One Shot!

48 6 10
                                        

Note:
I just tried to make something like this. Hope you guys will like it! Luyoon po ito.

Xi Luhan as Gab
Im Yoona as Grace
Suho as Alfred
Jiyeon as Althea

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Grace's Pov
Kakarating ko lang ngayon sa school namin. Pag aari ito ng parents ko hindi naman sa pagmamayabang. Nakapagpakilala na ba ako? Oh well di naman ako shunga kaya magpapakilala na ako.

I am Grace Dela Vega. They say na maganda daw ako, mabait, matalino and so on. Minsan nga nakakasawa ng pakinggan ung mga ganyang bagay eh. Meron akong nagugustuhan ang pangalan niya ay Gab Torres. Kaclose ko naman siya. As in kaclose ko talaga siya, paano ba namang hindi eh kaibigan ko un eh! Ang sakit kasi parang feeling ko kasi never niya akong magugustuhan. Aish kafrustrate naman toh oo. Lagi ko ngang winiwish na sana di siya magkaroon ng girlfriend kasi baka madaming umiyak at kasama na ako dun syempre.

"Grace Ganda!" Tawag sakin ng gwapo ngunit manhid kong bestfriend sabay akbay sakin

"Anong kelangan mo? Wala ka na naman bang assignment? At Kelangan mo na naman ng tulong ko?" Ako

Lagi naman siyang ganyan eh. Kaya tuloy feeling ko ginagamit niya lang ako para makatapos siya ng pagaaral. Hayy pero ano bang magagawa ko. Kumbaga parang sanay na ako sa ganito.

"Grabe naman yang tingin mo sakin. Nakakahurt ka ng feelings eh!" Gab

Kung alam mo lang kung gaano mo ako nasasaktan. Pero okay lang kasi ikaw din naman ang nakakapagpasaya sakin.

"Hay nakoo ang dami mong alam bakit di mo kaya yan gamitin ng makapasa ka? Ha?" Ako

"alam mo sobra kana Gracee ahh. Masyado mo ng inaapakan ang pride ko!" Gab

"Wala akong pake ngayon anong kelangan mo sakin? Alam kong di yan ang ikinasunod mo sakin! Alam kong may kelangan kana naman!" Ako

Oo ganyan ang treatment ko sa kanya. Kaya din siguro di niya napapansin ang pagkagusto ko sa kanya pero di pa ba sapat na may ginagawa ako palagi para lang sa kanya?

"Hehe kelangan ko nga kasi ang tulong mo. Tama ang hinala mo kanina wala akong assignment kaya nandito ako ngayon!" Gab

"Gehh sanay naman ako. Ganyan ka naman eh lumalapit ka lang sakin pag may kelangan pero kapag wala para lang akong hangin na dumaan. Di mo manlang pinapansin at akala mo stranger lang" sabi ko pero pabulong lang ung huli

"Tss. Wag ka namang magtampo sakin. Dalii na kasii" Gab

"Sige pero sa isang kondisyon!" Ako

"Kahit ano pa yan basta para sayo!" Gab

Yun oh! Kinilig naman daw ng patago si ako. Hay nakoo inaatake na naman ako ng syndrome ko.

"Sige you'll be my boyfriend till forever!" ako

Napansin kong nashock siya. Sino ba namang hindi? Kung ikaw kaya ang nasa posisyon niya.

"Pero syempre joke lang iyon!" bawi ko kaagad sa sinabi ko

"Wew akala ko naman totoo eh. Pinakaba mo ako masyado. Anyway ano nga ung kondisyon?" Gab

"Wala. Walang kondisyon. Im just kidding a while ago ikaw pa malakas ka kaya sakin. Baka nga ngiti mo palang nagtatatalon at masaya na ako eh!" Ako pero di ulit pinarinig ung pahuli

"Ganun? Pero sige okay lang na walang kondisyon pero okay lang ba kung kumain tayo sa labas mamaya?" Gab

Tumango naman ako. Kinuha ko na sa bag ko ung extra kong gawa sa assignment namin. Lagi akong may extra para sa kanya. Kadalasan nga kasi wala siyang gawa.

Nasa HULI ang PAGSISISI (One Shot)Stories to obsess over. Discover now