Mall

6 0 0
                                    

Chapter 3

2 days na nakakalipas at dalawa palang ang naiinterview ko. Meron pa akong 1 week at 4 days para matapos iyon. Gusto ko talaga manalo doon.

Andito ako sa bahay ng aking bestfriend na si Xandra Ortiz. Close ang parents ko at parents niya. Bata palang magbestfriends na kami. Parehas din kami ng school na pinapasukan at mag 4th year highschool na kami. Summer ngayon at sa susunod sunod sunod  pang buwan ang pasukan. Kumbaga, may 2 months pa kaming bakasyon.

"Ang boring naman" sabi ni Xandra

"Tsss. Sinabi mo pa. Ano bang pwedeng gawin. Xandra, interview kita gusto mo?" Sabi ko at kinuha ang camera

"Baka madiscover pako jan" sabi niya. Minsan talaga mayabang to eh. Pero mahal ko yan

"Dali na!" Sabi ko

"Sige na nga" sabi niya. Arte ng bruha.

"what will you do if you will die this day? What will you do if you will be given a chance to do because this is your last day on earth?" I asked

"Ummm. Gusto kong mameet si Darren. Gusto ko, mameet ko man lang siya sa huling araw ko masaya nako" sabi niya. Ay ang drama hahaha

"Ahhh. Okay thankyou for answering my question." Sabi ko at tinapos na ang pag video.

"tanong lang naman yon, pwede mo pa siyang mameet someday dra." sabi ko

"Sana nga, eh..." Sabi niya

"Samahan mo ko sa mall ngayon? Gala us? You want?" Yaya ko

"Ay sige ba gora ako jan! Hahaha"

--

Nasa mall kami naglalakad... Tapos na kaming mamili ng kung ano ano. Si Xandra bumili ng paborito niyang libro sa national bookstore at bumili ng mga damit. Sariling ipon niya naman yung ginagamit niya. Nagpasiya kaming manood ng sine. Papanoodin namin yung showing lang na palabas.

Pagkapasok namin puno pero may mga upuan pa naman. Expected ko naman kasi Showing yung palabas eh.

Napili ni Xandra na umupo kami sa pinakaunahan. Sa may 2nd row sa unahan. Pagkaupo namin may 30 minutes pa bago mag simula. Nagpaalam si Xandra na bibili ng mga foods namin kaya naiwan ako doon para bantayan ang mga gamit.

Habang nagaantay may umupo sa kaliwa ko. Ang bango niya. Pero nakakapagtaka bat naka disguise siya. Naka jacket, naka cap at naka shade. Ang init init, eh.

Nakatitig lang ako sa cellphone ko at naiinstagram. Inistalk ko si JK.

"Im going to watch *insert name of the movie* blah blah blah"

Ayan yung post niya at may picture siya na ticket
*guys di totoong may post siyang ganto sa real life ah hahaha*

Nagcomment ako: "same tayo jk. Manonood din ako niyan"

Pagkatapos nun pinatay ko na ang cp ko at dumating na si Xandra na ang daming dalang pagkain.

"Wow! Ang dami. Ang saya manood pag madaming pagkain hahahaha" sabi ko

"Sabi na, eh. Alam kong matakaw ka kaya dinamihan ko na hahahaha" sabi niya

"Grabe naman pala. Di naman ako matakaw!" Sabi ko sakanya at tumawa na lamang siya.

May limang minuto nalang para mag simula. Kinuha ko yung camera ko at nag picture kami. Pagkatapos pinanood ko yung video ni Xandra yung tinanong ko siya para sa contest.

"Para san ba yan? Nakalimutan kong tanungin kanina eh" sabi ni Xandra

"Ah! Si JK kasi may pinacontest eh, nagbabasakali ako baka manalo hahahaha" sabi ko

"Ala? Sinabi ko pa naman jan gusto ko makita si darren! Kakahiya! Paano pag ikaw nanalo tapos ipakita sa madaming tao? Kakahiya kay JK yun."

"Eh? Di yan. Di pa naman sure na ako mananalo. Ayaw mo yun? Makilala ka ni darren hahahahaa" sabi ko

"Uhmmm syempre gusto!" Nagtawanan kami

Naramdaman kong nakatingin sa camera ko yung nasa kaliwa kong lakaki. Napalingon ako sakanya at umiwas siya ng tingin. Interviewhin ko kaya toh? Syempre joke lang. Kakahiya nasa sinehan kami. Nagstart na yung palabas kaya tinago ko na yung Camera ko.

Habang nanonood, kumakain kami. Kain doon. Kain dito. Hahaha.

Ang story ng movie ay yung artista na inlove sa fangirl niya. Nagmeet sila sa isang concert. Yung fangirl masyadong solid basta maganda. Awww sana mangyari saakin yan noh?

"Sana mangyari saakin yan, ano?" Sabi ni Xandra

Parehas pala kami ng naiisip.

"Oo nga, eh. Sana sakin din. Sayo si Darren akin si Jk" Nako bestfriend goals yun hahahaha.

"Di naman kami mayaman. Di naman ako kagandahan. Imposible" bulong niya

"Ano kaba! Maganda ka! Di ko toh sinasabi kasi bestfriend kita. Sinasabi ko to dahil iyon ang totoo" sabi ko

She smiled

Binash ng mga fans ni boy si girl na mahal ni boy. Grabe. Mahal talaga ni boy si girl kasi pinagtanggol niya ito. Nagawa niya pang mag quit sa kontrata kasi di niya na kaya fans niya. Pero sa huli naging mabait naman yung mga fans sa babaeng mahal niya. Grabe ang ganda.

Abot langit na yung ngiti ko sa kilig. Nang biglang napawi iyon dahil sa naisip na imposibleng mangyari saakin.

Imposible. Ang dami namin. Marami pang magaganda lalo na yung mga kapwa niya artista.

"Oh? Bat napawi ngiti mo jan?" Sabi ni Xandra

"Umm wala. Naisip ko lang na dapat di pala ako umaasa hahahah. Imposibleng mangyari saakin yan"

Biglang umubo yung katabi ko sa kaliwa. Binalewala ko nalang.

Pagkatapos ng movie, tumayo na kami ni Xandra at nakipagsisikan sa maraming tao. Ang dami at ang sikip lumabas. Ang dilim pa. Habang pa labas kami biglang may humila saakin. Nagpahila nalang ako kasi baka si Xandra.

Ang bilis niyang humila ni di ko siya natingnan dahil nagpahila nalang ako. Nagulat ako huminto kami sa parking lot.

"Oh? Xandra bat nasa parking lot tayo? Nagcommute lang naman tayo papunta? Di ko naman tinext si dad-"

Napahinto ako nang napagtantong hindi pala si Xandra ang humila saakin.

--

Guys okay lang ba? Pabitin munaaa hahahahaha. Tuloy pa ba or hindi? Vote guysssss. Thankyou love love

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 23, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

He fell inlove with his fangirl// Juan Karlos Labajo Fanfic•Donde viven las historias. Descúbrelo ahora