Prologue

17 2 0
                                        

"Lavonne, ayos ka lang ba? Bakit ka nakahandusay dito sa gitna ng gubat?"

Tiningnan ko ang aking sarili at nakitang wala naman akong galos at nandito nga ako sa gitna ng gubat. Ibinalik kong muli ang aking tingin sa babaeng nasa harapan ko.

"Maayos lang po ako. Sino po kayo?"

Hindi ko alam kung bakit ako nandito at sinubukan kong alalahanin ang nangyari sakin ngunit wala akong matandaang kahit na ano sa aking nakaraan o kahit ang pangalan ko man lamang.

"Ano ba ang nangyayari sa iyo? Ako ang iyong tiyahin. Kapatid ng iyong ina."

Ina? Tiyahin?

"Nasaan po ang aking ina?"

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat ngunit napalitan iyon ng kalungkutan.

"Aking pamangkin, namayapa na ang iyong ina."

Saka siya yumuko. Bigla na lamang ako nakadama ng kalungkutan kahit hindi ko na maalala ang aming pinagsamahan, kung mayroon man.

"Eh... a-ang aking ama?"

Hinawakan niya ang kamay ko sabay tulo ng luha mula sa kanyang mga mata.

"Pareho ang sinapit nila ng iyong ina."

Nagsimula na akong humagulhol sa pag-iyak dahil sa aking nalaman. Ang tanging alam ko lang ay isa akong bampira. Niyakap ako ng babaeng nasa harapan ko kaya lalong lumakas ang pag-iyak ko.

"Sino.... sino ang pumatay sa kanila?"

Nakaramdam ako ng kaba sa hindi malamang dahilan.

"Si... PRINSIPE GREY WINSTANLEY ang pumatay sa kanila."

Nakaramdam ako ng galit kaya napayukom ang kamao ko.


***

This is a story of a girl or perhaps a vampire who's trying to figure out her past.

But in behalf of her lost memories, there's still one thing she is sure of.

She cursed him for killing her parents.

For her, He is THE KILLER PRINCE.

***


The Killer PrinceWhere stories live. Discover now