Binara ako nung sumagot ng intercom.  English daw dapat ang gamitin ko kaya inulit ko nalang. Akala nila ah.

“AY! Ehem-ehem… May I please speak with Sir Greg Paculaba po?” pag-uulit ko nang malapad na nakangiti. Oo noh, diretso kong nasabi yon!

“Pelaez!” tawag nung club adviser namin tas nag-fist bump kami. Sabi sa inyo eh, buddy-buddy kami ni Ser Greg. Nagkamustahan muna kami ng konti bago ko naalala ‘yung talagang pakay ko.

“Ano Ser! May ipapakilala ako sayo!” eksaytment kong sabi sa kanya.

Lumapad naman ‘yung ngiti niya. “Chicks ba ‘yan?”

“Oo, Ser! Chicks! Pero bata po eh, hahaha.  ‘Di bagay sa inyo. Mas lalo kayong magmumukhang gurang!” pabiro kong sabi tas pinakilala ko na si Van sa kanya bago ako kumaripas ng takbo dahil pupunta pa pala ako sa practice game ni Louie. Mabait naman si Sir Paculaba, kaya na ni Van na kulitin ‘yon.

Humila ako ng mga kaklase kong nasa Blue Team din para ipang-cheer si bespren Louie sa gym. Buti nalang wala akong practice game sa softball nun kundi hindi ko siya masusuportahan. Tsaka may mahalaga rin akong sasabihin sa kanya nun eh, hehe.

Edi yon, todo-cheer ako habang naglalaro. Nadi-distract nga ‘yung mga players kapag nagchi-cheer ako kaya nasabihan ako ng referee na hinaan daw ‘yung boses kundi palalabasin ako. Wala naman silang magagawa kung ganito talaga kalakas ‘yung boses ko. Hindi ko kasi kontrolado lalo na kapag damang-dama ko. Kahit nga baon na baon na ‘yung kalaban, walang-humpay pa rin ako sa pagchi-cheer hanggang sa matapos ang laro.

Tapos, sumimple muna ako. Sempre pinuri ko muna siya dahil magaling naman talaga ‘yung laro niya. Hindi ko rin nakalimutang i-congrats siya sa pagkapanalo niya sa Quiz Bee. Sayang nga dahil hindi namin napanood ni Chan-Chan kung pa’no nilampaso ni Louie ‘yung mga kalaban. Sigurado kung kakampi niya si Mason non, overall champion ang UST, hehehe.

“Ah, nga pala. Ikaw ang napiling muse ng Dug—“

Hindi ko pa natatapos ‘yung sinasabi ko, pinandilatan na ako ni Louie at halos sakalin ako para lang ipangako kong hindi siya hihiranging ‘Prinsesa ng Dugong Bughaw’. Iba na lang daw. Tss. Mangangatwiran pa sana ako kaso may tumawag kay Louie at nagpanting ang tenga ko sa boses na ‘yon. Paglingon namin ni bespren...

“BAKIT KA NANDITO?! ANO’NG GINAGAWA MO DITO?!” pasigaw at gulat kong tanong habang pinandidilatan si Hiro na papalapit sa’min. NUUUU!!! HINDI PA HANDA SI SUPER CHARLIE SA PAGBABALIK NI EVIL HIRO! Bakit kasi bigla-bigla na lang siyang sumusulpot, eh diba nga, taga-La Union yon?

“Charlie, kausapin mo muna ‘yang kaibigan mo. I-tour mo sa school,” bilin ni Louie dahil magbibihis muna raw siya.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. ESCHUS MEEE! “HINDI KO KAIBIGAN YAN! MANIGAS SIYA!”

Tapos tumawa si Hiro saka niya ako pinaringgan. Narinig pala niya kung paano ako tinatawag ng mga team mates ko kanina sa laban nila Louie. Saka niya ako inasar. “MAHAL NA P-NUNO? SA PUNSO? Hahahaha!”

Muntik ko na talaga siyang bangasan nun kung di lang niya pinaalalang kailangan kong maging rule model. Kinagat ko nalang ang labi ko para pigilan ang sarili kong sapakin nang malakas si Hiro.

