✴Prologue✴

12.8K 420 7
                                    

Third Person's POV

May isang reyna na kakapanganak pa lamang sa kanyang munting princesa.

"Ang ganda naman ng ating anak mahal ko!" sabi ng hari sa kanyang asawa

"Oo nga mahal ko. Ang ganda nga niya." sagot naman ng reyna sa kanyang mahal

"Kamukhang kamukha mo siya mahal ko. Ano ang ipapangalan mo sa kanya?" tanong ng hari

"Cassandra Apphrodite Grace...Cassandra Apphrodite Grace Lee ang pangalan niya."sagot naman ng reyna

"Ang ganda ng kanyang pangalan mahal ko."ani ng hari

Sa kabilang dako naman ay may natanggap na balita ang Dark King.

"Mahal kong hari may bali-balita po na nanganak na daw po ang reyna ng mga White Mage Users. Naanak na daw ang pinakamakapangyarihang mage user dito sa ating mundo."ani ng kanyang alipin

"Ano?! Hindi ito maaari. Ihanda mo lahat ng kawal upang tayo ay lulusob sa kanila ngayon din."sabi ng Dark King

"Masusunod po mahal na hari."sagot niya

"Matatalo ko din kayo dahil kukunin ko ang nag iisa ninyong princesa. Bwahahahaha."sabi ng hari sa kanyang sarili

Balik naman tayo sa mga White Mage Users.

Habang nagkakasiyahan sila dahil nanganak na ang reyna ay may bigla nalang sumabog.

Tinignan nila kung saan ito nanggaling. Nagulat sila ng nakita nila ang mga Dark Mage Users na sumugod sa kanila.

Nilabanan nila ang mga ito.

May isang kawal naman ang pumunta sa nagkakasiyahang pamilya.

"Ma-mahal na h-hari ni-nilusob po t-tayo ng mga D-dark Mage U-users."hingal na hingal na sabi ng kawal

"Ano?!"gulat na tugon ng hari "Sige maaari kanang umalis at makipaglaban kayo doon. Susunod nalang ako. Patatakasin ko muna ang mag-ina ko."patuloy na sabi ng hari

"Opo mahal na hari."sagot ng kawal at umalis na.

"Mahal ko kailangan niyo ng umalis ng ating anak."sabi ng hari sa reyna

"Hindi. Hindi ako sasama sa anak natin. Tayong dalawa ang lalaban sa kanila kahit kapalit paman nito ang buhay ko. Tatawagin ko nalang si Leigh through telepathy at siya na ang magdadala sa ating anak sa mundo ng mga tao."wika ng reyna

"Kung yan ang gusto mo sige basta maligtas lang ang anak natin. Pero ipangako mo na hinding hindi ka magpapakamatay don."sagot ng hari

"Pangako mahal ko. Sige na ikaw na ang mauna doon at tatawagin ko pa si Leigh para ihabilin ang ating anak."sabi ng reyna

"Okey mahal ko." sagot ng hari at umalis na para makipaglaban.

Ng ilang sandali pa ay dumating na si Leigh at nag usap sila ng reyna.

"Mahal na reyna bakit niyo po ako pinatawag?"tanong ni Leigh sa reyna

"Dalhin mo ang princesa sa mortal world at alagaan mo siya doon hanggang sa lumaki na siya. Ang ipapangalan mo sa kanya ay Cassandra Apphrodite Grace Lee. Ikaw ang magsisilbing ina sa kanya. Ibalik mo siya rito sa pagsapit ng ika-18 na kaarawan niya. Wag na wag mo siyang pababayaan. Ikaw lang ang pagkakatiwalaan ko sa kanya kaya please nakikiusap ako sayo."diretsahang sagot ng reyna

"Masusunod po mahal na reyna. Ipinapangako ko pong aalagaan ko siyang mabuti at dadalhin ko siya rito sa kanyang kaarawan."sabi ni Leigh

"Salamat Leigh. Maraming maraming salamat talaga."pagpapasalamat ng reyna kay Leigh at saka niya pinuntahan ang kanyang munting princesa na mahimbing na natutulog.

"Anak isuot mo palagi ang kwintas sa ito huh? Dahil kapag suot mo yan ay para mo narin kaming kasama ng ama mo at ililigtas ka nito sa kapahamakan."sabi ng reyna sabay suot ng kwintas sa kanyang anak at hinalikan nito ang noo ng princesa.


May sinabi pa ang reyna na spell saka may portal na lumitaw sa kanilang harapan.


"Sige na Leigh umalis na kayo baka maabotan pa kayo ng mga Dark Mage Users."sabay tulak ng reyna kay Leigh na hawak ang bata papasok ng portal.

Pumasok na si Leigh sa portal saka nawala na parang bula.

"Paalam anak ko. Alam kong magkikita pa tayong muli." huling paalam ng reyna sa anak.

Saka na siya lumabas ng palasyo para makipaglaban.


-------------------------

Guys alam kong sobrang lalim ng tagalog ko pero wag kayong mag alala dahil prologue palang po yan. 1st time ko pa po kasing magsulat ng story. Sorry sa mga typos, wrong spelling at wrong grammar kung meron mn po.

Thankies ! I love you all !

Be my fan guys !

Please

Vote, Comment and Share !



Mage Academy: The Long Lost Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon