Introduction

862 48 20
                                    

Isang normal na araw sa aming mga Pogi. . .

         Nakatambay kami sa usual spot namin sa mall, doon kung saan dinadaan-daanan kami ng mga tao upang masdan at paglawayan. Kami ang human museum sa mall na ito.Exhibition ng kagwapuhan at exhibition ng abs. ‘Witwew!’ dito, ‘Witwew!’ doon ang aming trip, samahan pa ng kindat dito at kindat doon.

         “Naku pare tingnan mo ang gwapo ko talaga! Walang binatbat sa mukha mong mukhang paang inaalipunga.”

         “Tignan mo ‘tong biceps ko. ‘Pag pinukol ko ‘to sayo, warak ‘yang pinagmamalaki mong mukha.”

         “Awat na ‘yan mga dre, kung ayaw nyong pag-umpugin ko kayo sa abs ko.”

         “Abs pala ‘yan? Akala ko tinapay na hilaw.”

         “Buti pa ‘tong bigote ko, ang swabe.”

         “Wala ‘yan! Tingnan mo naman bigote ko,” sabay nagtaas ng isang braso, “may powers!”

         Ganito talaga kami, nagpapataasan ng T---

         Tingin sa sarili. Hindi nagpapatalo sa isa’t isa. Nagbabarahan. Gayunpaman, magkasundong-magkasundo kaming lahat dito.

         Maya-maya, may narinig kaming mga nagsilaglagan, at sa aming pagkalingon nakita namin ang isang babaeng pinupulot ang kanyang groceries. At dahil gentlemen kami, to the rescue naman agad kami sa babae. Pagkalapit namin. . .

         “Ooh. . .”

         “Ahh, that’s right baby.”

         “Mmm yeah babe.”

         Ganito ang naging reaksyon namin pagkakita na isang maganda, maputi, chinita at sexy’ng babae pala iyon. Tinulungan namin syang mamulot, at napansin naming hilaw na French fries ang karamihan sa kanyang groceries.

         “Favourite mo?” tanong ng isa sa amin.

         Sa halip, tinugunan nya kami ng isang ngiti na nagpatindig sa. . . gilid ng aming mga labi, at nagpasiklab ng apoy sa aming katauhan. “Thank you boys,” sabi nya nang maglaon, sabay talikod sa amin at naglakad palayo. Kung nakasanayan na naming nagkakandarapa ang mga babae --- at bakla --- sa amin, this time is our turn na magkandarapa.

         “Wait babe what’s your name?”

         “Sexy lady, may I have your number?”

         “Hey girl, may I have you?”

         Lumingon sya at sinabing, “Sure. Show me what you’ve got.”

         At doon na nagwakas ang pagkakaibigan naming mga Pogi.

Battle of the Pogi'sWhere stories live. Discover now