-

31 1 0
                                    

Simula palang, siya na talaga. Si Zyron Dela Vega na talaga. Sigurado ako, siya na talaga ang gusto ko pang habang buhay.

----

Isa siyang kaibigan ni Kuya Damon. Nakita ko si Zyron Dela Vega ng minsan silang nag group study ng kuya ko at iba pa niyang kabarkada sa aming bahay. 1st year high school sila 'non. Nakataas pa ang kanyang buhok, may malalim na dimples sa magkabilang pisngi, maputi at matangkad siya. Samantalang ako naman ay isang batang grade 5 student na may pigtails, pacute na mga damit at ang mala candy kong amoy. Maliit pako non, ni wala akong dimple, may bilugan at maliit na mukha, at higit sa lahat ay chubby ako. At ang walanghiya kong kuya ay lagi akong inaasar na Baboy o kaya ay piglet. Mahilig na nga ako sa pink, mataba pa daw ako.

Nakamasid lang ako sa hagdan habang sila ay nasa salas. Nagbabasa sila ay may naisip ako. Umupo ako sa pagitan niya at ng isa pang lalaki ngunit sa kasamaang palad ay hindi naman niya ako pinansin. Pero ang isa ko pang kayabi na di ko naman kilala ay kinausap ako.

"Hi! Ang cute mo naman, kapatid mo ba si Damon? Ako nga pala si Kuya Tyron." masigla niyang tanong at pakilala sakin. Gwapo din siya pero mas gwapo pa din ang isa kong katabi.   Tumango ako ng tila medyo nahihiya pa. Bigla ko naman napansin na nakatingin na pala sa akin ang kanina ko pa tinitignan na lalaki.

"Hoy, Summer baboy! pumanik ka na nga doon sa kwarto doon ka maglaro. Naiistorbo mo kami." sabi ng aking kuya. at dahil bata pa lamang ako noon ay umiyak ako at tumakbo palabas ng bahay.

Tumuloy ako sa parke na malapit sa aming block at umupo sa isang swing doon. Pinagpatuloy ko nalang ang pag-iyak doon. Iyak lang ako ng iyak. Pero naramdaman ko na lamang na may umupo sa kabilang swing. Tiningnan ko kung sino iyon and to my surprise. It was him! Yung lalaking kasama ng kuya ko.

"Hi Summer. Ako nga pala si kuya Zyron. Friend ako ni kuya Damon mo. 'Wag ka ng umiyak. Eto o. " Sabay abot niya sa akin ng ice cream. Ngayon alam ko na kung ano pangalan niya. Napatigil naman ako sa pag iyak at tumitig na lamang sa kanyang mukha.

"Pinalagay ko na diyan lahat ng flavor since di ko naman alam kung ano gusto mo. " Kinuha ko naman ang binibigay niyang ice cream na mukhang kabibili niya lamang sa sorbetero na nasa labas ng parke. Nagpasalamat naman ako sa kanya. Napakabait naman niya. Naisip ko. Nagpasalamat naman ako sa kanya.

Ilang minuto pa ang lumipas ngunit hindi pa din siya bumabalik sa bahay. Tumingin na lamang ako sa mga naglalaro sa parke. Nakakainggit. Buti pa sila ay may mga kaibigang kalaro.

"Wala ka bang kaibigan?" Tanong niya sakin. Tumango naman ako.

"Bakit?" Sunod niyang tanong.

"Kase po lagi lang po ako nasa bahay. Ayaw din naman po sakin ng mga schoolmates kong babae kasi po mataba daw ako. Sa mga lalaki naman po, tinutukso lang po nila ko gaya ng ginagawa ni kuya Damon. " Paliwanag ko.

"Gusto mo tayo na lang mag-laro?" Tanong niya. Nagliwanag naman ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Tumango naman ako bilang pag sang-ayon.

Naglaro lang naman kami buong hapon sa park. Wala siyang pakealam kung sabihan man siya na isip bata. Napasaya niya ako at lingid sa kaalaman niyang dahil sa ginawa niya noong araw na iyon ay nahulog na ako sa kanya. Patindi ng patindi at palalim ng palalim habang lumilipas ang mga araw.

Pero unti unti nalang din na nag bago ang pakikitungo niya sa akin. Hindi na niya ako pinapansin sa 'twing kakausapin ko siya. Pero hindi ako susuko. Hindi ako naging si Aaliyah Summer Festine kung agad agad nalang akong susuko.

--

Lumipas ang mga panahon. 2nd year college na ako at 4th year college naman siya. Simula ng ako'y mag high school hanggang ngayon ay hinahabol ko na siya. Sinabi na din ni kuya na mukha akong tanga kakahabol sa taong hindi naman ako gusto pero, wala akong pake sa sasabihin nila. Hindi nila alam kung gaano katindi ang nararamdaman ko para kay Zyron. Isang nakakabaliw na feeling. Para siyang isang droga na kahit anong pilit ng iba na masama uto para sa kalusugan ko ay hinding hindi talaga magbabago ang nararamdaman ko. Andyang sabihan din niya ako ng baboy at pangit. Pero dahil ako ay isang dakilang head over heels kay Zyron Dela Vega, eto na nga at nagpaganda na ko ng bonggang bongga! Nandyang halos araw araw ako sa indoor gym at pool namin sa bahay. Nagpa derma dim ako para mawala ang mga pimples at blackheads ko sa mukha. Nagbahaba din ako ng buhok at shempre nag start nakong magpakababae. Pero imbis na siya ang mahulog sakin, ibang mga lalaki pa.

Chasing Zyron (One Shot)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora