Sewfie

1.6K 90 13
                                    

Part 3.

"Iniwan ko ang mundo ng showbiz para sa...para sa mahal ko.... a..ayoko sya.... ayoko sya mabash ng dahil sa akin....ng dahil.....ng dahil lang pumatol sya sa bakla...gusto ko maging malaya kami, gusto ko maging masaya kami ng walang hahadlang sa pag-iibigan namin...pag naba-bash ako nasasaktan ako, paano pa kaya yung ma-babash yung minamahal ko, doble ang sakit sa akin." Sabi ni Vice.

"Bakit mo iniwan ang fans mo? Ilang taon din sila naghintay." Sabi ni Mj Felipe

"Dahil din sa takot. Natatakot ako na baka pag inamin ko kung sino talaga yung mahal ko, baka maging center na ko ng buhay nila, baka ako at ako lang ang isipin nila at makalimutan nilang may mas importante pa silang kailangan asikasuhin. Syempre once na sinabi ko kung sino yung babae WOW HAHAHAHA BABAE OO.... Kung sino yung babae na minamahal ko, dadating ang haters at ipagtatanggol nanaman nila ako at alam kong nasasaktan din sila para sa akin."

OO VICE TRIPLE ANG SAKIT SA AMING MGA NAGMAMAHAL SAYO PAG BINABASH KA.

"Sa ngayon may gusto ka ba sabihin sa mga taong naiwan mo noon?"

UMIIYAK NA AKO, PARANG HINDI AKO HANDA SA SASABIHIN NYA. TINATAWANAN NA AKO NG TATAY KO, BAT DAW AKO UMIIYAK DAPAT DAW MAGING MASAYA PA KO KASI BUMALIK SI VICE.
PERO ANG TANONG BUMALIK NGA BA SYA? BABALIKAN NYA BA KAMING MGA NAGMAMAHAL SA KANYA?

"Yung mga taong personal kong kilala, mga kaibigan ko, family ko, DATING GGV family, Showtime family nakausap ko na sila lahat and okay na kaming lahat, ayoko na lang sabihin kung ano yung pinag-usapan namin, masyadong personal"

"Any message sa mga fans mo na mahal na mahal ka?"




"Meron pa ba?" Sabi ni Vice

OO VICE. MERON. NANDITO PA KO.

"Meron pa ba kong babalikan?"

NARARAMDAMAN KO YUNG SAKIT HABANG TULOY TULOY ANG PAG AGOS NG LUHA NYA KAYA PATI AKO BUMIGAY NA RIN. WALA AKONG PAKE KUNG TAWANAN AKO NG TATAY KO DAHIL SA UMIIYAK AKO, BASTA NASASAKTAN AKO. EWAN KO BA, KAHIT INIWAN KAMI NG BAKLANG TO MAHAL NA MAHAL KO PA RIN. NASASAKTAN AKO KASI NAAALALA KO YUNG MGA TIMES NA PUPUNTA KAMI NG MGA CO-VICERYLLE BABIES KO SA SHOWTIME, GGV, PGT PARA LANG IPADAMA NAMIN SA KANYA YUNG PAGMAMAHAL NAMIN SA KANYA, DI LANG SA KANYA, PATI NA RIN KAY KARYLLE. YUNG TIME NA HALOS MAUBOS ANG PERA KO KAKABILI NG MAGAZINES, ALBUMS, POSTERS, CONCERT TICKET, MOVIE TICKETS PARA SA MGA MOVIE NYA, AT KAHIT SA PANG AMBAG PARA LANG SA PAG PAPAGAWA NG VICERYLLE BANNER.


"I am sorry. I really am. Tao lang din ako nagkakamali. I'm very very sorry. Nagsisisi ako na umalis ako ng walang paalam. Iniwan ko kayo sa ere. Pinag muka ko kayong tanga. I'm sorry kasi...I'm sorry kasi eto yung sinukli ko sa pagmamahal na pinadama nyo sa akin. I love you my little ponies and I miss you all and I'm sorry."

"I LOVE YOU MY LITTLE PONIES"
IYAK LANG AKO NG IYAK HABANG PAULIT ULIT KONG NIREREHISTRO YUNG BOSES NA YAN SA UTAK KO. MASAYA AKO KASI MAHAL NYA PA RIN KAMI, NASASAKTAN AKO KASI INIWAN NYA KAMI, NAGUGULUHAN AKO KUNG SUSUGAL BA ULIT AKO PARA SUPORTAHAN SYA EH MINSAN NYA NA KAMI INIWAN.

"Vice I'm sure na maiintindihan ng fans mo yung nararamdaman mo and i'm sure na balang araw matatanggap nila ang pag hingi mo ng tawad." Sabi ni MJ habang hinahagod ang likod ni Vice para mapatahan ito.

Random VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon