Chapter Thirty Five

Start from the beginning
                                    

"Siguro?" si Aya.

"I told you hindi na ako nale-late!" narinig kong sigaw ni Genna mula sa likod ko. Tinignan ko agad yung relo ko. Five minutes pa bago mag alas seis.

"In fairness talaga ha. Hindi ka nga late."

"Si Joy?" tanong niya.

"Ako?" sabi ng babae na nasa likod ni Genna.

"Joy!" halos patiling sabay-sabay na sabi naming apat. Napatayo pa kami at lumapit sa kanila.

Malaki ang pinagbago ng hitsura niya. Nagpaigsi na siya ng buhok ngayon na parang sa lalaki.

"Anyare?"  hinawakan ko pa yung buhok niya.

"Wag niyo na lang pansinin yan. Bagay naman di ba? Nasaan ang pagkaen?"

"Kakarating lang pagkaen agad ang hinanap?" si Genna kay Joy.

"Wag kayong mag-alala, naka-order na si Jacky. At--- sagot niya na daw lahat." ani Aya.

Tumingin pa sa akin ng may pagtataka yung dalawang bagong dating.  Grabe naman maka-react ang mga 'to. Para namang napaka-imposible kong manlibre.

Naupo na ulit kaming lahat dun sa kubo.

"Ano bang meron? Bakit nagpatawag ka ng bonding?" tanong ni Genna.

Malapad ang ngiting itinaas ko yung kanang kamay ko kung saan naroon yung engagement ring. Kitang-kita ko kung paanong nanlaki yung mga mata nila  pagkakita sa singsing.

"Oh my God! Magpapakasal ka na? Kyaaaah!" ani Genna.

Speechless pa rin yung iba kaya ako na ang nagsabi ng lahat ng detalye. Inimbitahan ko na rin sila sa engagement party na gaganapin sa susunod na buwan. Napagdesisyunan na si Aya ang magiging Bride's maid ko.

Nagsimula na kaming kumain at napansin kong may kakaiba kay Aya. Parang di siya mapakali at di komportable.

"Uy Aya, ayos ka lang?" tanong ko.

Sumimangot siya. "First day eh. Kamuntikan na nga akong himatayin kanina. Buti na lang  may dala akong mefenamic." aniya.

Dysmenorrhea yung tinutukoy niya. Yung sobrang sakit ng puson niya dahil sa buwanang dalaw to the point na hinihimatay siya. Ilang beses na ring nangyari sa kanya yun nung college kami eh. Irregular kasi yung menstrual cycle niya. Buti na lang ako regular yun, at hindi gaanong masakit. Parang lagi lang akong natatae.

Napakunot ang noo ko bigla sa naisip. Sh*t. Kailan ba ako huling nagkaroon? Supposedly, three weeks ago pa ako nagkaroon. So posibleng... Hindi ko alam kung matuuwa ako o kakabahan sa naisip. Posible kasi talagang yun na nga yun.

  

___________

  

Dumaan muna ako sa Mercury drug sa Junction since yun ang 24 hours na bukas. Bumili ako ng pregnancy test kit para kumpirmahin ang hinala ko.

Pagkarating ko sa unit eh tumunog yung telepono. Gusto ko na sana mag-test kaso kailangan kong sagutin yung tawag.

"Hello?"

"How's my Beauty?" napangiti agad ako ng marinig ang boses ni Maico.

"I'm fine. kakarating ko lang from Antipolo."

"Yeah, how are your friends? Hindi na muna kita tinawagan kanina baka hindi mo ako matiis at umalis ka kaagad sa  pagkikita niyo." aniya sabay tawa.

"Yabang! Hindi kaya noh. Mas uunahin ko sila."

"Ganun?" may pagtatampo sa boses niya. "Okay."  aniya pa.

"Joke lang! Tampo agad 'tong Beast ko oh!"

"Haha, matulog ka na. Pupuntahan kita bukas. Jan ako mag-stay maghapon. Good night Beauty! I love you!"

 

Jeez! Biglang naginit yung pisngi ko sa sinabi niya. Yun kasi ang unang beses na sinabi niyang mahal niya ako over the phone eh. Yung pag magpapa-alam na sa tawag.

"Ok. I love you too." sabi ko saka nakangiting ibinaba yung tawag.

Nagpunta agad ako ng banyo dala yung kit.

Naghintay ako ng limang minuto para sa resulta nun. Hindi ko pa yun tinitignan at nakapikit lang ako habang hinihintay na tumunog yung alarm ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang ipinagdarasal ko. Gusto ko namang magka-anak na agad kami ni Maico at siguradong ikatutuwa niya yun. Pero gusto ko rin naman na pagkatapos na ng kasal saka kami makabuo. Siguro kahit ano namang maging resulta nun eh ikasisiya ko pa rin. Tutal eh magpapakasal na kami at matutupad na yung matagal ko ng pinapangarap--- ang makasama ang lalaking mahal ko habambuhay.

Napapitlag pa ako nang tumunog na yung alarm.  Dahan dahan ang ginawa kong pagmulat ng mata para tignan yung resulta. Napatulala ako saglit ng makita yun saka napangiti na lang.

Ang nakalagay dun? Two lines.

to be continued...

The Nerdy Rebound GirlWhere stories live. Discover now