Buti nalang, agad nakabalik si Louie tas nagpakitang-gilas si Hiro at nilibre kami sa pishbol. Dun ko nalaman ang totoo niyang pakay kung bakit napadpad bigla sa Manila ang kalaban. Hindi talaga kami makapaniwala ni Louie na masasama siya sa ranking pagtapos lang ng first grading! Ang daya niya!!! Pa’no niya nagawa ‘yon?! Ako nga, ilang taon akong naghirap sa high school, hanggang section two lang ang nakaya ko eh!

“NUUUUUUUUUUUUUUUUUU!!! HINDI YAN TOTOO!!!” pagtutol ko na halos tumalsik pa ‘yung pishbol na nginunguya ko nung sabihin samin ni Hiro na pangwalo siya sa ranking. Ibig sabihin kasi nun, ibibigay na sakanya ni bespren ‘yung number niya, huhu.“NAGSISINUNGALING SIYA BESPREN! HUWAG MO IBIGAY! HUWAG KANG MANIWALA DIYAN!!!”

Eh kaso, may dalang pins tsaka report card ang kalaban kaya walang nagawa si Super Charlie; tuluyan nang binigay ni bespren Louie ang number niya kay Hiro.

“HMP! Di bale. Nakuha mo nga ang number ni bespren Louie, pero hinding-hindi mo makukuha ang number ni bespren Chan-Chan!” may pagtatampo kong singhal sa kanya.

Gusto ko pa sanang ibida kay Hiro na mas matalino at mas maganda si bespren Chan-Chan sa kanya kaso nagpaalam naman na si Louie. Kailangan na raw niyang magpahinga kaya hindi na rin namin siya napigilan. Hinatid na lang namin siya sa labas ng gate kung saan naghihintay na si Tatay Tonyo.

Nung makaalis sila, humarap sa’kin si Hiro. “Bubuwit, ano? Sasabay ka ba?”

Dahil nagulat ako sa bigla niyang pagsasalita, napa-martial arts pose ako. Baka kasi itulak na naman niya ako eh. Mabuti nang handa. Pero hindi naman niya ako pinansin at sinabihang ihahatid nalang daw ako dahil gusto raw niyang kamustahin sila Mama at Papa tsaka sila Kuya.

Edi sumama ako. Makakalibre ako ng pamasahe eh. Kaso, sa ibang daan kami pumunta kaya nataranta ako! “HOY! SA’N MO ‘KO DADALHIN?!!! KIDNAPPING!!! KIDNAPPING!!! NUUUUUU!!!”

Tumawa naman si Hiro pati ‘yung driver niya. Wala raw kasing magkakainteres na kidnapin ako. Tsaka dadaanan lang daw naming ‘yung pinsan niya. Tss. Kaya niteks ko nalang sila Kuya at sinabihang kasama ko si Hiro. Para kung sakaling kidnapin nga niya ako, alam nilang siya ang huli kong kasama.

Hindi na ulit kami nag-usap ni Hiro nun kaya naglaro na lang ako sa selpon ko—ahh.. ni Hiro pala na binigay niya sa’kin dati, hehe. Astig nga eh, pedeng lagyan ng maraming games! Sa sobrang abala ko sa paglalaro, hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa school ng pinsan daw niya. Nag-usap sila ng konti bago inabot kay Hiro ‘yung paperbags. At ayon sa aking matalas na pang-amoy, mukhang walang pagkain dun, hehe.

Tas biglang may nagbukas ng pinto kung saan ako nakaupo.  Kaya ngumiti ako nang maluwag para bumati sana...

Pero kulang nalang lumuwa ang mga mata ko nung nakita ko ‘yung pinsan niya.

Si Krystal Cruz pala!

NUUUUUUU!!!!

=====

A/N: Sayaaanng… sumablay si Tarlie.. Naguluhan sa role model.. naging RULE MODEL!!! Huehuehue… -_- pesteng huehuehue yan

Lumabas na si Van!!! Wuhooo!!! Paki-click ang external link para malaman kung anong kahalagahan ni Van sa kwento ng Confused Trio and Friends ^_^v

Ano naman ang masasabi niyo sa muling pagtutuos ni Super Charlie at ni Evil Hiro? Evil talaga eh noh? mehehehe

HATBABE?! Season1Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum