a day to be remembered ??

576 17 42
                                    

Brokenhearted

Yan ang nararamdaman ko ngayon, bakit?

Kasi naman, yang si  *toooooooooooooooooooooooot *

meron ng iba.

I mean, nakahanap na pala siya ng babaeng para sa kanya.

Oo, may gusto ako sa kanya. Alalang-alala ko pa ang lahat, simula nung una kaming nag-usap.

Una kaming nagkalapit.

Una akong nainis sa kanya,

Unang beses na tinukso kami,

At yung unang beses na nagkagusto ako sa kanya.

Ba’t ganun?

Pinapakita kasi niya sa akin ang mga senyales ng isang lalaking may gusto sa isang babae.

Pero bakit sa iba siya sa napunta?

May gusto ba talaga siya sa akin?

O, imahinasyon ko lang ang lahat.

Gusto kong umiyak. Oo.

Gusting-gusto, pero sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi ako iiyak sa isang lalaki.

Pa’no ba nagsimula ang lahat?

Umuulan nun.

Try-out para sa mga varsity ng school namin,

Ako naman nag-try out sa chess.

Wala lang trip.

Pagpasok ko sa room, tumingin ako sa mga lalakeng nag-lalaro.

At nakita ko siya, nandun… seryosong naglalaro at nag-iisip ng taktika para sa kalaban niya.

Lumapit ako sa kanila, pinansin niya ako.

Siyempre pinansin ko rin siya.

Basta! Ayaw ko ng alalahanin ang lahat…

Nasasaktan lang ako.. =’(((

Simula nun pinapansin na niya ako.

Dumaan ang ilang buwan…

Ng pagpapansinan, pagtitinginan at pakikiramdaman..

Isang araw bigla na lang niyang sinabi ang tatlong salita..

“I love you…”

Pabalik-balik yang umaatungal sa isip ko.

Pabalik-balik din niyang sinasabi sa akin yan.

Siyempre..

Sinasabihan ko rin siya ng

“I love you too…”

Matatawag mo na ba kaming M.U niyan?

Diba dapat pag sinabi mo ang tatlong salitang yan,

Dapat pinapanindigan mo…

Bakit siya hindi?

Isang araw na lang…

Hindi na niya ako pinapansin..

Sabi ko pa sa isip ko, ano kayang problema niya?

Pinabayaan ko yun..

Pero nung papunta sana ako ng mall, nakita ko siya…

Sila..

Magkasabay..

Dala-dala niya yung gamit ng babae…

Biglang gumuho ang mundo ko..

Nagalit ako..

Nagselos..

At nawalan ng lakas…

Simula talaga nun.. hindi na niya ako pinapansin..

At kahit ang tingnan man lang niya ay hindi niya magawa..

Tapos nakita ko pa sila…

Naglalakad palayo sa akin…

Naka-akbay siya sa babaeng minamahal niya..

At ako naman…

Nasasaktan..

Tumalikod ako para hindi na sila makita pa..

Tumalikod ako at pinigilan ang aking mga luha..

Idinaan ko sa tawa ang lahat..

Pero hindi ko na kinaya…

Umiyak na talaga ako ng dahil sa kanya…

Wala nang humadlang sa akin…

Binuhos ko na ang sakit…

Sana makalimutan ko na siya agad..

Kasi baka di ko kayanin…

Na makita siya araw-araw…

Na masaya sa piling ng iba…

At hindi sa piling ko  

-end-

=(((((((( 

a day to be remembered ??Where stories live. Discover now