Esperanza and the Tres Contrabidas

8.2K 169 8
                                    

"IPINAPATAWAG ka sa office. Right away, Miss Jacinto."

Mula sa pansamantalang pagkatulala ay napaunat ang dalaga sa untag sa kanya ng HR staff na mabilis rin namang nawala sa kanyang paningin. She got back to her senses saka mabilis na inayos ang sarili bago tumayo. Maindayog ang bawat pagpitik ng bewang habang poise na poise na binaybay ni Esperanza Sabile Jacinto ang hallway patungo sa manager's office ng Logistics ang Purchasing Department. She flipped her hair like a shampoo commercial model at sinadyang artehan ang paggewang ng kanyang mga balakang. She wore a forced pout though she had natural full lips.

Wala siyang pakialam sa mga mapanuring tingin na ipinupukol ng tinagurian niyang Tres Contrabidas na nakaantabay sa kanyang daraanan. Intensyonal ang ginawa niyang pag-arteng iyon. Bahagi ng pang-iinis niya sa tatlong kasamahang walang ginawa kundi ang pag-initan siya. Hindi niya alam ang motibo ng mga ito but she didn't care to know. Ang mahalaga, nagagawa niya nang maayos ang trabaho niya bilang junior buyer sa supply outsourcing subsidiary ng Chang Group of Companies.

Sigurado si Esperanza na wala siyang dumi sa mukha o mantsa sa damit kahit pa nga halos tunawin na siya ng mga nanunuot na tingin ng tatlong babaeng animo'y mga tuod na nakahilera. She met their demeaning stares habang papalapit. Maging ang mapang-insultong ngiti ng mga ito ay hindi nakaligtas sa kanyang paningin.

Nanunudyo at nanadya.

Sa sobrang inis niya, bininyagan na niya ang mga ito ng kung anu-anong pangalan sa utak niya. Ursula, Cruella De Vil at Maleficent-hango sa pinakasisikat na kontrabida sa mga fairy tales at Hollywood films. Bagay na bagay sa mga ka-opisinang nilukuban yata ng kampon ng dilim sa napaka-unlimited na mga evil plots nito hindi lamang sa kanya kundi maging sa mga ka-close niya sa logistics department. She remembered minsan na ring naipatawag sa HR ang tatlong ito dahil sa pagkakalat ng malisyosong tsismis. Kabilang siya sa mga nabiktima ng makating dila ng mga ito.

"Ayan na siya?" ngumungusong ani ng isa, tila umalohokan na pabulong na nag-anunsiyo ng kanyang pagdating.

"My gosh, hindi na nahiya. Dapat lang na matanggal na siya. O kaya, ilipat ng ibang department. Sobrang nagmamaganda." Segunda ng isa pa. Umarko ang kilay niya sa confidence level nitong nag-uumapaw gaya ng mga namimintog nitong tagyawat sa pisngi.

Hindi lumagpas sa kanyang pandinig ang komento ng grupo na ginawa na yatang full-time career ang pambu-bully sa kanya. Kung hindi lang malakas ang kanyang loob, malamang ay hindi siya aabutin ng isang araw sa kompanyang ito.

"Oh my. Pinipilit na magmukhang sosyalera. If I know, tinatago ang pagiging lasengga. What a cheap-looking slut." Parang nanadyang nilakasan ng pinaka-lider ng grupo ang huling komentong iyon. Si Jelfa Lacsamana. Tall and lean figure. Katulad niya, tsinita at maputi ito. Maganda sa anyong pisikal ngunit ugaling imburnal.

Pakiramdam niya pumanting ang kanyang dalawang tenga sa salitang 'slut' na binitiwan nito.

Masakit sa pandinig. Mas masakit sa dibdib. Pinakiramdaman niya ang sariling paghinga, hinigit iyon. She pooled air in her chest and held them until she couldn't breathe. Kanting-kanti na siya at halos sasabog sa kinikimkim na inis.

Esperanza made a dramatic twitch then blew air. Tila mga inupos na kandila ang tatlo nang tumigil siya sa harap ng mga ito. Mataman niyang tinitigan isa-isa ang tatlong bruha. Matimpiin siyang tao ngunit may hangganan ang kanyang pasensya. She slighted her hand and the three cringed like vampires in broad daylight.

Itinuwid niya ang tingin right into their shocked faces and wounded them with her stare. Habang tila tinakasan ng dugo sa pamumutla ang mga babae, iginuhit niya ang matamis na ngiti, abot hanggang tsinita niyang mga mata.

Lovingly Yours, Mister NuknukanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon