Amnesia (One Shot)

59 7 1
                                        

=-+ Park Near Hope's House +=-

Hope's POV

Hello! Ako nga pala si Hope Rayen Mendoza, simple lang ang buhay ko, hindi kami mayaman pero kaya naman. 8 years old ako as of now at meron akong dalawang matalik na kaibigan sila ay magkakambal mag kamuka pero yung ugali hindi! Sabi ng iba lahat daw naguguluhan kung sino si Lance at sino si Lucas.

Si Lucas ay ang bait bait, mahilig mag guitara at kumanta.

Si Lance naman masungit at lagi akong inaaway pero magkaibigan padin kami. Pero kahit na masungit si Lance, sweet at caring yan.

Habang nag lalaro kami ng isang sabado ay kaylangan na umuwi nila Lance at Lucas dahil sinundo na sila nang driver nila, bongga ang kotche nila, white tapos parang mamahalin! Oo, mayaman sila hindi tulad namin pero bestfriends kasi sila Mama at Tita Charlotte since High School kaya lahat kami ay super close.

Nag wave ako as a sign of goodbye (A/N Charrot nag english si Ate?!), wag ka nga author! Mayaman sila Lance kaya sakanila ako nagpapaturo ng English! Nag lakad na ako pauwi pero meron akong biglang narinig na car screech kaya napatakbo ako kung saan nang galing iyon.

"LLLAAANNNCCCEEE!!! LLLUUUCCCAAASSS!!!" sigaw ko ngunit walang reply at alam kong wala na akong magagawa. Nandoon lang ako sa kalsada umiiyak habang nag slow-mo lahat nung dumating yung amubalance at mga pulis.

Meron sakin humawak sa balikat ko at nakita ko sila Tita Charlotte at Tito Daniel umiiyak silang dalawa, katulad ko, napayakap ako kay Tita Charlotte at umiyak ng umiyak.

"Ti-ti-tita.. a-ano p-po mangyayari ki-kila Lu-Lucas?" Tanong ko kay Tita habang umiiyak padin.

"Hi-hindi ko din alam Rayen, a-ang a-alam ko lang ay ka-kaylangan na-natin ipag dasal si-sila.." Sabi saakin ni Tita Charlotte habang umiiyak sya.

Isang bwan na ang nakalipas at magaling na ang kambal, pero meron silang amnesia... hindi nila ako matatandaan... Isang bwan na din ang bawal bisitahin ko yung kambal kasi pag daw nagpakilala ako baka maalala nila ako during ng operation at mag fail, ikakamatay daw nila ito. At ngayon nung isang linggo tumawag saakin si Tita Charlotte at pwede na daw bisitahin ang kambal!

Nung nandoon na ako sa gate, kinabahan ako, pano kung ayaw na nila saakin? Paano kung hindi ko tangap na hindi nila ako matandaan? Wala na akong pake at nag doorbell... binuksan ng isang babae na naka uniform na maid.

"Iha ano yon?" Tanong nya saakin.

"Ahh.. Nandyan po ba ang mga Gonzales?" Tanong ko.

"Sino yun iha? Mga Bautista na nakatira dito, pumunta daw America yung mga Gonzales nung isang araw" Sabi ni Ate, nagpasalamat ako at tumakbo pauwi sa kwarto ko at umiyak ng umiyak.

**--8 Years Later...--**

-=+ Hart Town University +=-

Hello! Ako padin ito si Hope, at ngayon ay 16 years old na ako. Madami na din ang nagbago, mayaman na kami dahil sa tulong ng mga Gonzales habang nasa America sila, pero di ko pa din nakakalimutan sila Lance, sila ang pinaka bestfriends ko... di ko nga alam kung isang Alden Richards na sila o' kaya Daniel Padilla! Pero baka mala EXO sila! Meron nga pala akong kaibigan si Olivia Mabel Mercado, magkapit bahay lang kami kaya naging super close kami nung umalis sila Lucas.

"Oh My Gulay! Nakita nyo yung mga transfer student?" Girl 1

"Oo! Mostly yung mga Gonzales!" Girl 2

Yan, yan ang naririning namin ni Olivia habang nag lalakad kami. Ang chismosa ng mga students dito sa school na ito! Pero Gonzales? Baka.. Hindi hindi.. Merong ibang Gonzales sa mundong ito!

Amnesia (One Shot)Where stories live. Discover now