6:45am
Nasa school na'ko. 7:30am kasi ang klase. Pero dahil lagi namang late ang prof, late na rin pumasok ang mga estudyante. At yung 7:30am na klase namin ay nagiging 8:30am na. 1 hour late. Pero ganun pa rin ako, palaging maaga, kaya ayun, mag-isa ako rito sa lobby.
Hinihintay ko ang kaibigan ko na kaklase ko rin na dumating dahil nasa akin yung resibo niya para sa pagkuha ng NBI. Nakaipit kasi 'yon sa notebook niya na hiniram ko.
7:30am
Ako pa rin mag-isa rito. I dialled her number. Ayaw sumagot kaya nagsent nalang ako ng message.
8:30am
Ako pa rin mag-isang nakatambay. Tiningnan ko ang cellphone ko kung may message ba -- Wala.
"Bakit naman wala pa kayo?"
9:30am
Walang dumating ni isa. Hanggang 1:30pm ang klase namin,.at sigurado akong hindi na darating ang professor, dahil 9:30am na eh. Ako lang din naman ang estudyante niya rito. Tinawagan ko ang kaibigan ko, tinext ko rin, pero walang sagot. O sadyang ayaw niya sumagot? Walang reply. Tinext ko rin ang iba sa mga kaklase ko kung nasaan na sila at kung may klase ba.
"Walang klase ngayon Margaret, nag-gm ako kagabi ha. Nakapost din sa group."
Yan ang natanggap kong text.
Ang galing lang. Bakit wala akong natanggap message mula sa kanila?
'Di rin naman lahat ng tao ay mahilig mag-Facebook. Haayy, wala eh. Nandito na 'ko. Uuwi nalang ako.
Inayos ko na ang gamit ko pati ang sarili ko. Akmang patayo na ako nang biglang may tumabi sa inuupuan ko.
"Ate gusto mo? Sayo nalang. Tag-isa tayo." Sabi nung lalaking nag-aalok sa'kin ng sandwich niya.
"Ah, wag na po Kuya. Sige."
"Sige, bahala ka." Sabi nya. At umalis na'ko.
**Kinabukasan**
Same thing again, maaga akong pumasok at ako palang ang tao rito. Pero kagabi, chineck ko na yung Fb group namin kung pasok ba o wala.
7:30am
Dumating muli yung lalakeng nag-alok sa'kin ng sandwich kahapon. At ngayon inaalok na naman nya ako. Tinanggihan ko ulit ito.
8:15am
Nagsidatingan na ang mga classmates ko. 8:30am rin nang nagsimula ang klase.
Lumipas ang isang linggo at paulit-ulit lang ang nangyayari. Routine ng mga classmates ko, routine nung Kuyang nag-aalok sa'kin ng sandwich, routine ko, routine naming lahat.
"Ate, oh sandwich. Baka 'di ka pa nag-aalmusal eh." Sabi muli nung lalake. Nag-iba siya ng line. Hahaha.
"Sige salamat." Tinanggap ko na iyon.
Halos isang buwan din yung naulit. Ang pagbibigay niya sa'kin ng samdwich at ang pagtanggap ko sa bigay niya.
Pero ngayon, natigil. One week na kasing 'di nagpapakita si Kuya.
**Sa bahay**
-Doorbell ringing-
"Margaret, pakibukas nga yung gate. Baka si Emerald na yun." Sabi sa'kin ni Mama.
"Sino yun Ma?"
"Highschool friend ko. Kakauwi lang dito sa Pilipinas two months ago."
Lumabas na ako sa bahay at binuksan ko ang gate at pinapasok sa bahay si Tita Emerald.
"Susunod nalang dito ang anak ko dito Vicky." Sabi ni tita Emerald kay Mama.
Umakyat muna ako sa kwarto ko, naligo at nagbihis. Pagkababa ko ang narinig ko ang usapan nila.
"Laging maaga umaalis ng bahay yan si Margaret." Dinig kong sabi ni Mama.
"Ito rin si Lawrence. Kahit na 10:30am pa ang klase, 5:45am o 6:00am umaalis na."
"Hahaha eh kasi po, kailangan ko siyang dalhan ng almusal. Tita Vicky, pasensya na po dumiretso na 'ko pasok." Sagot nung anak ni tita Emerald, na 'di ko pa nakikita ang itsura dahil dumiretso ako kusina para kumuha sa ref ng maiinom na tubig.
Pagkatapos ay pumunta na rin ako sa dining area. Umupo ako sa upuan ko at tumingin sa katabi ko. Nabigla ako sa taong katabi ko na nakatingin rin sa'kin, na abot tenga ang ngiti -- si Kuyang Sandwich!!
"Ma, Tita Vicky, si Margaret po, girlfriend ko."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
--o0o--
:))
ESTÁS LEYENDO
Mr. Sandwich
Novela JuvenilMalay mo, ang pagpasok sa school ng maaga ang magbibigay ng Forever mo ..
