Careful
First day ng class namin as a second year college student. At ndito kami sa cafe ng barkada ko since mamaya pa pasok namin. I'm taking up Marketing Management while magkakaiba din ng course yung mga kaibigan ko, and here I am, third wheel na naman sa mga barkada kong kasama ang kani kanilang boyfriend. Damn it, mukha na naman akong tanga dito.
Napansin ni Jella na nabibwisit na ako ko kaya nagsimula na silang magtawanan. First day na first day kasi, balik na naman ako sa trabaho ko na pag thithird wheel!!
"Why don't you find a boyfriend na kasi, so that di ka nagmumukmok lagi dyan?" BAKA MAY MAHANAP! BASTOS
"You're pretty, Kisha. Mabait, matalino, madami namang nagkakagusto sayo pero you always turn them down, tapos ngayon nagmumukmok ka kasi wala kang lovelife" sabi ni Niña
Yep it's true, madaming nag attempt na manligaw sakin pero hindi ako pumapayag. Isn't it weird? Gusto ko magkalovelife pero pag may lumalapit naman, I always turn them down. Ugh, choosy na kung choosy pero di ko pa talaga nakikita yung lalaking magpapatibok ng puso ko. WOW!
"I don't know girls, siguro hindi ko lang talaga sila gusto kaya ganun. Di naman sa nagmamaganda, pero kasi kung sila lang din yung magiging karelasyon ko, eh wag nalang. Ang yayabang eh, parang gusto lang nila mapalabas na may girlfriend sila. They don't look serious about this stuff" sabi ko sakanila
"Yeah, you got a point there but I think you should give them a chance, I mean nakaprogram na kasi sa isip mo na ayaw mo sakanila so bawat may lumalapit sayo, automatic pinapalayo mo" sagot naman ni Zac na boyfriend ni Niña, naging part na din sila ng barkada namin since boyfriend sila ng mga kaibigan ko, and plus they're fun to be with.
"But for me, maybe you just have to wait. Ang love, inaantay yan.. Hindi hinahanap" sabi naman ni Nikko, boyfriend ni Jella. Napangiti naman si Jella sa sinabi ni Nikko, ugh.
Gusto ko lang naman kasi maging masaya.. yung mga kaibigan ko pag malungkot sila nakarescue agad sila Zac para pasayahin sila, pag may sakit sila someone will look after them and take care of them. Siguro, gusto ko lang maramdaman na merong taong nag aalala at nag aalaga sakin since I don't feel it dahil parehas ng parents ko ay nasa abroad.
"Hay nako guys, sige na maglandian nalang kayo dyan. Don't mind me, sanay na ako mag isa" pagdadrama ko. At sabay sabay nila akong binato ng tissue. bastos!
"Drama mo leche" sigaw nila Jella, i just smiled at napabuntong hininga.. Nakakapagod din pong mag third wheel dito no.
Suddenly my phone vibrated.
From: Jeanie
Bebe, andito na prof natin. Maaaga dumating bwiset! Go here na
Ugh! Ano ba tong prof na to, excited masyadong makita kami!!
"Hey guys. Got to go, andon na daw prof namin. Kainis!"
"Ok, see you later. We'll text you kung saan mgkikita" I nodded at Niña
"Ingat ka, kish! Wala ka pa namang boyfriend na sasalo sayo pag nadapa ka" at nagtawanan sila. Leche ka Zac!!
--
Nagmamadali ako since malayo layo ang cafe sa building ko. At sa pagmamadali ko, may nabangga ako at natapon ang hawak nyang inumin sa polo nya. Damn! First day na first day Kisha. Gaad I'm so stupid!
"Oh my gosh. Sorry po, sorry po" then nilabas ko yung panyo ko para punasan sana ung kamay nya when he suddenly touched my hand para pigilan ako. Don ako napatingin sakanya, at nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Juan Lorenzo Elizondo pala. Shit ang tanga mo Kisha!!! Huhu ang sama ng tingin nya sakin.
"I'm sorry, di ko sinasadya. Late na ako sa class ko kaya nagmamadali ako please wag kang magalit and wag mo ako tignan ng ganyan huhu nakakatakot yung tingin mo huhu di ko naman sinasadya eh. Lilibre nalang kita ng panglaba dyan sa damit mo or gusto mo ako na maglaba huhu" tuloy tuloy na sabi ko, gosh natatakot talaga ako. Crush ko pa naman to dati kaso nakakatakot sya tumingin kaya di ko na pinush yung feelings ko sakanya.
Nung tumingin ako sakanya, parang pinipigilan nya matawa pero hindi padin sya tumawa. Huhu kasi hindi talaga sya marunong tumawa huhu!!! Napakasuplado ng taong to.
"Just be careful next time" he said and left me dumbfounded. Shit? What. Was. That. Bakit di sya nagalit sakin? I was expecting him to shout at me pero pero... FUDGE!!! Nagkamoment kami ni ex crush!!! Eh teka, bakit ako kinikilig?
Mamaya na landi!! Late na ako sa class ko, at pagkapasok ko di naman ako pinagalitan ng prof so umupo na ako sa pwesto ko. Pero nagulat ako kung sino ang katabi ko... OHMYGOD SI LORENZO!!! PAANO NANGYARI TO!!! LAST YEAR DI NAMAN KAMI BLOCKMATES TSAKA OHMYGOD NAKAPAGPALIT NA AGAD SYA NG POLO OHMYGOD BAKIT GANITO. OHMYGOD
Napansin nyang nagulat ako na sya yung katabi ko pero wala syang reaksyon nag iwas ng tingin. Damn this is so awkward. Di ako makagalaw kung sya ang katabi ko. Ugh, di ko din alam kung bakit ako ganito ka affected.
Buong introduction ng prof tulala lang ako di ko alam na turn ko na pala para magpakilala sa harap.
"Uhm, hi. I'm Kisha Jean Santiago, kilala nyo naman na ako hehe kasama ko na kayo last year. So yun, i love to act, and read" nang mapatingin ako kay Lorenzo, nakatitig din sya sakin. Fudgee bar, wag kang ganyan. Baka maging crush na naman kita :(((( joke
Turn nya na magpakilala kaya pumunta na sya sa harap
"Juan Lorenzo Elizondo, from 1- Benedict last year, transferred here because of the sched" then umupo na sya. Wala syang kaemosyon emosyon nung nagsasalita sya. Pero halos lahat ng kaklase kong babae kulang nalang tumulo laway. Well, di ko sila masisisi. Lorenzo got the looks, sobra sobra pa nga eh. Pero there's something about him na parang matatatakot ka. especially the stare, I wonder what's the story behind the Emotionless guy. Ugh why am i even interested!!!
YOU ARE READING
Destined
RomanceKisha Jean Santiago, the girl who seem to have everything except, lovelife. Lahat ng kaibigan nya, masaya with their relationship. Siya lang ang natatanging wala pang naging karelasyon buong buhay nya. Somehow, nakakaramdam sya ng inggit dahil hindi...
