Una't Huli

10 1 2
                                        

All this time inisip ko na parang ang selfish ko ata?

Araw araw ka nalang nakakulong sa isip ko.

Patuloy na naglalaro sa apat na sulok ng utak ko.

Patuloy na namamalagi at tila ba parang hindi na nawawala.


Nagsimula ito nung nakilala kita, para bang isang matinding paglalaro ng tadhana ang pagkakakilala natin.

Magkaibang magkaiba at tila ba langit at lupa.

Kinulong kita hindi lamang sa isip ko kungdi narin sa totoong buhay.

Sa mga salita ko at sa pagmamakaawa kong mahalin mo rin ako.


Lumalabas tayo araw araw ng magkahawak ang kamay ngunit hindi ko mawari kung bakit sa pakiramdam ko ay mayroon paring kulang.

Araw araw tayong nagkikita pero nasa iba ang iyong atensyon.

"Mukhang magiging maganda ang araw bukas ah?" Sambit ko sa'yo habang tayo'y naglalakad sa eskinita malapit sa aming bahay.

"Pano mo naman nasabi?" Sagot mo sa akin na walang halong ano mang emosyon.

"Wala lang. Nararamdaman ko lang. Wala ka bang tiwala sa akin?" Ngumiti akong sumagot sakanya at hinigpitan lalo ang kapit ko sa braso niya.


Magiging masaya ang araw mo bukas Elvin. Dahil bukas wala ng mangungulit sa'yo.

Bukas tuluyan na akong bibitaw sa paniniwalang mamahalin mo rin ako baling araw.

Bukas tuluyan ng gagaan ang pakiramdam mo, bukas papakawalan na kita.


Ngayon ko lang lubos naisip na hindi pala ikaw ang nakakulong.

Kung hindi ako. Ako ang totoong nakakulong sa ating dalawa, sa patuloy na paniniwala kong magkakaroon ng tayo.

Nakakulong ang puso ko sa patuloy na pagiging tanga para sa'yo.

At bukas, oras na para ako naman ang lumaya.


"Oh pano ba yan. Dito nalang ako." Huminto ako sa kanto namin, hindi gaya ng nakaugalian nating paghahatid mo sa akin hanggang sa gate ng aming bahay.

"Okay. Sige." Medyo naguguluhan ang mga mata mo, marahil bago ito sa'yo?

"Salamat ah. Salamat sa lahat. Paalam." Ito ang unang beses na nagpaalam ako sa'yo. Dahil ang madalas kong sambitin ay 'Kita nalang tayo bukas.'

Agad akong tumalikod at naglakad pauwi magisa.

Dahil dito dapat ako masanay.

Masanay ng magisa.


LayaHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora