my sweetest regret

695 22 7
                                    

SA buhay natin hindi na mawawala ang pagsisi,

it will always be the consequence of the mistakes we do.

Pero kahit meron tayong pinagsisisihan hindi parin end of the world,

life must go on,ika nga..

But what if u had the greatest mistake that will change your whole life?

Can you just forget that mistake and move forward or you'll be stock-up forever with your biggest regret?

Hi! Im Hikari Uweda of Leonardo Amparo Villanueva University or LAV.U, im 16y.o. Naniniwala ako na lahat kaya kong gawin basta magtitiwala lang ako sa sarili ko, fight fight fight!

UMPISA na ng klase namin pero tuloy parin sa pagdadaldalan ang mga classmate ko, hindi tuloy ako makapag focus sa pakikinig. Napansin kong medyo naiinis nadin si ms.ayen pero hinahabaan niya lang ang pasensiya niya; pero ako? Hindi na talaga ako makapag-pigil

"ALL OF YOU SHUT-UP!"

pagsigaw ko ay nagsitahimik ang lahat at nakatingin lang sakin ng masama, pero wala akong pakielam sa kanila, im here to learn and not to mingle.

Pag tapos ng physics ay breaktime na namin, as usual mag-isa nanaman akong kakain sa canteen.

Ewan ko ba pero parang diri sakin lahat ng mga classmate ko kaya naman wala pa akong nagiging kaibigan,

ako lang daw kasi ang galing sa poor na family sa school dahil lahat daw sila ay class A ang buhay!

Who cAres?

Sanay na ako sa ganitong set-up ng buhay ko, pinanganak akong kakambal ang kahirapan at kailanman hindi ko ikakahiya yun.

Kung ayaw nila sakin edi ayaw ko din sa kanila, ganun lang yun!

"scuse me miss may nakaupo ba dito?"

Kumakain ako nun ng pabaon sakin ni nanay na paborito kong sinangag at tuyo kaya hindi ko nakuhang harapin yung lalakeng nagtatanong.

Umiling lang ako at naramdaman kong umupo na siya sa katapat ko.

"miss bago ka lang din ba dito sa school?" tanong ulit nung lalake.

Ayaw ko namang masabihang bastos kaya hinarap ko na siya.

Oh my gosh!

kamuka niya si Harry Potter nung bata pa si Harry, pero pinalaki lang siya,

ganun ka amo ang muka ng lalakeng ito kaya parang napako ang mata ko sa kaniya,

hindi ko maalis ang tingin ko dahil talagang napaka gwapo niya.

"miss ok ka lang?"

saka lang ako parang natauhan.

"ha? Kinakausap mo ba ako?"

ngumiti lang siya at ngiti palang ulam na.

"ah,ok lang ako, anu ulit yung tanong mo?"

"bago ka lang din ba dito sa school?" paguulit niya sa tanong niya kanina.

"hindi. 3rd year na ako, sa special science a {sSa} ang section ko, ikaw ba?"

"3rd year na din pero transferee lang kasi ako dito. Im Chao Lim and you are?"

"Hikari" sabay inabot niya yung kamay niya para makipag kamay.

Halos umakyat lahat ng dugo ko sa muka ng magkahawak kami ng kamay.

"nice to meet you! kain tayo!" yaya ko sa kaniya, tumingin siya sa lunch box ko

"WOW tuyo! My favorite!" natuwa naman ako sa reaksyon niya at dahil parehas pa kami ng favorite.

my sweetest regretWhere stories live. Discover now