Chapter 1
Hermoine's POV
"Hoy Hermoine! Lumayas ka nga dyan sa mesa namin! Sus, palagi ka nalang epal!" Sabi nung babaeng kapal nang make up.... Wow ha? Kapag maka sabi nang mesa nila eh, hindi silang may ari nang mesang to ah? Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy ako sa pagkain ko... "Hoy? Bingi ka ba? Alis nga sabi!" Aba! Pinipilit pa ako? Pwes, hindi ako aalis dito. Bakit? May karapatan din ako ah, ako kaya nauna dito? "OMG, guys can you smell that? Ang baho! Ano ba yan?" Sabi naman ni clown face 2 na kapal din nang make up...Haaayyy mga babae talaga ngayon.. "Teka, Hermoine baon mo ba yan? OMG ang baho naman yan." Nilabas ni Clown face 1 ang perfume niya tsaka niya inispray to sa pagkain ko.. Aba! Pati pagkain ko? "Huy itigil niyo nga yan! Mas mabaho pa nga perfume niyo kesa sa pagkain ko.." Sabi ko. "Tss, yeah whatever, umalis ka na dyan Nerd!" Tinulak ako ni Clown face 3 palayo sa mesa..."Oo na, paalis na nga." Kinuha ko agad ang pagkain ko at ang bag ko pati mga aklat ko. Lalakad na sana ako pero may tinapon si clown face 1 sa likod ko.. "Yan! Bagay yan sayo!! Hahahah" Tinapunan ako ni clown face 1 ng sandwich niya. Haay bahala na nga!! Paki alis nga dito.. Umalis na lang ako.. Eh paano? Sanay naman ako ng ganito eh. Pumunta nalang ako sa malaking puno na favorite tambayan ko para magpahinga..
"Haaayyy" matagal pa naman yung susunod na klase ko...
Sinuot ko nalang ang earphones ko tsaka ako nagpahinga....
Riiiiiinnggggggg
Ay tokwa! Pasukan na! Kinuha ko nalang yung bag ko tapos tumakbo papunta ng classroom ko...wala na akong paki kung anong itsura ko ngayon basta makaabot ako sa klase ko.. Hindi ako pwedeng malate.. Huhuhuh
Takbo lang ako ng takbo hangga't sa andito na ako sa classroom...sakto din na pagkaupo ko ay dumating na si Mam Mae, yung english teacher namin... Ang galing ko talaga mag timing! Hahaha...
After Class
"Ok class, i check niyo nalang yung email niyo at dun ko na rin ibigay yung homework niyo." Pagkatapos ng last subject ko ay tumakbo ako papunta sa school gate.. Ayaw ko namang mahuli sa jeep...buti nalang naabutan ko..haayysss, first day pa ng school ngayon, napagod na ako...haayysss....
YOU ARE READING
His Friend
Teen FictionMay oras para sa lahat ang ginagawa natin. Para maging masaya. Maging malakas. Mahinahin. At malungkot. Sa lahat ng mga oras na ito, may isang kaibigan tayo na andyan sa lahat ng mga oras... But this story has all this emtions.. Explore what happens...
