Part I : HOY ! PANGET

Comenzar desde el principio
                                        

Nagsilabasan naman ang mga kaklase ko dahil recess na.

Syempre ako naiwan sa loob at umub ob nalang para matulog. Inaantok ako e.

"Hoy ! Panget !" Kilala ko ang boses na yun at sa famous line palang niya tss.

Hindi ako kumibo. Duh ! Tulog nga ako diba ? Tsaka mahiya nga siya dahil hiningian niya ko ng sagot kanina tss.

Naramdaman ko naman ang mahinang pagsipa niya sa upuan ko. Pero di ko parin pinansin. TULOG NGA KASI AKO. Tas aasarin lang ako niyan.

Kami lang yata dito ngayon ? Dahil nasa canteen ang iba.

"Ilan na naging boyfriend mo panget ?!" Bigla niyang sabi .Luh ! Bat niya tinatanong ? May plano ba siyang ligawan ako ? GRABE ! assuming ! Tsaka eww

Still di ko pinansin. Pero bat ang lakas ng pintig ng puso ko ? Yung parang kinakabahan ? Hindi naman siguro diba ?

"Hoy panget ! Wag ka assuming ! Wala yung tanong ko ! Baka kung ano pa isipin mo ! Hoy panget natanong ko lang yun dahil di ako naniniwalang may pumatol sayo !" Mahabang sabi niya. Eh ! Bat siya nag papaliwanag ? Tss. OA niya masyado. Nag assume na ako ee !! Paasa ! (Umasa kalang talaga !) OO na ! Ako na ! Ako na umasa ! Charr imposible din magkagusto to sakin ! Panget nga kasi ako sa kanya diba !!

Di parin ako gumagalaw kasi nga tulog akoooo.

Tumahimik na din siya. Buti naman

Maya maya naramdaman ko namang nasimula nang umingay sa room. Nagsidatingan na pala.

"Good morning Section Blue!" Narinig kong bati ng guro namin kaya dahan dahan ko namang inangat ulo ko. Yung parang galing tulog talaga xD wala namang may pake.

Binati din ang guro at nagsimula ng magdiscuss. Ang boring nga ee sobra.

Pagkatapos ganun padin. Discuss at quiz lang. Madadali lang naman e.

" jeana" nilingon ko naman ang lalaking tumabi sakin dito sa  waiting shed. Si Johan pala -_- inirapan ko lang siya at tumalikod sakanya.

Jeana...

Jeana...

Bat nya ko tinawag na Jeana ? Mas nasanay ako sa 'Hoy panget' e

Pake ko ba ?-_-

"Diba sa crestview village ka din ?" Tanong niya. Pano niya nalaman ? Stalker ba siya ? Lol. Assume pa more

Di ko parin siya pinansin. Pipi ako ngayon e. Haha

"HOY PANGET !!" Sumigaw siya sa likuran ko dahilan para mapalingon ako bigla sakanya. Lumingon ako na halos lumuwa ang mata at nakahawak pa sa dibdiban ko. Yung gulat na gulat talaga ako.

Magugulatin na pala ako ngayon ?

"Sabay nalang tayo" dagdag pa niya kaya napaayos naman ako ng upo ng nakabalik na sa realidad.

"Bwesit ka. Ginulat mo ko" bulong ko dahilan ng pagtawa niya ng mahina.

Wew. Ang gwapo ng tawa niya ^_^

What ! Pinuri ko ba siya ?!
No, yung tawa lang pinuri ko no !

Sabay nalang kami ? So meaning magkavillage lang kami. Okay -_-

"May hinihintay ako. Mauna kana" walang emosyon kong sabi. Hinihintay ko naman talaga si yaya e. Tenext ko kasi na naiwan ko pera ko at sunduin nalang ako.

"Sino ? Okay lang .... Basta sabay tayo" sabi niya na hindi ko narinig ang huling sinabi niya. Ano daw yun ?

"Ha ?" Takang tanong ko sakanya

"Ah wala ! Hoy panget mag gagabi na oh ! Tara na" sabi niya. Umingala naman ako at mag gagabi na nga. Ang tagal ni yaya.

