Den: Yun naman pala e! For sure maeexcite ang ibang teammates natin.

I looked at Den.

Ly: Nga pala besh, san sila? I came here pa naman to surprise all of you sana.

Ella: Ay wala na, Ly. Nagtampo na sayo. Di na daw kayo friends.

Pinandilatan ko si Ella. But she just laughed.

Ella: Joke lang. Yan kasi kakatrabaho mo, di mo na alam na hapon na sila pumupunta rito.

Oh shoot. Matagal na nga ata akong di nakikipagkwentuhan sa kanila.

Ella: But dont worry. They'll come around. Libre mo lang mga yun ng dinner, okay na.

Laura threw a used tissue at Ella naman.

Lau: Ginaya mo pa sayo. Sabihin mo gusto mo lang magpalibre kay Ly.

Ella: Walang laglagan, Lau.

Walang pinagbago ang kulit pa rin nila. Napansin kong natahimik si Von kaya I eyed him.

Ly: Ok ka lang ba, idol?

He snapped out of his reverie and looked hesitantly at me. Parang may gusto siyang sabihin. He seemed to battle with himself before clearing his throat.

Von: Ahh Ly kasi -- kasi I invited Kief over. Di ko naman kasi alam na pupunta ka pala.

I laughed. Yun lang? Do they still think Im not over him? Oh come on. It's been a year. That's history.

They seemed to be shocked of my reaction.

Den: Besh, okay lang sayo?! I mean.. Earth to Alyssa, si Kiefer Ravena yun.

Ly: Of course, I know Kief, besh.

Napalingon ako ulit kay Von.

Ly: It's okay, Von. Have him come over. Past is past.

Nagtaka ata sila sa reaksyon ko but they eventually accepted it. We talked about a lot of things over coffee. Catch up nga kumbaga.

It seemed like I was away for tad too long that I missed a lot. Buti nalang at pumayag si manager na bawasan muna projects ko so i can chill. Namiss ko to e. Namiss ko silang katawanan, kakulitan at kasama. Namiss ko rin ang katakawan ko pag sila ang kasama.

Hayy.

We were too engrossed in talking about random stuff when...

Kief: Paps! Sorry ha. Kanina pa ba kay---

Napalingon ako sa kanya, and when he noticed I was there hindi siya nakapagsalita. I knew from my peripheral vision that they were looking back and forth at us.

So I decided to break the awkwardness. Well, for me, it wasnt really that awkward. Slight lang. I have moved on, remember?

Ly: Hi Kief. Upo ka. Nag-order ka na?

He seemed to be even more shocked when I talked to him. Hello, akala ba niya naapektuhan pa ako sa kanya? It's been long. It's time to be mature about things like this.

Kief: Ah... Eh... Di p-pa. Wag na. Busog pa ako e.

Von: Oy paps! Dito ka o.

Itinuro ni Von ang empty space sa tabi niya na tapat ko rin. Ano ba naman to. Kami lang atang tatlo ang nag-uusap. Sina Den sobrang tahimik tas nakatingin lang sa amin.

Tinignan ko sila.

Ly: Hoy ano? Okay lang ba kayo?

Den: Are you guys friends already?

One More ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon