Lunch time ng may narinig kaming nag titilian sa hallway ng school namin. Alam kong may nagliligawan na naman. Dahil kakatapos lang ng valentines. Baka humabol yung manliligaw hahahaha wala kasing pasok kahapon. Dahil sa curiosity ko titignan ko sana kung sino. Pero nakasalubong ko ang aking bestfriend na topakin, si Andrei Chang. Ang sabi niya sa akin wag na daw akong lumabas dahil si Matthew Dale daw yun. Pero di ko siya sinunod. Saktong pag labas ko sa classroom may di ako inaasahan na mangyari. Nakita ko siyang nag bigay ng bulalak sa babaeng kanyang matagal nang minamahal, si Megan. Ang lalaking matagal ko nang patagong minamahal ay may mahal nang iba.
Ako nga pala si Hillary Jhade. Ang babaeng patagong nagmamahal kay Matthew Dale. Halos ilang taon ko na siyang mahal. Hindi ko lang inaamin sa kanya dahil natatakot ako. Natatakot akong layuan niya ako, hindi ako pansinin, at higit sa lahat ang mawala ang pagiging magkaibigan namin. Magkaibigan na kami since where in grade 6. He used to be my prince charming. Pero dahil sa pangyayari na yun siya pala ang worst nightmare ko.
Matagal ko na siyang gusto. Halos sa kanya na nga nakatuon yung pansin ko. Tuwing nakikita ko siya pag recess at lunch para akong tanga na kulang na lang maghalumpasay ako sa sahig. OA ba? Ganyan ko siya kamahal eh. At sa tuwing nakakasalubong ko siya kasama yung mga bestfriends ko, nangungurot ako sa sobrang kilig dahil kumpleto na yung araw ko. Nasilayan ko na siya eh. Kahit sa ganon paraan sana malaman niya na mahal ko siya.
Isang araw nagkausap kami ni Andrei sa messenger. Dahil sa topakin siya naisipan niya akong pag tripan. Tinatawag ako ng BABE ng hinayupak na yun. Sabi niya sa akin "sorry na babe alam mo naman na di ko kayang gawin yun sayo". Alam kong malakas talaga siya mangtrip. At sa mga oras na yun kasama niya ang prince charming kong si Matthew tuwang tuwa sila sa pinagsasabi nila sa akin. Hanggang sa naisipan niyang mamaya daw eh full force nila akong pagtitripan nila Andrei at Mark.
Sabay sabay silang nag chat ng "Pst,Babe" dahil sa taranta at gulat ko di ko alam ang gagawin ko. Ikaw ba naman na nag chat sayo si crush at sinabing pst,babe, kahit joke lang yun malakas parin yung impact nun sa akin. Dahil sa taranta una ko nang kinausap si Matthew ang sabi ko
Matthew: Pst,Babe
Hillary: Isa ka pa
Matthew: Ang hot namin
Hillary: Oo na lang po
Matthew: I LOVE YOU BABE ❤️
Hillary: Wag kang PAASA 😭
OH MY GOSH sinabi niya sa akin na i love you babe shittt. Kinikilig ako kahit biro lang yun. Pero noong gabing na chat ko si Matthew, na pinagtripan ako kasama ng mga gunggong niyang kaibigan. Ayun na pala yung huling beses na kikiligin ako.
Kinabukasan, kakatapos lang ng Valentines Day. At ang mga hindi ko inaaasahang mangyari ay nangyari na. Noong araw na nakita ko yung pangyayari na yun bigla nalang tumulo yung luha ko, hindi ko inaasahan kasi alam kong matatag ako, siguro kasi sobra minahal ko sya, sobrang minamahal ko sya hanggang ngayon. In the end, ako nanaman ang napaasa at nasaktan, well what's new, lagi naman kaming babae ang kawawa sa huli. Ganyan naman ang mga lalaki eh, well hindi naman lahat. Alam kong may matino pa. Pero bilang na lang sila.
Pagkagaling ko sa school sinamahan ko si mama dahil magpapagupit siya ng buhok niya. At dahil broken hearted ako ay naisipan ko na rin magpagupit. Ganun naman pag broken hearted eh. Ipapamukha mo sa kanya na di lang siya yung lalaki sa mundo.
New hair means moving on nga diba? At sa pagpapagupit ko, ibig lang sabihin non ay hindi na ako yung dating madaling kiligin sa kanya. Kasi tang ina niya mukha siyang halimaw at hindi ko kawalang iniwan niya ako. Dahil ang prinsesa ay hindi kailanman deserve ang isang halimaw na katulad niya.
Kung sa una ay akala mo ang gwapo gwapo niya. Yung tipong siya lang yung palagi mong nakikita. Pwes mali yun, dahil nabulag ka lang sa pag-ibig. Ganun namann tayong lahat eh, nabubulag sa maling pag-ibig. Pag-ibig na hindi para sa atin.
It's time for me to move on. Di na nag eexcist ang Matthew Dale na pangalan sa Dictionary ng Buhay Ko. Dahil sa pambihirang crush na yan nasira pa yung tahimik kong buhay. Hahayaan ko na lang sila Matthew at Megan. I should be happy for him. But it's not the right time. Balang araw makikita ko rin ang totoo kong prince charming. And when that time comes magiging masaya din ako sa piling niya.
Salamat sa mga bestfiends ko na sila Anne, Ela, Erin, Angela, Bea at Andrei na palaging nasa tabi ko pag kailangan ko sila. Sila lang naman ang nag papalakas ng loob ko. At sobrang thankful ko na sila ang mga kaibigan ko. Na kahit anong mangyari hinding hindi ka nila iiwan. Palaging nandyan sa tabi mo, at higit sa lahat mamahalin ka kahit ano ka man. It's better to choose FRIENDSHIP than RELATIONSHIP. And I rather choose FRIENDSHIP...
YOU ARE READING
Crush?!! (One shot)
Teen FictionNagmahal ka na lang nga ng patago, ikaw pa itong nasaktan. Anong gagawin mo pag ang crush mo ay may niligawan na iba. At nakita mo kung paano niya ginawang ligawan ang babaeng mahal na mahal niya. Samantalang ikaw nasa isang tabi lang, pinapanood mo...
