Chapter 1

33 1 0
                                        

"Do you know why a previous relationship is called EX? It's not the term for past. Ex is term for EXpired"

Akala ko, dun ko lang ma-eencounter sa kaka install ko lang na app na status quotes ata yung pangalan? Yung mga salitang yan. Yun pala, pati sa bibig ni Something confidential. Aba't! Nag-eexist pala yan sa true life? Gago kasi yung gumawa niyan eh, ayan tuloy at di ako maka porma porma ng maayos kay Something Confidential. Paulit ulit pa niya akong pinagtatabuyan sabay sabing "Huwag kang parang aso na habol ng habol sakin". Gago niya no? Siya na nga tong hinahabol tapos siya pang ayaw? Ang sarap niyang mahalin! Ng paulit ulit.

Paano ba naman kasi ako hindi maghahabol eh since Grade 6 hanggang 3rd year HS na ako ay kami pa din. Ang saklap diba? Sayang din yung almost 4 years naming relationship. Nakakainis lang talagang isipin na dahil sa pagtungtong niya nang college, hayun at nakipaghiwalay na. Mahal na mahal ko siya tapos parang minadali niya lang ang lahat? Aba! Hindi talaga ako pumayag ng ganon ganon lang. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko mapa akin lang siya ulit. Medyo panget lang tignan kasi ako na yung nagpupursue kesa sa kanya. Pero wala naman ipinagbabawal na batas na bawal maghabol ang babae diba? Kung meron man, tara! Ipapatay natin. De joke!

"Hoy! Bridge! Tara na! Diba ipapractice mo pa yung kanta? Yung gitara na kinakalawang na sa sobrang luma kunin mo na dun! "

"Okay po. Masusunod po mahal na kamahalang Stone"

Dali dali ko nang kinuha yung pinakamamahal kong gitara. Bigay niya to sakin nung first monthsarry namin, grade six pako nun. Mahilig kasi akong tumugtog ng gitara kaya hayun at niregaluhan ako. Iniingat ingatan ko to at hindi pinapahawak o gamit sa iba. Ito nalang kasi yung tanging pinanghahawakan ko, yung tanging hinuhugutan ko ng lakas ng loob para ipagpatuloy tong mabalik ulit siya sakin operation. Katulad nga nung usual na ginagawa ko, pumwesto nako agad-agad sa gate nung university nila. Halos araw-arawin ko na yung panghaharana sa kanya. Walang hiya-hiya na uso sakin basta ang importante magtagumpay ako sa goal ko. To get him back.

"Oyy Bridge! Andiyan na yung kahibangan mo. Goodluck nalang "

Tinanguan ko lang si Stone. Ang aking astiging pinsan na napasakay ko sa operation nato. Suportado ako niyan kahit labag sa organs niya.
I started strumming my guitar. Naks! Umi-english! Tinignan ko siya sa mga mata habang lumalapit sa kanya at sinimulan yung pagkanta.

Let me hold you for the last time
It's the last chance to feel again

Tumigil din siya sa harap ko at naka hands on pocket pa na tumayo. Shucks! First time niyang pansinin yung panghaharana ko. Okay, galingan mo Bridge.

You can't play a broken strings
You can't feel anything

Ngiting-ngiti ko siyang linapitan pa ng konti. Syet! Ang saya ng puso ko!

"Nagustuhan mo ba yung kanta? Pinractice ko talaga yun ng mabuti kasi ayokong baka walk outan mo na naman ako"

Sumilay yung mga ngiti sa labi niya. Kingina! Nagustuhan talaga siguro!

"Bagay sayo yung kanta" napakagat ako sa labi ko sa sobrang tuwa. Pigil hininga kong inantay yung susunod pa niyang sasabihin.

"The lyrics really fits on you. Baka hindi mo masyadong naintindihan kaya ita-translate ko sayo"

"O-okay lang. Makikinig ako" excited pa ata akong marinig. Malay mo naman at isa ito sa mga sign na malapit nang maging kami ulit.

"Sinasabi lang naman diyan sa kanta na itigil mo na yang paghahabol mo dahil wala ka namang mapapala. Itigil mo na yang mga walang kwentang bagay na ginagawa mo dahil kahit kailan hindi yan magiging dahilan para balikan kita ulit. Tss, you just sucks!"

Nawala yung mga ngiti ko sa labi. Unti unti na din siyang naglakad palayo at pumasok na nang tuluyan sa loob. Ako? Ewan, hindi ko magawang gumalaw man lang. Bakit parang ito na yung pinakamasakit sa lahat ng ginawa niya? It hits me hard. Tipong parang kinakalat nung mga sinabi niya sakin yung sakit? Wala daw kwenta yung pinaggagawa ko? Kung alam niya lang, isang buong linggo akong hindi pumasok sa School para lang pag-aralan ito. Halos pinapabayaan ko na yung pag-aaral ko dahil sa kanya tapos sasabihin niyang walang kwenta? Ang sakit! Ang sakit niyang magsalita!

"B-Bridge? Anong nangyari? Ba-bakit?"

Biglang nanikip yung dibdib ko. Nahihirapan akong huminga at para akong nasusuffocate. Sunud-sunod nang pumatak yung mga luha ko. Nasasaktan na naman pala ako.

"Ba-bakit Stone? Bakit ganon siya? Ba-bakit andali dali niyang bu-bumitaw ng ganoong mga sa-salita? "

Tuluyan nakong napaupo at humagulhol. Wala akong magawa kundi umiyak nalang. May mas isasakit pa ba to?

"Bridge, tara na. Iuuwi na kita, tahan na"

Tahan na? Sana nga ganoon nga lang kadali yung pagtahan. If I stop crying, will it stop the pain?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Feb 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken StringsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon