ODA 28

3.3K 87 1
                                    

Allison's POV

Nandito ako ngayon sa convention ng mga student ambassadors sa bawat school, at ako ang napili ng principal namin na representative ng Frekenstian University.

Isang linggong convention to at over night. Di ko tuloy makakasama ko yung tropa buong linggo at di ko rin makikita si Cali.

Di na kasi uli kami nagkita mula nong bumalik kami galing sa field trip namin, kasi pinatawag  ako ni madam principal, at ito na nga ako ang napili niyang maging representative para sa convention.

"Good morning everyone! Welcome ambassadors! I invite all the schools, academies and universities with their representatives to join this convention blah blah blah blah." Haaay! Nakakaantok! Gusto ko ng matulog, di kasi ako nakaidlip sa byahe dahil yung katabi ko naghihilik.

"Okey! You may now go to your respective room." Salamat naman. Pagod na talaga ako at inaantok.
--------------------

Haaay! Ang sarap mahiga.

Sino kaya ang ka-room mate ko? Wag naman sana yung lalaking katabi ko sa eroplano.

Pipikit na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang lalaki.

"Pasensiya nagising ki--Prince?" Huh? Sino to? Ba't kilala niya ako? At Prince?

"Prince, kamusta na? Wow! Ang laki muna at gwapo pa. Hahaha. Sinong mag-aakala na ang lalambot-lambot na Prince noon ay ito ngayon lalaking-lalaki na." Eh, Sino to? Ba't alam niya kung ano ako noon? Kababata ko ba to?

"Ba't ganyan ka makatingin sa akin? Don't tell me di mo ako kilala? Wooah! Akala ko si Princess lang ang nagkaamnesia pati rin pala ikaw." Si Princess na amnesia?

"Si Princess--" Wala sa sarili kung tanong.

"Wang ya! Si Princess naalala mo, ako hindi? Ang saklap naman Pare. Sige magpapakilala ako, Dracu at your service Pare, Hahaha." Dracu? Yung matabang bata na laging nambubully sa akin?

Kaya pala di ko namukhaan tong lalaking to kasi ang taba pa niya noon, ngayon payat na, di naman payat na payat nabawasan lang yung taba niya at naging matikas ito.

"Kaya pala di kita nakilala kasi ang Dracu na naiisip ko eh, yung matabang bata no'n na laging nambubuly sa akin."

"Ngayon naalala muna. Nga pala, kamusta na si Princess? Di ko na nakita ang malditang yun mula ng maaksidente siya." Sabi ni Dracu habang inaayos ang mga gamit nito.

"Naaksidente?" Di ko alam yun. Kailan siya naaksidente at paano siya naaksidente?

"Oo Pare, naaksidente si Princess hinabol niya ang kotse na sinasakyan niyo nong umalis kayo papuntang States.  Nandun kami ng tropa nong hinabol niya ang kotse niyo at tinatawag ang pangalan mo at yun nasagasaan siya ng kotse na kasunod niya."

Para akong nabato sa kinauupuan ko ngayon sa sinabi ni Dracu. Bakit di ko narinig yung pagtawag sa akin ni Princess, di sana siya naaksidente.

"Saan sila nakatira ngayon? Matagal ko na siyang hinahanap magbuhat na bumalik kami rito sa pilipinas."

"Hindi ko alam kung saan sila nakatira ngayon ang alam ko lang ay nag-aaral siya ngayon sa Frekenstian University."

Frekenstian University? Ibig sabihin schoolmate ko lang siya?

Kung schoolmate ko siya edi sana kilala niya ako, diba nga sikat ako sa school namin.

"Diba taga-Frekenstian University ka? Edi, nagkita na kayo malamang." Malamang pero wala naman akong nakita na kamukha ni Princess dun.

"Oo nga pala, paano mo siya makikilala eh, nagbago na din yun. Di na siya si Princess na kilala natin noon. Hehehe."

"Paanong nagbago?"

"Hindi na siya boyish tulad nong mga bata pa tayo. Babaeng-babae na yun ngayon. Sana nga bumalik na yung alaala niya, namiss ko na ang kumag na yun."

Naaksidente pala si Princess at kasalan ko kung bakit siya naaksidente at nagka-amnesia.

I'm sorry Princess, pangako pagkabalik ng pagkabalik ko sa Frekenstian Univesity hahanapin kita.

*****
Thanks for reading!

-dkc

OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon