Chapter 1- Sent

37 0 0
                                    

Agnes Pov:

"Hoy! Agnes, maawa ka diyan sa laptop ko at lubayan mo na yan"- maarteng sabi ni Jona sa akin with matching irap.

"Tse! Manahimik ka nga jan, nag-iisip pa ako nang isusulat ko kay Damon honey"- sabi ko

"My Goodness, nagpapaniwala ka diyan sa website na yan. Nanganak na lang si Mae na malandi, naging Miss. Universe na si mareng pia at papasikat na ang hashtags nang showtime, ni hindi ka pa nakakamove on sa website na yan- walang prenong sabi nito sa akin na akala mo nakamove on na siya sa dyowa niyang mukhang addict na binuntis si Mae Malandi.

"Quite at magsusulat na ako"- seryosong saad ko.

Nagsimula na siyang magsulat. Ahy ako nga pala si Agnes Agatha Malingan. Ako ay walang boyfie, sabi nang bff ko na si Jona Tsanak dahil mukha itong inatempt na ipalalag nang nanay nito nung baby pa siya. Sabi niya ako ay desperate na malantod dahil kebata bata ko pa daw gusto ko nang magkaboyfie. Nagsalita ang hindi, kaya nga first dyowa niya ay isang addict dahil tigang din siya sa lovelife. Ayun, pinatos na kahit mukhang bangkay na nabuhay. Ako ay isang highschool student pa at nasa 3rd year na. Nag-aaral ako sa isang private school dahil isa akong scholar nang mayor. Hindi naman kami mayaman, yung papa ko isang contsruction worker at yung nanay ko naman ay sideline labandera. Yung laptop na ginagamit ko ay hindi sa akin kundi sa bestfriend ko na si Jona dahil mayaman ito, siya ay anak nang mayor sa bayan namin. Mabait, mayaman at panget si Jona. Ohy nagsasabi lang ako nang totoo dahil hindi naman ito kagandahan kagaya ko kaya nga besfriend kami. Hahahha.

"Pangs, alam mo naman na walang magrereply sayo dahil unang una hindi mo naman yan sinesend" - sabi nito at nakakatsismis siya sa letter ko huh.

Pangs ang tawagan namin in short for panget.

"Alam ko pangs, Wag mo akong gawing bobo just like you- sabi ko sabay peace sign sa kanya Pampawala lang toh nang lumbay ko sa 16 years ko nang sa mundong ibabao ni hindi pako nakakaranas nang may date sa Valentines- pagdradrama ko sa kanya.

"Kaawa- awang nilalang"- siya sabay tapik sa balikat ko.

"Heh! Kung maka.awa ka parang may date ka sa Valentines bukas"- inis na sabi ko dito.

"Eh ano naman kung wala, naranasan ko naman magkaboyfie"- asar nito pabalik sa akin.

"Yeah right, sa ex mong adik. Diyos ko pangs, mas malala pa yun kay Boy Bangag sa kanto"- asar ko dito at sabay tingin sa laptop.

Inirapan niya lang ako. Yung website na tinutukoy niya ay yung SulatkaySoulmate.com, aksidente ko na lang itong nadiskubre noon dahil sa isang classmate ko na tsismosa nung 2nd year ko. Sa website natoh pwede kang gumawa nang letter para sa iyong soulmate at may mga pangalan na pagpipilian, ewan ko nga kong totoo bah tong mga names dito or gawa gawa lang at dahil ako ay isang tigang sa lovelife kaya pinatos ko na ito. Palagi akong pinagagalitan ni pangs dahil hindi ko naman sinesend yung letter ko, nakadraft lang sya at ang palagi kung pinapadalhan ay si Damon Yu dahil kapangalan niya ang idol ko na si Damon sa Vampire Diaries. Wag mo lang bigkasin yung fullname dahil baka akalain nang iba nagtatawag ka nang demonyo. Hehe. Ang gusto ko sa website na ito ay may date siya kung kailan mo gusto makuha nang taong iyon yung letter mo at sa case ko gaya now nilagay ko ay February 14, 20**, ito ay next year, Valentines day. Wala naman akong planong isend yun dahil para sa akin wala ding saysay dahil hindi naman yun totoo.

Tiningnan ko ulit yung sulat ko at nanlaki yung mata ko dahil na send na ito.

"Pangssss"- sigaw ko sa kanya at tiningnan siya nang masama.

"Wag ka ngang sumigaw pangs- tumayo ito at humiga sa malambot nitong kama " Wala namang mawawala sayo if nasend yan, Choss, hindi naman yan true" - natatawang sabi nito.

"Ehy, nakakahiya kase pangs .- ako at napapadyak na parang bata

"Ngayon kapa nahiya" - sarcastic na sabi nito " Wag kang mag.alala, walang Damon Yu na buhay at alive baka sa impyerno meron pa. Haha- sabi nito.

Wala na din naman akong magagawa dahil nasend na ito at tama naman sya baka nga avatar yang Damon na yan.

"Tse, uwi na nga ako at pupuntahan ko pa si nanay kina Aling Lumin"- pagpapa.alam ko dito.

"Cgeh pangs, ingat at baka andyan lang si Damon mo"- asar nito sa akin.

"Manahimik ka panget"- sigaw ko dito mabilis na tumakbo palabas nang kwarto nito.

Natatawa ako nang nakalabas na ako sa bahay nila. Ayaw na ayaw kasi nito na tinatawag na panget dahil obvious naman. Hahhaha. Pag tinawag na panget yung bff ko tumakbo kana dahil nagiging wild ito. Wild na baboy. Hahha

Hello Mr Demon-YuWhere stories live. Discover now