Patapon nga. (One Shot)

10.4K 286 90
                                    

 Play n'yo yung Different Summers ni Demi sa gilid. Hahaha. Wala lang, na-LSS lang ako. XD

* * *

"Pst! Patapon nga." inabot ko naman yung basura n'ya. Syempre, kinilig ako. First time nya akong kausapin eh. Kahit ganun lang yung sinabi n'ya. Wala eh, crush ko kasi. Hihihi. Landi.

"Thanks." sabi n'ya.

Ngumiti lang ako sa kanya. Ngiting tagumpay ba. Zeek! Akin ka na lang ples? Naku Skylie! Umaandar na naman ang kalandian mo.

2 months passed

Maaga akong nagising. Dahil na rin sa inspired ako. Iba na talaga pag may crush! Chos. Agang-aga landi agad ang inaatupag ko.

Naligo ako, kumain at kung ano pang daily routine ang ginawa ko. Nagpaalam na ako sa mommy ko.

Pagpasok ko sa school. Puro couples yung nakikita ko. Teka anong meron ngayon dito sa school? Hindi ata ako updated ah?

Nilapitan ko ang isa sa schoolmates ko.

"Hey! Anong meron ngayon dito sa school natin?" tanong ko dun sa girl. I think she's a grade 8 student.

"Valentines po ate. Hindi mo ba alam?" sagot nung girl. Oh? Valentines pala ngayon. Haha! Palibhasa loveless ako. Kaya hindi ko maalala ang valentines

"Hahaha. Ikaw talagang bata ka. Sige salamat!" lumakad na ulit ako papuntang classroom.

Pagdating ko sa pinto, puro hearts ang nakikita ko. Pinaghandaan talaga. Eh di sila na. Nakaka-inggit naman.

Patuloy pa rin ako sa paglibot sa classroom namin, tinitingnan ko kasi yung mga nakadikit na hearts. May mga nakasulat pala dun.

"Pst! Patapon nga." sabi ni Zeek. Eto na naman tayo. Sa halos kalahating year, wala ng ginawa ang crush ko kung hindi ipatapon ng ipatapon sa akin yung mga basura n'ya. Ni hindi man lang n'ya ako kinakamusta. Puro patapon, patapon lang ang sinasabi n'ya sa akin. Ako naman itong si tanga sunod din! Damn, bakit ba ang hilig hilig n'yang magpatapon? Ang dami na n'yang basura. Halos lahat ata ng laman ng asurahan namin ay galing kay Zeek eh. Pambihirang buhay yan.

Patapon nga. (One Shot)Where stories live. Discover now