TRB 1 Home sweet home

6.3K 170 5
                                    

Dean

...haaayyyy sa wakas narito narin ako. Ang layo din ng aking binyahe mula manila hanggang dito sa pampanga. Malaking adjustment to sambit ko sa isip ko.:)

Bumaba ako ng bus ng may ngiti sa mga labi ko. Ganoon parin ang ambiance ng lugar. Sakto lang ang init ng araw at mahangin. Namiss ko tong ganitong panahon.

Humanap ako ng pagbibilhan ng pasalubong para kay lolay at loloy. Ang tagal ko na ring hindi sila nakikita. Ahhhhhh!!!! Excited nako. ! Grade 4 ako nang lumipat kami sa maynila, naiwan si lola at lolo dito dahil sabi nila, para mabantayan nila yung bukid at bahay. Isa pa ayaw nila sa maynila dahil sa sobrang polusyon.

Pagkatapos mamili ng mga prutas at tinapay hinanap ko na yung sakayan papuntang kabilang munisipyo. Mga dalawang sakay din bago pa makauwi sa baryo namin. Hay ewan bakit ang saya ko na makabalik dito.

Sumakay ako ng jeep. Kahit marami akong bag na dala at pasalubong okay lang. Kakayanin. Pinagtitinginan nga ako ng mga ibang pasahero dahil sa dami ng dala ko.

Magdamag nakadungaw lang ako sa bintana ng jeep, dinadama ang preskong hangin. Medyo mainit na dahil tangahali na. Nagugutom narin ako.

"Para po!" Sambit ko ng matanaw ko na yung barangay namin. Pero parang di ako sigurado. Hindi naman ata. Hanggang sa may makita ko yung dati paring arko. This is it!

Bumaba ako sa may kanto at ganun nalang ang aking pagkabigla. Mala palengke na tong kanto at ang dami na ng mga naglalakihang gusali. Di ko inakala to ah. haha. Kung dati isa o dalawa lang yung tindahan ngayon magkabilaang daan na.

"Woah!" Bighani ko. Masaya to! May dalawa akong nakitang Cafe sa magkabilaan. Ang laki ng pinagbago, mukhang mag eenjoy talaga ako dito. Haha.

Tumawag ako ng tricycle, malapit lang naman yung bahay nila lola dito ang kaso marami akong dala kaya sumakay nako.

Improving na talaga yung lugar namen, sementado na. Mas marami na ngayong nagkalat at naglalarong bata. Hayyy. Nakakamiss. Gusto ko sana ulit gawin yung mga ginagawa nila, luksong tinik, patintero at bansai. Kaso im grown up na. College kana uyyy. Haha.

Pumara ako sa tapat mismo ng gate, ganun parin kaso iba na yung kulay.

"Bayad po" inabot ko yung bayad at binaba na yung gamit ko. Grabe pati bubong ng tricycle di ko pinatawad.

"Dean? ikaw ba yan?" tanong ng isang lalaki sakin.

Nilingon ko siya. Naka puting t-shirt, naka tokong na black at naka sandugo na tsinelas, wew. RK. At ang gwapo niya. Dinedescribe ko lang siya. -_-#

And...Di ko siya kilala.

"Ahm. Kilala ba kita?" Tanong ko.

"Haha. Oo naman, Ako si Red. Jared Dela Cruz, remember? Bestfriend mo nung elementary?" Paliwanag niya.

Nabigla ako dun. Si Jared siya? Eh ang pagkakatanda ko kay jared, maitim, sungki sungki yung ngipin at panay tulo ang sipon.

"Ahm. Ikaw ba talaga si Jared? Parang hindi" usisa ko habang inaayos yung mga gamit ko.

"Tsk, si Dean oh. Eto oh" may dinukot siya sa bulsa niya, wallet. Binuksan niya yun at pinakita yung picture siya nung bata. Tang na! What happened? Siya ba talaga tong mala anghel yung mukha ngayon? Sh*t

The Rude Boy (Is In Love!)Where stories live. Discover now