WHEN WE FIRST MET

2.7K 89 1
                                    

Alden's POV

Kailangan ko ng tulong! Nasa hospital yung nanay ko. May car accident kasi. Na-involve yung mama ko. Kailangan na niyang operahan, kaya kailangan ko ng pera, kaya nga naghahanap na ako ng trabaho ASAP! Tulong naman!

Maine's POV

I'm the daughter of the original owner of this company. Now, he passed away. At, single dad din siya. Humanap na ng iba yung mommy ko. Kainis!

Kailangan ko na ng mga trabahante! Tulong naman!

- - 1 WEEK AFTER THE ACCIDENT - -

Alden's POV

Sino ba ang makakatulong sa akin na maghanap ng malaking trabaho! Sinabihan ko na rin yung kaibigan ko na kapag nag-hire yung company niya, sasabihin niya ako.

Ngayon, nagtatrabaho ako sa isang carinderia. Kailangan ko na talaga ng pera!

"Alden! Magtrabaho ka nga ng mabuti! Diba sabi ko sa iyo, serve with a smile?!" Sabi ni Ma'am Allysa, boss ko.

"Sorry po Ma'am Allysa, iniisip ko lang po kung kumusta na yung nanay ko sa ospital!" Sagot ko.

"Kaya nga, magtrabaho ka! Para makakuha ka ng pera at makabayad ka sa operasyon ng nanay mo!" Sabi ni Ma'am Allysa.

"Opo!" Sabi ko.

Ako ang parang waiter dito. Nagkukuha ako ng mga gusto nila. Si Alju naman ang tagapaglinis ng table nila.

"Kuya! Isang kanin!" Order ng isang babae. Inilagay ko sa isang listahan at si Andrea na ang bahala na magbigay! Ganoon ang trabaho ko!

May dumating na bisita na iginalang ni Ma'am Allysa. May masmataas pa pala na posisyon kaysa sa kanya, dito!

"Uy! Madam! Andito na pala kayo!" Sabi ni Ma'am Allysa. "Ate Allysa, diba masmatanda ka sakin, kaya wag nalang yung madam ang itatawag mo sa akin! Maine nalang!" Sabi ng babae.

"Eh madam, este, Maine, mataas ang paggalang ko sa iyo kasi ikaw ang nagligtas ng kapatid ko!" Sabi ni Ma'am Allysa.

Oo nga pala, malapit ng masagasaan ang kapatid niya. Ikinuwento rin niya sa akin iyon. Buti, dumating yung babae at ang babae yung napahamak pero sa kamay lang naman nasugatan!

Ngumiti lang yung babae at napansin niya akong nakatulala sa kanya.

"Kuya, may nag-oorder" sabi niya sa akin. "Ha?" Tanong ko. At pagtingin nakin sa harap, ang dami ng nakapila!

Hay nako! Bilis-bilis akong kumuha ng mga order nila. Kainis!

"Ate, may bago ka palang trabahante!" Sabi ng babae. "Kawawa kasi siya, kailangan niya ng pambayad ng operasyon ng Nanay niya. Kaya, ayun, tinulungan ko na siya!" Sabi ni Ma'am Allysa.

"Anong hospital napunta yung Nanay mo?" Tanong ng babae sa akin. "Po?" Sagot ko. "Nasa anong ospital ba ang Nanay mo?" Inulit niya yung tanong. "Ah, sa Aaron Medical Center po, ma'am!" Sabi ko.

"Anong age mo?" Dagdag pa niyang tanong. Kailangan pa ba iyon?! "24 po, ma'am!" Sabi ko.

"Huwag mo na akong tawaging ma'am, Maine nalang! 21 pa naman ako!" Sabi niya.

Ganda naman ng pangalan! At saka, ang ganda naman niya!

"Saka, ito!" May inabot siya na pera sa akin. "Para sa nanay mo!" Sabi ni Maine. "Ma'am, di ko po matatanggap ang pera kapag walang kapalit!" Sabi ko.

"Sige na! Kapalit nito ay Maine ang tawag mo sa akin!" Sabi niya. "Pero..." Ayaw ko talaga pero pinutol niya yung sinabi ko. "Huwag kang mag-alala! Mabuti ka nga may tumulong din sa iyo!"

PWEDE BANG MAG-APPLY? {ALDUB}Where stories live. Discover now