TT3TT

Tumunog ang phone nya sabay sagot..

Matagal ding hindi sya nagsalita.

Sino ba kausap nito?

"...I can't lenne, she's with me" medyo parang galit nyang sabi.

Si lenne?!

Ano ba pinag-uusapan nila?

"Fine." sabi nya pero mahina.

Nilalapit ko yung mukha ko para marinig.

"Pupuntahan kita mamaya, this time i cant.... I know... Yes" sabay tingin sa taas.

Ako kaya pinag-uusapan nila?

Masama to...

May girlfriend na si steph at ako bestfriend lang.

Paano nalang kung magbreak sila dahil sa akin???

Hindi pwede!!

"Steph. I'll be fine. Ahh- Im fine. Puntahan mo na si lenne." nakangiti kong sabi sa kanya kahit hindi sya nakaharap sa kin.

"I know" sabi nya sa kausap nya sa phone.

Ayokong gawin to pero ito na lang ang paraan.

>_________<

"Mauuna na ako." sabay tayo at punas-punas ng mukha.

Hindi pa rin sya lumilingon...

"If that's what you want..." kalmado nyang boses pero may tensyon at mukhang walang balak lumingon.

"Salamat!! BYe!!! ^o^" sabay kumaripas ako ng takbo.

Lumiko ako sa isang buliding at doon, sinilip ko si steph.

Sinipa nya yung bato sa paanan nya...

at mukhang naiinis sya.

"Sorry Steph" bulong ko sa sarili ko.

Nakita ko na lang na naglalakad na  sya pabalik ng gym...

Sinusundan ko na lang sya ng tingin...

at hindi ko namalayang...

*drop

Umiiyak na naman ako.

Dear <3,

Nagtapat ako sa isa sa mga crush ko. Anu pa bang inaasahan, BUSTED ako. Huhuhu.. Naistorbo ko pa si bf. Nakakahiya tuloy. Sana OK lang sila ni lenne. :(

Magre-ready na ako ng listahan para sa next week kung kanino ako magtatapat. Sana this time eh, may mauto ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Moving Past 'JUST FRIENDS'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon