PART 8

1 0 0
                                        

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Shei Medina? All along si Shei Medina pala ang dapat nakarinig ng mga salitang yun?

Binitawan ko sya at humakbang palayo.

Parang binayo ang puso ko. Ang sakit...

Gago pala nitong lalaking ito eh. How dare he mistook me to Ate Shei? bulag ba sya?

"Shei? What's wrong?"

Mas marami yung luha ko ngayon kesa kanina. Hindi nalang ako umimik dahil baka lang malaman nya pa kung sino ako. Mapapahiya pa ako dahil akala ko para sakin yun.

"Shei, tell me what's wrong?"

Umiling nalang ako kasabay nun ay iniwan ko sya doon. I heard him calling me. No! Scratch that. Hindi nga pala ako si Shei.

Don ako nakisiksik sa maraming tao para di nya na ako mahabol. Dumiretso ako sa madilim na bahagi ng bakuran.

Marahas kong inalis yung maskara ko at naramdaman ko na may gumuhit sabbandang pisngi ko pero di ko nalang pinansin.

Hirap kaya umiyak ng nakamaskara. Try nyo pa!

"Stupid! Tanga mo Arielle! You shouldn't have danced with him. You--- " napaupo ako na ground."You shouldn't have let him say those words. Hindi naman yun para sayo eh."

Patuloy ako sa pagmamaktol. Wala namang makakarinig sa akin dito eh. Masyado pati malakas ang music so I ler myself out. I need to let this out. Ang sakit eh.

"Arielle Ishanti?"

Nagulat ako ng may tumawag sa akin. And when I turned to look at whoever it is, lalo lang ako napaiyak.

"Ken..."

Nilapitan nya ako at tinayo.
"What happened? Si Kei na naman ba?"

Hindi na ako nagsalita. Just hearing his name hurts my feelings.

Ken gave me a hug para na rin siguro icomfort ako. Ang bait lang din ng lalaking ito. Siguro kung may iba pang lalaki na nakakaalam ng kabaliwan ko kay Kei maliban sa kuya ko ay si Ken iyon.

Three years na rin siguro nyang nakikita ang lahat ng ginawa ko para kay Kei.

Bumuntong-hininga sya bago marahan akong nilayo sa kanya. Hinubad nya yung coat nya tapos pinatong nya yun sa balikat ko.

"I don't want you to catch cold." tinaas nya yung mukha ko at tiningnan.

"Oh God!" bulalas nya tapos marahas akong hinila sa hindi ko alam kung saan.

Nagpadala nalang din ako. Magrereklamo pa sana ako na masakit ang paa ko kaso mukhang tensed sya kasi namamawis yung kamay na na nakakapit sa kamay ko kaya di na rin ako nagsalita.

Sa likod kami dumaan at napansin ko na kusina yung pinasukan namin.

Pinaupo nya ako sa isang upuan at tumakbo paalis leaving me dumbfounded.

Nilibot ko ng tingin yung kabuuan ng kusina at napagawi ang mata ko sa family portrait nina Kei.

Napangiti ako ng mapait. Why do I even like this guy na hindi ata ngumingiti.

Sige sumimangot ka pa jan na gago ka!

Teka mas mukha ata akong gago sa pinaggagagawa ko. Kausapin ba daw ang litrato?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 03, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Give Up or Give InWhere stories live. Discover now