59: Meet the Father

Începe de la început
                                    

Huminto ako para humagulgol. Matagal na 'yon pero kahit kailan, hindi ko 'yon nakalimutan at hindi na 'yon matatanggal sa puso at isip ko. Ayokong makita ako ni Jeydon na ganoon pero hindi ko kayang pigilan 'yong sarili ko. Isa pa, siya lang naman ang makakaintindi sa 'kin, e.

"Masama ba akong anak? Siguro... Kaso sobrang nasaktan lang naman ako, e. 'Yong palaging nandiyan para sa 'kin, 'yong best friend ko, 'yong papa ko, hindi ko naisip na tatalikuran niya ako nang ganu'n-gano'n na lang. Tatlong taon akong naghanap ng papa pero wala, wala siya. Jeydon, ang sakit, e. Ang sakit kaya no'n." Lalo lang lumakas 'yong iyak ko. Malakas na malakas na pakiramdam ko, maririnig na nina Mama at Papa 'yon sa baba.

"Candice, naiintindihan kita. Alam ko kung gaano kasakit 'yong nararamdaman mo pero hindi mo dapat talikuran 'yong pamilya mo kahit na tinalikuran ka na nila. Papa mo pa rin siya."

Hindi ako makapaniwala. Akala ko, naiintindihan niya ako pero bakit parang kinakampihan pa niya 'yong papa ko? Akala ko, kakampi ko siya pero pareho lang pala sila ni Mama.

"Candice..."

"Tama na! Akala ko, kakampi kita! Akala ko, maiintindihan mo ako pero pare-pareho lang kayo! Iwan mo na ako, Jeydon!"

"Candice, intindihin mo rin ako—"

"Iwan mo na ako!" Parang aatakihin na ako ng hika sa sobrang iyak.

"Hindi kita kayang iwan."

"Jeydon, hindi kita kailangan kaya umalis ka na!"

Hindi siya nagsalita nang ilang minuto sa sinabi ko, pareho kaming hindi nagsalita. Maya-maya, narinig ko na siyang tumayo.

"Kausapin mo na lang ako kapag okay ka na. Nandito lang ako." Narinig ko 'yong mga yabag niyang pababa na ng hagdan. Ni-lock ko 'yong pinto ng kwarto ko at dumiretso ako sa kama. Nagtakip ako ng kumot at unan, doon ako umiyak nang umiyak.

Siguro kalahating oras akong umiyak sa kama ko. Tinawag ako nina Mama at Kuya sa labas pero hindi ko sila sinagot. Gusto ko lang munang mapag-isa. Naisip ko pa rin kasi si Papa at ayoko siyang isipin. Oo, alam ko na, masama akong anak, wala akong kwenta pero ano bang magagawa ko? 'Yon ang naramdaman ko, e. Akala ko, magiging maganda ang araw na 'yon, hindi pala.

Bigla kong naisip si Jeydon. Ang tanga-tanga ko. Kung anu-anong pinagsasabi ko sa kanya kanina sa inis ko. Galit kaya siya sa 'kin? Kinuha ko agad 'yong phone ko, magme-message sana ako sa kanya pero may text na pala siya sa 'kin.

From: Doreamon<3

Get some rest. I miss you.

Nakaramdam ako ng guilt. Sobrang guilty ako. Ano ba kasi 'yong mga nasabi ko kanina sa kanya? Alam ko namang nag-alala lang siya sa 'kin. Masyado akong nadala ng galit ko. Bigla na naman tuloy akong nainis, hindi kay Papa kundi sa sarili ko. Hindi ko tuloy alam kung re-reply-an ko ba siya o hindi. Nahiya ako sa mga inasal ko kanina sa kanya. Siguro mas mabuting kausapin ko na lang siya bukas kapag okay na talaga ako. Hihingi na lang ako ng sorry sa kanya. Sana naman maintindihan niya kung bakit ako nagkagano'n.

Minabuti kong matulog na lang para sana paggising ko bukas, okay na ako.

***

Pagkababa ko ng kwarto, ang awkward ng feeling. Hindi ako pinansin ni Mama. Si Kuya Charles, iwas sa 'kin. Si Yaya lang yata 'yong nakapansin sa 'kin. Alam kong galit si Mama sa ginawa ko kahapon kay Papa pero hindi ko maintindihan kung bakit iniwasan ako ni Kuya. Kumain na lang muna ako ng breakfast kahit na gustung-gusto ko nang umalis sa bahay.

"Alis na ako."

Akala ko, may kakausap sa 'kin pero kahit si Yaya, hindi ako sinagot.

"What a beautiful day!"

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum