Masaya kaming tatlong nagtatawanan habang nakaupo sa tabing dagat. Ito lang ang nakakapagkumpleto ng araw ko. Ang makita si Clay at Iszuara na parehong masaya sa relasyon na meron sila. Syempre, masaya ako para sa kanila. Halos sabay kaming lumaki. Pero si Iszuara ang talagang bestfriend ko mula pa pagkabata. Sabay kaming lumaki. Nung highschool nalang namin nakilala si Clay. Galing sila sa ibang bansa at dito nga sa bayan namin napadpad.
Nagtagal pa kami ng mahigit isang oras sa tabing dagat at nang medyo madilim na ay napagpasyahan naming umuwi na.
Una akong hinatid nina Clay at Iszuara. Baka magde-date pa ang dalawang yun at ayoko naman makaistorbo sa moment nila. Syempre kailangan din nilang magsolo no. Haha. Natawa ako sa naisip ko. Wala namang problema sa kanila na sumama ako pero ako na yung di sumama kasi nga gusto ko magmoment sila. Halata ba akong atat magkaroon ng inaanak? Syempre noh, sino ba namang hindi? Pareho naman na kaming graduate na tatlo at wala pamang stable na job pero atleast may tangan nang karunungan sa ulo.
Bumaba na ako ng kotse ni Clay at kumaway pa sa kanila bago pumasok ng bahay. Bigla akong kinabahan. Parang may ibang mangyayari, ewan ko ba pero iba sa pakiramdam.
Umakyat ako sa ikalawang palapag at madadaanan ko ang study room ni papa kaya sa pag-aakalang busy si papa ay sinilip ko lang siya at nakita ko siyang nakatalikod sa pinto at nakaharap naman siya sa bintana. May kausal siya sa phone kaya isasara ko na sana ang pinto nang bigla akong nanigas at natakot sa narinig ko.
"Kailangang magawan 'nyo ng paraan para mawala na ang babaeng 'yan."
Sino ang kaaway ni papa? Yan agad naisip ko. Pero ang mas nagpagulat sa akin ay ang katotohanang kilalang-kilala ko ang gustong mawala ni papa. Pero bakit? Bakit kailangang humantong sa ganito? Kilala ko si papa at di ako makapaniwalang kaya nyang magpapatay ng tao.
"I want that Iszuara Santos to be out of sight as soon as possible."
Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko at saktong pagsara ko ng pinto ay natapos ang pakikipag-usap ni papa sa telepono.
Nagmamadali akong pumasok ng kwarto ko at natataranta. Kailangan kong mailayo si Iszuara dito sa bayan. Pero paano? At anong ibibigay kong rason sa kanya bakit pinapalayo ko siya?
Pabalik-balik ako sa paglalakad sa kwarto ko. Hindi ko alam ang gagawin ko pero naiiyak ako sa anumang mangyayari. Kakausapin ko nalang si papa. Tama, yun nalang ang gagawin ko. Itatanong ko kung anong dahilan ng lahat. Bakit parang galit si papa?
Humiga ako sa kama na madaming iniisip. Nakatulugan ko nalang ang pag-iisip kung paano ko itatanong kay papa ang dahilan at kung paano ko din ilalayo si Iszuara.
Pero paano kung ayaw paawat ni papa? Kailangan ko na talaga siyang makausap bago mahuli ang lahat. Kilala ko si papa eh, kung ano ang gusto niyang mangyari kailangang iyon ang mangyayari.
Kinabukasan, maaga akong nagising at dumiretso sa studyroom ni papa at nadatnan ko siya na may pinipirmahan na papeles. Nakabihis na siya at papaalis na dapat. Buti nalang naabutan ko siya.
"Papa." tawag ko kay papa at lumapit sa kanya.
"Kenya, have a seat. May pag-uusapan tayo."
Umupo ako sa sofa at hinintay ang sasabihin o pag-uusapan namin ni papa. Kinakabahan ako sa kung anuman ang pag-uusapan namin.
"Kenya, alam mo na halos buong buhay ko iginugol ko na sa kumpanya natin." panimula ni papa.
Nakikinig lang ako kay papa at hinintay ang sasabihin pa niya.
"Kaya, alam ko din na alam mo na itong kumpanya natin ang bumubuhay sa atin." pagpapatuloy ni papa sabay tingin sa akin.
Bigla akong kinabahan at hinintay ang sasabihin pa ni papa.
"Kilala mo naman si Clay Montemayor, di ba? Magkaibigan kayo?" tanong ni papa.
"O-opo, pa. Bakit po? A-ano po ang kinalaman ni Clay sa kumpanya natin, pa?" nahihiwagaan kong tanong.
"Well, kaibigan ko ang ama niya at napag-usapan namin na magmerge ng kumpanya at magmemerge lang ang kumpanya namin kung magpapakasal kayo." walang emosyon na sagot ni papa.
Napatayo ako at nagulat si papa sa ginawa ko at mas nagulat ako sa sinabi ni papa bago ako nakalabas ng studyroom niya.
Tuluyan na akong lumabas ng studyroom ni papa at tuluyang pumayag sa gusto niya.
Naisip ko nalang na baka hindi na mahirap na maikasal kay Clay kasi magkaibigan naman kami. Kakausapin ko nalang siya at sasabihin ang dahilan.
Hindi ko pa masabi kay Iszuara ang lahat kaya di muna ako sumasagot sa mga tawag at text niya. Di muna ako sumama sa mga lakad nila.
Birthday na pala ni Iszuara next week, kaya kahit umiiwas ako sa kanila ay naghanda pa din ako ng regalo para sa kanya.
Naisip ko bigla ang mga mangyayari, hanggang ngayon kinakabahan pa din ako sa mga mangyayari. Maiintindihan naman siguro ako ni Iszuara di ba?
Dapat sana sasabihin na agad ni papa sa family nila Clay na pumayag na ako pero pinakiusapan ko si papa na wag muna. Bigyan muna ng time si Clay at sinabi ko din na ako na ang magsasabi kay Clay at Iszuara ng lahat.
*NEXT*
Thank you.
YOU ARE READING
Forbidden Love
RomanceI'm Iszuara Santos. Kenya's bestfriend who is Clay's wife. I'm Clay's first love. I'm inlove with my bestfriend's husband. I came back for a revenge. Will I succeed on taking revenge when I am too late for it? Ipagpapatuloy ko ba ang paghihigante k...
