PROLOGUE

3.6K 86 5
                                    

PROLOGUE...

"F*ck! Shiiiitttt!!!!..."

"Ahhhhh.... F-Faster...!!!"

Napapikit ako ng aking mga mata. Napabuntong-hininga. Hinayaang tumulo ang kanina ko pang pinipigilang luha.

Pamaya-maya ay napasandal na lamang ang aking likuran sa pader. Nasa tabi ng sinasandalan ko ang pintuan ng kwarto kung saan doon nanggagaling sa loob ang ingay. Ingay na para sa kanila ay napaksarap pakinggan sa kanilang mga pandinig habang sa pandinig ko naman ay napakasakit mapakinggan.

Sinong hindi masasaktan kapag narinig mo iyon? Kung alam mong nanggagaling ang mga iyon sa mismong bibig ng taong pinag-alayan mo ng habambuhay kasama pa nito ang isang taong kilala niya ngunit hindi ko naman kilala.

Napakasakit para sa akin na marinig ang mga iyon. Mga ungol at halinghing na tanda na ito'y nasasarapan. Nasasarapan na hindi ikaw ang may gawa ngunit iba ang gumagawa nun.

Naturingang ASAWA ko na siya ngunit iba ang kasa-kasama niya ngayon sa kwarto naming dalawa at gumagawa ng milagro. Alam nitong narito lamang ako sa labas at naririnig sila ngunit wala itong pakielam.

Muli kong iminulat ang aking mga mata. Pinigilan na ang pagluha. Hinayaang matuyo ang mga luhang kanina'y bumagtas mula sa aking mga mata patungo sa aking mga pisnging kakikitaan mo ng bakas ng pasa.

Inilibot ko ang aking mga paningin sa kabuuan ng condo unit naming dalawa na simula naming tirhan pagkatapos ng aming kasal. Mabuti pa ang tinitirhan naming dalawa, maayos ngunit ang aming pagsasama... hindi.

Ilang buwan na rin ang nakalipas ng kami'y ikasal ni Howard. Naging masaya ang okasyong iyon na dinaluhan ng malalapit naming kaibigan kahit na sa ibang bansa pa iyon ginanap. Siyempre, hindi rin nawala sa okasyong iyon ang mga taong pinakamalalapit sa amin, sila Gale, Yohan at Tristan.

Pero nang matapos na ang kasalang iyon at bumalik kami rito sa Pilipinas, doon nagsimula ang akala ko'y langit na pagsasama. Pagsasamang puno ng hinanakit, paghihiganti at pananakit.

Saksi ang condo unit naming ito sa lahat ng hirap at sakit na nararanasan ko sa piling niya. Sakit na alam kong ibinibigay niya sa akin dahil sa kasalanang ako rin ang may gawa. Gumaganti siya. Gumaganti siya sa pamamagitan ng pananakit hindi lamang sa pisikal ngunit pati sa emosyonal.

Pagkatapos ng aming kasal, Nanirahan kami ni Howard rito sa Davao City. Ang condo building namin kung saan dito kami nakatira ngayon ay matatagpuan sa progresibong syudad. Hindi na namin ngayon kasama si Yohan dahil naiwan na ito ngayon kay Gale na siyang ina nito. 'Yun naman kasi di ba ang plano, kapag nagpunta kami sa US at doon ay nagpakasal ay ibabalik na rin namin si Yohan kay Gale at maiiwan na ito roon. Wala silang kaalam-alam sa mga nangyayari sa amin ngayon ni Howard kahit constant pa naman ang communication namin sa kanila.

Bigla akong napatingin sa pintuan ng kwarto namin ni Howard ng makarinig ako ng kalabog mula sa loob. Napabuntong-hininga ako. Mukhang mas nagiging wild ang ginagawa ng dalawa sa loob at wala naman akong magawa para sila'y pigilan dahil pihado ay magagalit na naman siya sa akin. Wala akong lakas ng loob para siya'y komprontahin sa mga ginagawa niya dahil ako mismo, nagawa ko dati ang kung anong ginagawa niya ngayon.

Simula ng manirahan kami rito at magsama bilang mag-asawa... Masasabi kong nagsimula na rin ang mala-impyerno kong buhay.

Walang araw na hindi nagsama si Howard ng kung sino-sino sa tinitirhan naming dalawa. Babae, lalaki... gwapo, maganda... Isinasama niya rito at kapwa gumagawa ng milagro kahit na nandito ako. Wala itong pakielam sa kung anuman ang mararamdaman ko bilang asawa niya. Ako naman, mapipilitan na lamang na magmukmok sa isang tabi at iiyak. Ganun ang naging buhay ko.

BETWEEN YOU AND HIM BOOK 2:IN HIS ARMS COMPLETE EPISODES AVAILABLE ON DREAME APPWhere stories live. Discover now