*vibrateee*

Kinapa ko naman ang cellphone sa bulsa ng saya ko.

From : yaya Joy

Bhe. Hindi kita masusundo. May emergency kasi sa kapitbahay natin e kaya nasa hospital ako ngayon. Wala siyang kasama dito.Sorry bhe. Sumakay ka nalang tapos sa bahay kana magbayad. Ingat ka.

Ngeeeek ?! Pano yan >\\< no choice at sundin ang sabi ni yaya para makauwi na. Psh

"HOY PANGET ! SAKAY NA" sigaw ni Johan na nasa loob na ng motor Closecab. Tss. Nakakaasar at makakasabay ko pa to !

Tumabi na ako sakanya kahit labag sa kalooban ko.

"Phase 8 kuya." Sabi ko. Narinig naman yata ni kuya yun

Habang ginaguide ko si kuya papuntang bahay ko ay napansin ko namang hindi pa nag papara si Johan. Tssk la kom pake.

"Dito lang. Wait lang kuya ha. Nasa loob ang bayad" sabi ko pag labas ko. Dali dali naman akong pumasok sa bahay at kumuha ng pera.

"Kuya i---....... Asan si kuya ?" Tanong ko kay Johan paglabas ko sa gate. Wala na kasi si kuya ee. Di pa ako nakabayad

"Binayaran ko na. Hoy panget ! May kapalit yun ! Bye" at ayon lumayas na. Pinanood ko lang siya habang papalayo siya sa kinatatayuan ko.

EEHH ?! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Bat ganun ? Di naman ako kinakabahan ?

"SALAMAT!" Sigaw ko naman. Ewan lang kong narinig niya

Pumasok na ako ng bahay na hindi maiwasang mapangiti.

••••••

"Hoy panget ! Sabay tayo mamaya umuwi ! Bilang kapalit" rinig kong sabi niya ng napadaan ako sa harapan nila ng barkada niya tss yun lang naman pala ee. Bat ba ang OA  ng johan na to -_-

"Hanep pare ! Sino yun ?"
"Wew. Di naman panget ah ? May boyfriend na ?"
"Afghdhsjah"
"Looool ! Di kami naniniwala ! Bat di ka pinansin kong kayo ?"

Rinig ko parin ang pinag uusapan nila pero di ko maintindihan tss hanggang sa nakapasok na ako sa room.

~Uwian

"Hoy panget ! Tara na!" Sabi ni Johan sa likuran ko. Seryoso talaga siya na sabay kami ? Eh ! Pagkatapos ko ayosin ang gamit ko ay naglakad na ako palabas ng room

Nasa waiting shed nanaman kami ...

"Hoy panget !" Nilingon ko lang siya at umiwas ng tingin ng napagtantong nakatingin siya sa mata ko. Eyes to eyes ? >\\<

"May tanong ako" sabi niya pa. Nagkibit balikat lang ako

"Anything basta wag about ESP" natawa naman siya sa sinabi ko at biglang sumeryoso. Yung totoo ?

Baka about sa ESP yan -_- nako di ko sure na masasagot ko yan.

"Impossible ba na mainlove sayo ang gwapong lalaki ?" Napalingon naman ako sa kanya. Nang iinsulto ba to ? Ma suntok nga ang mukha tss

Sinamaan ko naman siya ng tingin at sinagot ang tanong niya

"Yes. Impossible" sabi ko at umiwas ng tingin.

Impossible naman yata kasi talaga.

"Pano kong hindi impossible ? Paano kong........" Naguluhan naman ako dun. Pinagsasabi nito ?-_-

"Paano kong inlove si Johan Jin kay Panget Reyes ?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganito ?

Ano ulit ang tanong niya ?

"Ha ?" Wala sa sarili kong tanong sakanya.

"Inlove si Jin sa panget na si Reyes. Si Reyes din kaya para kay Gwapong Jin ?"

Tama ba narinig ko ?
••••••••
~Lovieloveyou~

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Feb 20, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

[oneshot] &quot;HOY ! PANGET&quot;Donde viven las historias. Descúbrelo ahora