You are now chatting with a random stranger. You both like sinigang.
Stranger: hi asl
You: f16qc
Stranger: m17qc din. College ka na?
You: oo. Ikaw?
Stranger: oo. My name is Liam. And you are?
You: You can call me kath.
At dyan kami nagsimula magkakilala ni Liam. Mabait naman sya, di tulad ng iba na horny ang hinahanap.
Inabot na kami ng madaling araw dahil interesting sya magkwento. Marami rin syang alam tungkol sa mga mythology tulad ko and take note Accountancy din course niya tulad ko.
"Hoy buksan mo tong pinto!!" masisira na ata yung pinto makakatok naman tong kuya ko.
"Bilisan mo! Nandyan ba charger ng laptop ko? Lowbat na ko buksan mo to!" piyok piyok pa sya sa pagsigaw.
Binuksan ko yung pinto at bumungad sakin yung nakakunot nyang noo.
"O eto na burara ka kasi!" dinikit ko sa dibdib nya yung charger ng laptop at sinara na ulit ang pinto.
Tumalon ako papuntang kama ko. Oo nga pala may kachat pa ako!
Stranger: kath?
Stranger: huy inaantok na ko di ka pa b magrereply?
Stranger: :(
Oops! Something went wrong. We understand if you hate omegle but omegle still loves you.
Nanlaki yung mata ko.
BAKIT?
Nawala yung wifi?! First time ko pa namang magkaron ng kausap na nagtagal talaga ng ganun tapos mawawala rin pala.
Nadisappoint ako kaya naman nagcellphone nalang ako. Text. Naglaro. Pero di ko makalimutan si Liam. Sayang naman yun!
May pasok pa ako kinabukasan pero one o'clock pa start. Magsisimula na ang college life ko bilang isang Accountancy student.
-
Nagising ako ng may hawak na phone.
Jusko po 12:36 na!
Agad akong umupo at inorganize sa isip ko mga dapat kong gawin.
Inom ng tubig. Ligo. Bihis. Sa school na ako kakain. Oo tama.
"Kath aalis na kami ni papa mo. Di ka ba sasabay?" si mama ginigising na rin ako. May usapan pala kaming sasabay ako.
"Ma maliligo palang ako. Una na po kayo." sagot ko habang hinahanap ang uniform ko sa damitan ko.
Ilang minuto nalang bilisan mo kumilos.
Nagmultitask na ako dahil gahol sa oras. Habang naliligo ay binabasa ko mga rules and regulation ng school ko. Bawal daw ang nail polish pero putok na putok pa ang black kong cutics. Bawal daw kulay sa buhok pero naka ombre pa ako.
Bahala na.
1:30 na ng matapos ako sa mga ginagawa ko. Syempre di pa ako nakakapagsuklay at kumakain nun. Pumara nalang agad ako ng jeep at sumakay agad. Buti nalang may kasabay ako sa jeep na ka-school ko dahil pareho kami ng uniform.
